Rent

1304 Words
Nakita ni Bryan ang papalapit na babaeng may dalang bouquet na ibinigay nito kay Mia. "Bakit hawak niya 'yon?" kunot-noong tanong nito sa kaniyang isipan. Hanggang sa makalapit ito sa kanya. "Hi, pasinsya na kung-- Hindi pa tapos magsalita si Dana nang magsalita si Bryan. "Nasaan si Mia? At bakit hawak-hawak mo 'yang bulaklak?" kunot-noong tanong ng binata. "Nakaalis na siya, mag-du-duty pa kasi 'yon sa fastfood na pinagtatrabahuan niya ng part time job. Itong bulaklak. Siya mismo ang nagbigay nito sa akin. Kaya sana huwag kang magalit sa akin. Ito binabalik ko na," nahihiyang saad ni Dana at isinasauli nito ang bulaklak sa binata. "Hindi, sa iyo na lang 'yan. Mukhang ayaw niya yata ng bulaklak na galing sa akin. Dahil sa tuwing nagbibigay ako niyan tinatapon lang niya. Mauna na ako," saad pa ni Bryan at nagmadali 'tong sumakay ng kaniyang sasakyan. "Ikaw ba 'yong lalaki na nakausap ko sa phone ni Mia, noong tumawag ako?" pahabol na tanong ni Dana. "Oo," tipid na sagot ni Bryan at walang pagdadalawang isip na isinirado nito ang bintana ng kaniyang sasakyan. "Kung gano'n si Mia talaga ang gusto niya," nanghihinayang na saad ni Dana at pinagmasdan na lamang ang papalayong sasakyan ng binata. "Tinakasan mo na naman ako Mia. At talagang binigay mo pa sa iba 'yong bulaklak, ah." Saad ng binata sa kaniyang isipan habang nagmamaneho 'to. "Mia, may order sa table six. Puwede bang ikaw na ang mag serve?" pakiusap ni Janeth. "Oo ba," agad na wika naman ni Mia at kinuha nito ang order at inalagay niya sa table number six. 'Ah, kaya naman pala ayaw nitong mag serve dahil si ex pala ito," wika nito sa kaniyang isipan. "Hi, Mia," bati ni Alfred ang kasama ng ex boyfriend ni Janeth. "Hello, ito na ang order niyo. Enjoy your meal," wika pa ni Mia ng nakangiti. "Ahm, hatid na kita mamaya. Kung puwede sana," pahabol pa ni Alfred. "Sorry may maghahatid na sa akin pauwi." Agad naman na saad ng dalaga. "Sino? Wala ka namang boyfriend 'di ba?" tanong pa ni Alfred. "Wala ka na roon," sagot naman ni Mia at iniwan na ang mga ito. "Janeth, kaya pala ayaw mong ikaw ang mag-serve. Dahil andoon pala si Ex," saad nito sa kaniyang katrabaho. "Alam mo naman 'di ba? Kaka break lang namin. Saka maganda na 'yong ganito. Kapag nandiyan siya iiwas na lang ako," saad naman ni Janeth. "Ayan kasi, sabi ng huwag ka na munang mag jowa-jowa, eh. Masyado kang nagmamadali. Ayan tuloy. Kaya ako, wala talaga akong balak mag jowa-jowa muna. Magtatapos muna ako ng pag-aaral," saad naman ni Mia. "Nasasabi mo lang 'yan kasi hindi pa tumitibok 'yang puso mo at hindi mo pa nakakaharap ang katapat mo," saad naman ni Janeth. "Paano kasi, masyado kang mailap at maldita sa mga lalaki. Ingat ka gurl. Baka tumanda ka niyang dalaga," makahulugang saad naman ni Venice ang baklang katrabaho rin nito. "Hindi rin, saka kung gugustuhin kong magkaroon ng jowa. Magkakaroon siguro ako. Pero hindi pa sa ngayon," saad naman ni Mia ng biglang pumasok sa isipan nito si Bryan. 'Kumusta kaya si Dana? Baka nagkamabutihan na sila ni Bryan, maganda nga 'yon. Para hindi na ako kinukulit-kulit ng bastos na 'yon," saad pa nito sa kaniyang isipan at bumalik na lang siya sa kaniyang trabaho. "Mia, sabi ni boss magsasara na raw," saad ni Janeth. "Ha? Bakit?" kunot-noong tanong ng dalaga. "Ewan ko, may nagbayad daw. At gusto ng paalis lahat ng customer pati mga empleyado," sagot naman ni Venice. "Lahat lumabas na at umuwi. Maliban sa iyo Miss Ferrer. Requested ka," saad ng kanilang boss. "Boss, ako po talaga? As in?" taka at hindi makapaniwalang tanong ng dalaga. "Yes, kaya dapat asikasuhin mo ng mabuti ang client natin. Higit sa lahat maging mabait ka sa kanya. Dito lang ako sa loob, magpaalam ka lang kapag tapos ng kumain ang client natin at aalis na siya," makahulugang saad ng kanilang boss. "Bye, Mia. Kaya mo 'yan," nakangiting saad naman ni Janeth. "Bye, gurl. Aba! Mukhang bigatin ang client na 'yan, ha. Talagang ni rentahan pa talaga. Para lang masulo ka," saad naman ni Venice at kumaway na rin ito palabas. Nagtaka naman si Mia na napapaisip. Mayamaya pa ay nilinis na rin nito ang ibang mga pinagkainan ng customer na nasa table. Hanggang sa marinig niya ang pagbukas ng pintuan. "Good evening po, Ma'am/Sir. Pasinsya na po closed na po kami at may hinihintay lang akong special guest--" Hindi natapos sabihin ni Mia ang sasabihin nito nang makita si--" "Bryan? Ano'ng ginagawa mo rito?" takang tanong ng dalaga. "Oh! Nandito na pala siya. Good evening. Tuloy po kayo. Bahala ka na sa kanya, Mia. Papasok na ako sa loob," nakangiting saad ng kaniyang boss. "Ikaw? Ikaw ang nagpasara nito? Ano bang pumasok sa utak mo at narito ka?" naka kunot-noong tanong ng dalaga. "Nakita mo lang ako, humahaba na naman iyang nguso mo. Feeling ko sa tuwing nakikita mo ako, umiinit 'yang ulo mo. Sa pagkakaalam ko may attraso ka sa akin. Pagkatapos mong tanungin kung ano ang suot ko at kulay ng kotse ko. Sa iba mo pala ako ipapa-meet. Umasa pa naman akong ihahatid kang pauwi," makahulugang saad ng binata. "Bakit? Sinabi ko bang umasa ka? Sa simula pa lang naman sinabi ko na 'di ba? Um-order ka na. Para hindi sayang ang oras mo rito at ang binayad mo," formal na saad ng dalaga. "Gusto ko ng sisig dalawang order. Sabi ng boss mo, iyon daw ang best seller niyo rito. Kaya gusto kong tikman," saad ng binata. "Ano pong drinks niyo, sir?" tanong pa ni Mia. "Tea na lang kahit na ano'ng tea," sagot naman ni Bryan habang pinagmamasdan si Mia. Mayamaya pa ay inilapag na ni Mia ang order ni Bryan sa lamesa nito. " Enjoy your meal, sir," formal na saad ni Mia at aalis na sana ito nang biglang magsalita si Bryan. "Requested kita sa boss mo 'di ba? It means bayad din kita. So dito ka sa tabi ko at samahan mo akong kumain," saad ng binata. 'Talagang nananadya na 'tong Bryan na 'to. Sige, pagbibigyan kita dahil nasa trabaho ako," naiinis na saad ni Mia sa kaniyang isipan at umupo ito na kaharap ang binata. "Ganito pala ang dapat kong gawin, para lang makasama kita at siguradong wala kang takas sa akin. Matanong ko lang talaga bang ayaw mo ng bulaklak?" singit na tanong ng binata. "Hindi ko naman sinabing bigyan mo ako ng bulaklak 'di ba? Saka puwede ba, kumain ka na para makapag sara na ako. Baka mamaya tumawag si Ate. Mapansin na naman no'n na andito pa ako sa labas," pagsusungit na saad ni Mia. "Siguro may regla ka, ano? Kaya ang sungit-sungit mo? Okay lang, gusto pa rin kita at sa paningin ko lalo kang gumaganda," nakangiting saad ng binata. "Joke ba 'yon? Ang corne mo," wika ng dalaga na mataray. "Oh, sige. Uuwi na tayo. Pero may kundisyon," saad ng binata. "Ano naman, 'yon?" agad na tanong ni Mia. "Sabayan mo akong kumain at pagkatapos. Pumayag kang ihatid kita pa uwi?" Dahil mag seven thirty na ay pumayag na rin si Mia. Sapagkat tatawag na ang ate nito sa kanya ng lampas als otso. Matapos silang kumain at naayos na ni Mia ang mga pinagkainan nila ay nagpaalam na ito sa kanilang boss. "Boss, mauna po kami," paalam nito. "Ingat kayo sa pag-uwi. Sa uulitin Bryan. Magsabi ka lang at ako na ang bahala," wika nito sa binata ng nakangiti habang nakatingin ng kakaiba kay Mia. "Naku, boss! Nagkakamali po kayo. Hindi ko po siya boyfriend." Agad na wika ni Mia. "Hindi pa, hu sa ngayon. Pero malapit na 'yon," makahulugang saad naman ng binata ma may ngiti sa labi. "Asa ka," saad naman ni Mia at na una na itong naglakad palabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD