Naunang lumabas si Mia na agad namang sinundan ni Bryan.
"Mia, hindi ba't may usapan tayo? Ihahatid kita pa uwi. Bakit parang umiiwas ka na naman sa akin at tinatakbuhan mo pa ako?" agad na saad ni Bryan habang nakasunod sa paglalakad ng dalaga na nagmamadali.
"Okay, nasaan ang kotse mo?" tanong na lamang ni Mia habang nakatingin sa kanyang relong suot.
"Halika, punatahan na natin," wika naman ni Bryan at hinawakan sa kamay ang dalaga.
"Ops! Huwag mo akong hawakan. Kaya kong maglakad mag-isa," agad naman na wika ni Mia.
"I'm sorry, gusto lang kitang alalayang maglakad. Formal na saad ng binata at nagpatuloy ito sa paglalakad.
Hanggang sa makarating sila sa sasakyan.
Agad na binuksan ni Bryan ang pintuan ng sasakyan. At napilitan namang sumakay si Mia.
Mabilis ding sumakay si Bryan at pinaandar ang kotse.
"Ang tahimik mo. Gusto mong makinig ng music?" tanong pa ng binata.
"Hindi na, ayoko ng maingay," sagot at tanggi naman ni Mia habang nakatingin ito sa labas ng bintana ng sasakyan.
"Okay, kasi kahit naman ano'ng ialok ko sa 'yo. Ayaw mo, eh. Ayaw mo rin ng mga bagay na galing sa akin," saad pa ni Bryan.
"Alam mo, ang arte mo! At talagang ina artehan mo pa ako. Kasi naman, may mga bagay na dapat hindi na pinipilit. Kasi masasaktan ka lang," makahulugang saad ni Mia.
"Alam mo ba 'yong kasabihang. Walang matigas na tinapay sa mainit na kape?" nangiti pang wika ng binata.
"Oo, pero hindi ako tinapay. At lalong hindi ka kape. Kaya sumuko ka na lang," matapang na wika ni Mia.
"Wala ka bukabolaryo ko ang salitang pagsuko. Lalambot ka rin," nakangiting saad ni Bryan.
"Ang dami mong sinasabi. Buksan mo na 'tong pinto at baba na ako," saad ni Mia.
Bumaba muna ang binata at siya mismo ang nagbukas ng pintuan ng sasakyan.
Agad na lumabas ang dalaga at nagsalita 'to, "Salamat." Mabilis din itong naglakad at pumasok sa loob ng kanyang boarding house.
Napangiti naman si Bryan ng bahagyan at sinabing, "Good night, bukas uli."
Hindi na lang pinansin ni Mia ang sinabi ng binata at agad na nitong ni-lock ang pintuan niya.
Nagbusina muna si Bryan bago ito tuluyang nagmaneho paalis.
"Hay! Mabuti na lang at nakaalis na siya." Nakahinga ng maluwag na saad ng dalaga.
Agad itong nagtungo sa banyo at doon ay naligo.
Samantalang nagtungo naman si Bryan sa bar kung nasaan si Joseph.
"Andito na pala ang soon to be our, boss!" Nakangiting saad ni Joseph nang makita nito ang binatang kapapasok lang.
"Pasinsya na kung medyo na late ako, may dinaanan pa kasi," wika naman ni Bryan.
"Mukhang napapansin ko, mukhang busy ka yata sa chicka babes mo, ah? Lagi ka na lang nahuhuli sa gimikan natin," nakangiting saad naman ni Francisco ang kasama nito sa grupo.
"Hindi lang chicka babes, bro. Mukha nga yatang tinamaan si Bryan," wika naman ni Marlo ang kasama rin sa kanilang pangkat.
"Oy, bro. Labas tayo ng babae. Kita mo iyong nasa gitna ang galing gumiling. Mukhang masarap sisirin," wika ni Angelo ang pinaka babae sa kanilang grupo.
"Kayo na lang, bro. Nagbago na ako," tanggi naman ni Bryan at lumagok ito ng alak.
"Aba! Mukhang tinamaan ka na? Huwag mong seryosohin 'yan. Alam mo naman sa organization natin. Bawal tayong umibig at lalo na ang umibig. Baka mapahamak siya," paalala naman ni Joseph.
"Hindi mangyayari 'yon. Dahil ako mismo ang hahanap at papatay kay Magnus," paninigurong saad ni Bryan.
"Oy, brod. Maglabas tayo, tig-iisa tayo. Bry, labas tayo malamig ngayon. Kailangan ng pampainit," saad muli ni Angelo.
"Hindi na, kayo na lang," nakangiting tanggi ni Bryan.
"Sigurado ka?" tanong pa ni Joseph.
"Oo naman, lagot ka kay Agnes kapag nalaman niya," banta nito kay Joseph.
"Hindi pa siya puwede, kaya sa iba ko muna iputok. Kaya ikaw, sumama ka na sa amin," wika ni Joseph na nakakaloko.
"Sige kayo na lang," wika muli ni Bryan at tinawagan nito si Mia.
"Hello," wika ni Mia na ka kakakuha pa lamang ng tulog niya.
"Pasinya na kung naistorbo pa kita? Tulog ka na ba?" tanong ni Bryan.
"Kung ayaw mong matulog. Magpatulog ka naman," saad ni Mia at pinutol na nito ang linya at muli siyang natulog.
"Marinig ko lang ang boses mo, kuntento na ako," saad ni Bryan habang nakatingin ito sa kanyang cellphone.
Hanggang sa may lumapit sa kanyang babae.
"Sir, baka gusto mong magpa-init? Ikaw lang yata ang hindi nag bar fine. May mga bago kami," wika ng manager ng bar.
"Hindi, okay lang ako. Saka paalis na rin ako," saad ni Bryan at nag-iwan ito ng pambayad sa table. Agad na rin itong tumayo at naglakad palabas ng bar.
Agad din itong sumakay ng kanyang kotse at nagmaneho papunta sa kanilang boss.
MAKALIPAS ANG ILANG SANDALI
"Bryan, I'm glad na naparito ka. Ikaw lang yata mag-isa ngayon? Nasaan ang mga kasama mo?" nakangiting tanong ni Don Gustavo ang kanilang boss.
"Nag take out sila, boss. Saka may kailangan akong itanong," sagot naman ng binata.
"Bakit ikaw? Nagsawa ka na ba? Saka ano ang itatanong mo?" sagot at tanong ng ginoo.
"Wala po kasi akong natipuhan. Wala pa po bang balita kung saan huling namataan si Magnus?" tanong din ng binata.
"Wala pang balita kong nasaan siya ngayon. Pero alam ko at hindi magtatagal ay malalaman din natin," makahulugang saad ng ginoo.
"Bryan patayin mo siya para sa akin. Para makaganti tayo," saad pa ng ginoo.
"Huwag po kayong mag-aalala. Ipaghihiganti ko po kayo. At sisiguraduhin kong ako mismo ang kikitil ng buhay niya," saad naman ni Bryan.
"Siya nga pala nabalitaan ko na may pinaglalaanan ka ng oras mo ngayon at galing ka pa ng school para lang sa isang babae. Alam mo, Bryan. May patakaran ang organisasyon natin na alam mong baka ikapamak ng babae mo. Kung ako sa iyo. Layuan mo na lang siya," makahulugang wika ni Don Gustavo.
"Hindi ko siya kasintahan, walang namamagitan sa aming dalawa. Magkaibigan lang kami. Kaya wala kayong dapat ipag-alala. At huwag niyo siyang idadamay," banta pa ni Bryan.