
Si Precious Reyes. No boyfriend since birth. Isa rin itong nerd na laging nakasuot ng salamin sa mata. Conservative, madalas rin itong nakasuot ng palda lampas tuhod na halos umabot na hanggang lupa.
Angeline Reyes. Pinsang buo ni Precious at ang kasintahan nito ay si Harry Jimenez. Ang binatang chick boy noon pero nagbago at naging stick to one kay Angeline.
Naging masaya ang pagsasama ng magkasintahan at nais na rin na ipakilala ni Angeline ang kanyang kasintahan sa Ama nito. Iyon ngalang tutol ang Ama nito sa kanilang pagmamahalan, dahil may nagugustuhan itong ibang lalaki para sa kanyang anak at iyon ay si Aj Natividad ang dating kasintahan ni Angeline.
Sa pagbalik ni Aj sa buhay ni Angeline ay pakiramdam ng dalaga ay bumalik ang dating pagtingin nito sa binata at aminin man niya oh hindi ay mahal pa rin niya ito. Hanggang sa nagkabalikan silang dalawa at balak ng magpakasal.
Upang hindi gaanong masaktan si Harry at maibaling ang pagmamahal nito sa iba ay pinakiusapan nila si Precious na paibigin ang binata para madistract ito at iyon ang naging plano nila.
Ang tanong kaya kayang paibigin ni Precious si Harry? Oh, baka naman siya ang mapaibig ng binata?
Paano kung malaman ni Harry na pinagplanohan pala siya ng mga ito at kasabwat si Precious. Kaya pa kaya niyang patawarin ang dalagang natutunan na rin niyang mahalin? Oh, kamumuhian niya ito?
Maipaglalaban kaya ni Precious ang kanyang pagmamahal kay Harry? Mapatawad kaya siya nito? Oh, bibitiwan niya ito sa huli at magpapakalayo-layo na lang?
Abangan. . .

