You've Got Me
Pagkatapos ng paniniig na namagitan kay Alma at Jordan ay may biglang nag text sa dalaga. Pakikialaman sana ni Jordan ang cellphone ni Alma ngunit naisip nito na wala s'yang karapatan at ayaw nitong malaman kung sino man ang nag text sa dalaga. Bagkus ay tiningnan na lamang n'ya ang dalaga ng kunot ang noo at hindi nito maitago ang kirot sa kanyang puso.
"Sa susunod kapag magkasama tayo! Ayaw na ayaw kong may nagte-text sa 'yo. At ayoko ko rin na binabasa mo pa sa harapan ko habang nakangiti ka na kinikilig-kilig pa!" naiinis na saad ni Jordan sa dalaga.
"So, galit ka na n'yan? Masyado kang pakialamero! Ikaw nga, nakita ko sa lalagyanan mo ng damit may panty ng babae na dinadala mo rito. May narinig ka ba sa akin 'diba wala?" galit rin na sagot ni Alma.
"Atleast ako lalaki. Eh, ikaw? Baka nga may nangyayari na sa 'nyo ng mga katext mo," wika muli ni Jordan na nakakaramdam ng kirot sa kalooban.
"Bakit nakita mo? May ebidensya ka? Kung makapagsalita ka akala mo kung hindi ikaw ang nakakuha sa p********e ko," sagot muli ni Alma na nakakaramdam ng kirot sa kalooban at pinulot nito ang kanyang mga damit sa sahig upang suotin 'yon.
Hindi naman nakapagsalit si Jordan at nanahimik dahil alam nito sa kanyang sarili na s'ya ang nakauna sa dalaga.
"Alma, ayusin natin 'to," wika ni Jordan sa dalaga.
"Ayoko at ayokong pag-usapan," sagot naman ni Alma.
"Bakit ba sa tuwing sinasabi ko 'to sa 'yo ayaw mong pag-usapan? At ano bang kinatatakutan mo?" nahihiwagahang tanong ng binata.
"Basta, hindi pa ako handa at aayusin ko muna ang sarili ko. Sana kapag handa na ako at okay na ang lahat handa ka pa ring tanggapin ako at mahalin. Aalis na ako at naghihintay na si Charish sa labas," paalam ni Alma at lumabas na ito.
'Iyong pakiramdam na may nangyayari sa inyo at alam mong mahal n'yo ang isa't isa. Pero walang kayo. At wala kang karapatan sa kanya. Kahit na gusto mong tingnan kung sino ang katext n'ya. O, katext hindi pwede dahil alam mong masasaktan ka lang. Kaya nanaisin mo na lang na huwag pansinin dahil walang kayo," saad ni Jordan sa kanyang isipan at huminga na lamang ito ng malalim.
Gaano ba kahalaga sa isang babae at lalaki ang virginity ng isang dalaga?
Paano kung mahal mo pa s'ya? Pero ayaw mo ng sumugal muli sa kanya at hindi ka pa handang magkaroon ng commitment?
Abangan. . .
Title: You've Got Me
Written by: Miss_Choi
Genre: Romance
Link: ????
https://m.dreame.com/novel/3/IRIhWz8zxmMd3UeYdLVg==.html