chapter 1
Title: Langit Ka at Lupa ako
Written by: Miss_Choi
Genre: Romance
"D'yos ko, nasaan na kaya ang bata na 'yon? Ngayon lang s'ya ginabi ng ganito. Hindi man lang nagawang mag text. O tuwag. Baka napaano na s'ya," nag-aalalang saad ni Maribel ang ina ni Jun.
"Huwag kang mag-alala at baka pauwi na 'yon. Hindi naman gano'n ang anak natin. Baka may impotanti lang na inaasikaso siguro. Kaya hindi na kapag text dahil busy," saad ng kinilalang ama ni Jun na pilit na pinakalma ang asawa nito.
"Tayo na pumasok na tayo sa loob," aya ni Jun kay Bianca ang asawa nito.
"Kinakabahan ako, Jun. Baka magalit sila, lalo na at hindi alam ng pamilya mo na nagpakasal tayo," kinakabahan na saad ni Nicole.
"Huwag kang matakot handa akong harapin sila at ipaglaban ka sa pamilya ko. Saka wala na silang magagawa kasal na tayo," wika naman ni Jun at hinawakan ang palad ni Nicole.
Naglakad sila papasok ng bahay at nadatnan nila ang ina ni Jun.
Nakita naman s'ya agad ng kanyang ina. Kaya niyakap nito agad ang anak at sinabing, "Bakit ginabi ka na ng uwi? Bakit hindi ka man lang nag text O tumawag?" naiinis na tanong ng ito ngunit nakahinga na ito ng maluwag ng makita ang anak.
"Nay, may kasama po ako. Si Nicole po asawa ko. Nagpakasal na po kami kaya ginabi na po ako ng uwi," pagsasabi ng totoo ni Jun at hinawakan ang kamay ng asawa upang ipakilala at iharap ito sa kanyang mga magulang.
"Ano? Asawa? Kasal na kayo? Ano bang pumasok sa utak mo? Bakit ka nag-asawa? Diyos ko, Jun. Halos mamatay ako sa pag-aalala sa 'yo. Tapos ito lang ang sasabihin mo? Alam mo ang hirap ko sa paglalako ng isda para mabuhay ka kayo ng kapatid mo para mapag-aral kita at makatapos ng pag-aaral tapos ganito ang mangyayari sa 'yo?" Galit na galit na wika ng ina nito.
"Mabuti pa, doon na lang kayo mag-usap sa kuwarto at nakakahiya kay Nicole," pakiusap ng ama ni Jun.
"Nay, pasinsya na po kayo," paumanhin ni Nicole.
"Huwag mo akong matawag-tawag na nay! Dahil hindi kita anak!" galit na wika ng ina ni Jun.
Nakaramdam naman ng takot at pagkapahiya si Nicole. Dahil pakiramdam nito ay hindi siya gusto ng ina ni Jun.
"Sumunod ka sa kuwarto, Jun. At hindi pa tayo tapos," utos ng ina ito at naglakad papasok ng silid.
"Opo, nay," sagot naman ni Jun. Ngunit hinawakan nito si Nicole sa palad.
"Pasinsya ka na kay Inay. Nabigla lang 'yon. Kaya naging gano'n s'ya. Pero pagkatapos naming mag-usap. Magiging okay na rin ang lahat. Umupo ka muna rito. Lyn, samahan mo ang ate Nicole mo," utos pa nito sa kanyang nakababatang kapatid.
"Opo, kuya," sagot naman ni Lyn at tumabi ito kay Nicole.
"Gano'n ba talaga ang Inay mo?" nag-aalang tanong nito sa bata.
"Naku hindi po, ate. Ngayon lang po. Baka nabigla lang po s'ya sa nalaman n'ya. Pero mamaya po mawawala rin po ang galit n'ya kay kuya," sagot ng batang babae.
"Sana nga, kasi nakakahiya naman ng dahil sa akin masisira ang pamilya n'yo. Pwede naman akong umalis dito," saad ni Nicole.
"Bakit po kayo aalis? Eh, kasal naman na kayo ni kuya. Ibig sabihin pamilya ka na rin po," tanong ni Lyn na may ngiti sa labi.
"Salamat, Lyn, Ha," wika ni Bianca ng may ngiti sa labi.
"Wala po 'yon. Isa pa masaya nga po ako, eh. Kasi may ate na ako," masayang wika ni Lyn.
"Nay, pasinsya na po kayo kung biglaan po ang naging desisyon namin na pagpapakasal at kung naglihim po kami," paumanhin ni Jun sa kanyang ina.
"Anak, alam mo naman ang buhay natin 'diba? Tapos nag-aaral ka pa? Ang ayos-ayos ng usapan natin at mga plano sa buhay tapos ganito ang mangyayari. Nasaan ang pangako mo na magtatapos ka ng pag-aaral? Ikaw lang ang iniisip ko Jun. Ang future mo at mga pangarap natin," naiiyak na wika ng kanyang ina.
"Nay, sorry po. Ipinapangako ko po mag-aaral pa rin ako. At tutuparin ko pa rin ang pangarap natin," wika naman ni Jun.
"Makakapag-aral ka pa kaya, Jun? Kung may sarili ka ng pamilyang sinusuporthan? Sana inisip mo muna 'yan. Bago ka nagpakasal," saad ng ina nito at nilayasan ang anak habang pinapahid ang kanyang luha na pumapatak.
"Mabuti pa kumain na kayo ng asawa mo," utos ng ama ni Jun.
Sumunod naman si Jun sa utos nito at naghanda ng makakain sa hapagkainan.
"Halikana kumain na tayo," aya nito sa kanyang asawa at sabay silang kumai sa hapag kainan.
"Jun, hindi ba nakakahiya sa magulang mo?" tanong ni Nicole.
"Ano ka ba? Syempre hindi. Saka kasal na tayo kaya wala na silang magagawa," sagot nito sa kanyang asawa.
Sabay silang kumain at pagkatapos ay sinamahan n'ya itong maghugas ng plato.
"Ako na ang maghugas ng plato alam ko hindi ka sanay. Mabuti pa mag wash ka na sa banyo," saad ni Jun sa kanyang asawa.
"Pero dapat matutunan ko. Dahil kailangan kong makisama at mag-asawa na tayo," saad ni Nicole.
"Sige na nga," saad naman ni Jun na may ngiti sa labi at nagtulungan silang maghugas ng pinagkainan.
Nang nasa silid na sila ay naglatag ng banig si Jun sa sahig.
"D'yan ka na sa kama matulog sa kama at dito na ako sa banig. Pasinsyahan mo na langa ang kuwarto ko singlaki lang ng CR n'yo," saad ni Jun.
"Ano ka ba? Ako nga ang dapat humingi ng pasinsya. Kasi ikaw ang sumalo sa akin. At tinanggap mo ako ng buong-buo. Lalo na ang bata sa sinapupunan ko kahit na hindi ikaw ang ama," saad ni Nicole na nahihiya.
"Huwag mong sabihin 'yan. Napag-usapan na natin 'to 'diba? Isa pa mahal kita mahal na mahal. At ako, ako ang ama ng batang dinadala mo," wika nito na may ngiti sa labi.
"Salamat, Jun. Salamat at hindi mo ako sinukuan. Kaya hinding-hindi rin kita susukuan. Dito ka na kaya matulog sa tabi ko. Baka mamaya magtaka pa sila at hindi tayo magkatabing natutulog," wika ni Nicole.
Nakaramdam naman si Jun ng saya at agad na tinupi ang banig upang ibalik sa lalagyanan nito.
Tumabi rin agad ito kay Nicole at niyakap ng napakahigpit.
"Masaya at kuntento na ako na nasa tabi lang kita," saad ni Jun na may ngiti sa labi.
"Basta hindi rin kita susukuan, Jun. Hanggang sa matanggap ako ng pamilya mo," saad ni Nicole habang nakayakap sa asawa.
Matapos ang tagpo na iyon ay nakatulog na nga silang dalawa.
KINABUKASAN ay maagang nagising si Jun. At nadatnan nito ang kanyang ina, ama, at ang kapatid na kumain.
"Good morning," masayang bati nito sa kanila at umupo sa hapagkainan. Upang kumain na sana. Ngunit nang maglalagay na nasa s'ya ng ulam sa kanyang plato ay pinalo ng kanyang ina ang kanyang kamay.
"Magluto ka ng ulam n'yo at simula sa araw na ito. Magluto kayo ng pagkain n'yong dalawa!" galit na wika nito.
"Iyon lang pala, Nay. Oo ba. Kayo lang naman itong walang tiwala sa akin na kaya kong pagsabay-sabayin ang lahat," saad nito.
"Good morning po," bigay galang ni Nicole sa mga ito.
"Aba, gising na ang mahal na prinsesa. Magaling. Hoy, babae. Alam ko anak mayaman ka. Pero dahil asawa ka na ng anak ko. Hindi ba't dapat ikaw ang naghahanda ng pagkain ng asawa mo. Hindi s'ya. Paalala ko lang po ikaw dapat ang nakikisama, Ha! Hindi kami," naiinis na wika ng ina ni Jun.
"Am, opo. Huwag po kayong mag-alala," saad ni Nicole at agad itong nagtungo sa kusina.
"Umupo ka na rito, hija. Mamaya ka na lang magluto," wika naman ng ama ni Jun.
Tiningna naman ni Maribel ng kunot-noo ang asawa at sinabing, "Nawalan na ako ng ganang kumain." At nagmadaling naglakad palayo.
Umupo naman agad si Jun sa tabi ng kanyang asawa at sinabing, "Pagpasinsyahan mo na si Inay. Wala lang siguro s'ya sa mood. Pagsinsyahan mo na rin ang ulam natin. Alam kong hindi ka sanay sa sardinas at itlog na prito," saad nito.
"Ano ka ba? Masarap kaya ang itlog at masustansya pa. Masasanay rin ako," saad ni Nicole na may ngiti sa labi.