
Si Ara Casipe, 26 yrs old. Maganda, matangkad, maputi, lapitin ng lalake at madalas na nababastos. Gagawin ang lahat para sa inang maysakit. Wala siyang tiwala sa lalaki at hindi naniniwala na may lalaking magmamahal at seseryoso sa kanya. Tinanggap ang alok ni Mr. Lito Fernandez, 40 yrs old, may asawa isa sa mga mataas ang katungkulan sa kumpanyang pinag tatrabahuan ni Ara. Binahay ang pamilya ni Ara at siya rin ang gumagastos ng pampagamot ng Ina nito. Kapalit ng Panandaliang aliw. Ginawa lahat ni Ara ang lahat ng paraan upang dogtungan ang buhay ng Ina. Pumayag siya sa kagustuhan ni Mr. Fernandez. Upang mabayaran lahat ng kanyang utang. Alam nito na mali ngunit wala siyang choice kundi ang gawin 'yon upang mabuhay ang kanyang Ina.
Allan Agbayani, 27 yrs old. Matangkad at gwapo, magalang sa babae, at higit sa lahat Virgin. Nasa iisang kumpanya lamang sila ni Ara nagtatrabaho. Masasabi niya na noon pa lamang ay agaw pansin sa kanyang mga mata si Ara dahil sa angkin nitong ganda at alindog, ngunit ayaw niyang ligawan dahil sa takot na baka wala siyang pag-asa sa babae at sa pagkakaalam niya na hindi siya nito magugustuhan.
Anong gagawin mo? Kung makulong kayong dalawa lamang ng crush mo sa loob ng CR.
Kaya kayang tanggapin ni Allan si Ara? At ipaglaban. Kung malaman nitong ang babae na pinakamamahal ay nakikiapid?
Magkakaroon ba sila ng happy ending?
Palaban ang babae natin dito.😂😂😂😂
Tayong mga babae ngayon ang gagapang! Char!!😂😂😂😂✌✌✌
Title: Mr. Virgin
Written by: Miss__Choi

