
Si Tina Palma, 21 years old, isang dalaga na galing ng probinsiya lumuwas at nakipag sapalaran sa Manila. Pinilit na mag-aral sa kursong nurse dahil 'to talaga ang kanyang kagustuhan at pinangarap. Ang maging isang certified nurse upang makapag abroad at maiahon ang pamilya sa kahirapan. Tinutustusan ang kanyang pag-aaral sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa isang fastfood. At naglalabada rin 'to ng mga uniform ng kanyang mga kasama sa boarding house na kanilang inuukupan at marami pang ibang raket.
Si Kevin Lacambra, 21 years old, anak ng isang alkalde sa isang probinsiya. Nakatali sa isang kasunduan na hindi niya gusto. Pinag-aral ng magulang sa Manila sa kursong Cevil engineer. Makikilala at magkakagusto kay Tina, hindi magtatagal ay magkakapalagayan sila ng loob at magiging kasintahan nito ang dalaga. Gagawin lahat ng binata ang paraan upang makapagtapos ng pag-aaral ang babaeng pinakamamahal. Dahil 'to lamang ang nais niya ang makapag tapos ng pag-aaral si Tina. Kahit pa kapalit nito ay ang kanyang buhay. Pinapadalhan siya ng kanyang magulang ng pera upang pambili ng gamot niya sa sakit. Ngunit ang pera na pinadala ng kanyang magulang ay ibinibigay nito kay Tina upang pambayad sa tuitions ng dalaga.
Si Peter Lacuesta, 21 years old, kababata at bestfriend ni Kevin. May lihim na pagtingin kay Tina. Uang kita pa lamang nito kay Tina ay alam niya sa kanyang sarili na gusto niya ang dalaga. Ngunit pinili niyang manahimik at itago ang nararamdaman dahil alam niya gusto 'to ng matalik niyang kaibigan.
