bc

Elton Galvez: The Bachelor Playboy Series 1

book_age18+
2.0K
FOLLOW
14.3K
READ
comedy
twisted
sweet
like
intro-logo
Blurb

Matalino, guwapo at babaero. Ganyan ang paglalarawan ni Sheryl Hermosa. Kay Elton Galvez, ngunit ang hindi niya alam ay sa unang kita pa lamang sa kanya ni Elton ay may lihim na 'tong pagtingin sa kanya.

Ngunit binabaliwa lamang 'to ng binata dahil takot siyang sumugal sa pag-ibig.

kaya niya kayang pigilan ang nararamadam kung alam niya sa kanyang sarili na hindi niya kayang mawala sa kanyang tabi ang babaeng palihim na iniibig?

Abangan!!

chap-preview
Free preview
The Bachelor Playboy Series 1
Wala naman talagang kabalak- balak pumunta ng party si Sheryl Hermosa dahil wala naman 'tong alam sa kung ano'ng raket ang papasukan nito. At higit sa lahat wala 'tong kakilala ro'n maliban sa matalik nitong kaibigan na si Baby Sheen Alba. "Hay, ang tagal naman ni Sheen," buntong hininga ni Sheryl habang nasa labas ng party at hinihintay ang pagdating ng kaibigan. Naghintay pa 'to ng kaunti sa labas, hanggang sa may huminto na isang kotse sa kaniyang harapan na kulay pula. Napakunot ang noo ng dalaga nang makita nito ang bumababa ng sasakyan. Isang lalaki na matipuno ang pangangatawan, matangkad at nakasuot ng tuxedo na kulay itim. Nayayabangan siya rito, dahil sa tinitingnan siya nito mula ulo hanggang paa. Para bang kinikilatis siya at nahuhubaran sa malagkit na tingin nito sa kaniya. 'Mukhang mayaman 'tong lalaki ah. Dapat talaga hindi na ako pumunta pa rito. Hindi ako nababagay sa lugar na 'to. Dahil para lamang 'to sa mga mayayamang tao. Makatingin naman 'tong lalaki, manyakis na parang timang. Akala mo kung hinuhuburan ako sa lagkit ng tingin sa akin. Asaan na ba kasi si Sheen?" naiiritang tanong nito sa kan'yang isipan at nagpalinga-linga sa paligid. Bago pumasok ang lalaki ay sinulyapan muli nito ang babae na nasa labas. 'Sino kaya ang babae na 'yon? Ngayon ko lamang siya nakita rito. Asaan na kaya ang kausap ko?" tanong ng binata sa kaniyang isipan at nagpatuloy sa paglalakad. Makaraan ang halos trienta minutos ay dumating na ang hinihintay ni Sheryl. Naglalakad si Sheen nang mahagip ng mata ni Sheryl na palapit sa kaniya. "Grabi ka Sheen, napakatagal mo.Ikaw ha! Pinaghintay mo ako ng halos isang oras, ano ba kasing gagawin natin dito?" pagrereklamo tanong ni Sheryl. "Pumasok na muna tayo sa loob at baka naghihintay na si Mr. Elton Galvez," saad ni Sheen. Imbes na sagutin ang tanong nito. "Elton Galvez, sino 'yon? Akala ko ba may kakausapin lang tayong tao rito sa labas? Bakit kailangan pa nating pumasok sa loob?" hindi makapaghintay na tanong ni Sheryl. "Saglit lang hinahanap ko siya," wika ni Sheen at palingon-lingon sa loob. Habang naglalakad sila. "Siya nga pala nahanapan na kita ng mapapasukan mo. Hindi lang basta-bastang trabaho pangmatagal na 'to at malakihang sahod," pahabol pa na wika ni Sheen ng may kakaibang ngiti sa labi. 'Ano'ng trabaho kaya ang pinagsasabi nito?" napapaisip na tanong ni Sheryl habang tinitingnan ang kaibigan. "Andito na pala siya, eh. Hi, Mr. Elton Galvez," wika ni Sheen ng may malapad na ngiti sa labi at nakipag kamayan ito sa binata. Napatingin agad si Elton kay Sheryl at nagsalita. "Siya ba ang kaibigan mo? Ang sinasabi mo na magtatrabaho sa 'kin?" hindi mapagilang tanong ni Mr. Galvez habang nakatingin ng kakaiba kay Sheryl. Hinila agad ni Sheryl ang kaibigang si Sheen palabas at kinausap. "Ah-Ahm, Sir. Saglit lang ha. May pag-uusapan lang kami," paalam ni Sheen at pilit na ngumingiti ito. Habang hinihila siya palayo ni Sheryl. "Ano bang pinag-usapan n'yo ng mokong na 'yon? Binibinta mo ba ako?" agad-agad na tanong ni Sheryl. "OA mo! Binibinta agad, ano ako? Bugaw na nagbibinta ng kaibigan? Teka nga lang, ako pa talaga? Relax, She. Wala ka bang tiwala sa maganda mong kaibigan?" balik na tanong ni Sheen ng may mga matang nagniningning. "Ano ba kasing trabaho ang papasukan ko sa kaniya?" naguguluhang tanong ni Sheryl. "Ah...asawa," mahinang usal ng kaibigan. Lumaki ang mga mata ni Sheryl nang marinig ang sinabi ng kaibigan. "Ano?! Asawa?" napasigaw at hindi makapaniwalang sambit ni Sheryl. Dahil sa tinuran ng kaibigan. "Anak ng tokwa! Asawa talaga? Wala na bang ibang pagpipilian? Hindi ba puwedeng katulong na lang. Diyos ko! Ngayon ko lang nakita ang lalaki na 'yan. Isa pa, mukhang manyakis at hindi mapagkakatiwalan. 'Oh, tingnan mo makatingin parang kakain ng tao. Alam ko na play girl ako. At magaling magpaasa, magpanggap, makipaglaro sa mga lalaki. Pero ang maging asawa, malaking kalokohan ni hindi nga 'yan pumasok sa utak ko, eh. Nasisiraan ka na ba ng ulo?" reklamo ni Sheryl sa kaibigan. "Okay, then kukuha na lang ako ng iba. Iyong mas malakas ang loob. Sayang naman kasi ang offer. Every month ka lang namang makakatanggap ng fifty thousand pesos, plus allowance na five thousand a month, then hindi mo na iisipin ang pambayad ng boarding house, tubig, ilaw, pagkain araw-araw. Tapos magbubuhay prinsesa ka sa condo ni Mr. Elton Galvez. Ayaw mo ba 'yon? Wala ka ng magiging problema at iisipin. Magpapanggap ka lang naman na asawa," mahabang litanya ng kaibigan. "P-Panggap lang?" tanong ni Sheryl na nakahinga ng maluwag. "Oo, kailangan mo lang magpanggap na asawa gano'n lang ka simple," sagot ni Sheen. "Bakit naman hindi mo agad sinabi na kunwaring asawa lang pala? Ikaw talaga, pinakaba mo pa ako halikana ng nakapag-usap na kami ng masinsinan ni Mr. Elton Galvez," nagniningning na mga matang wika ni Sheryl. "Mga gan'yang tingin, Sheryl. Alam ko na may binabalak ka na namang hindi maganda. Maniwala ka sa 'kin, hindi kaya ng powers mo si Mr. Elton Galvez," paalala ni Sheen. "Well see, kung hindi siya iikot sa palad ko," makahulugang saad ni Sheryl. Habang pasimpleng tinitingnan ang binata na nakatanaw sa kaniya. "Mabuti pa lumapit na tayo sa kaniya ng magkaalaman na," saad ni Jimsheen sa kaibigan. lumapit nga ang dalawa sa binata at pilit na ngumiti si Sheryl kay Elton. Nagulat si Sheryl nang bigla siya nitong dikitan at mas nilapit pa ng binata ang mukha nito sa kaniyang mukha. At muntik pa siyang mapahiga dahil sa napaatras siya ng bahagya. Dahil sa ginawa ng binatang halos halikan siya nito. Mabuti na lamang at kinabig ng binata ang kaniyang beywang at napahawak siya agad sa kuwelyo nito na hindi alam ang mararamdam. Habang ang kanilang mga mata ay titig na titig sa bawat isa. Nang kinabig ni Elton ang kaniyang beywang at napatitig siya sa mga mata ng binata ay agad niya itong kiniwelyuhan at itinulak. "May sayad ka bang, lalaki ka? Akala mo kung sino ka, ha? Bastos!" maangas na wika ni Sheryl sa binata. "Tinitingnan ko lang kung kaya mo bang makipag sabayan sa 'kin, ayoko kasi ng ako lang ang nagdadala, mas gusto ko kasi 'yong dalawa tayo sa isang relasyon," bulong ni Elton sa puno ng tainga ni Sheryl. Kaya halos tumayo ang balahibo nito at hindi maintindihan ng dalaga kung ano'ng mararamdaman niya. Lalo na nang naramdaman nito ang init ng paghinga ng binata sa kan'yang puno ng tainga. Na para bang inaakit siya ngunit kasabay noon ay ang sa isip niyang pinaglalaruan lang siya ng animal na lalaking nasa kaniyang harapan. At iyon ang pinakaayaw niya. 'Bastos talaga itong animal na ito ah!" saad ng dalaaga sa kaniyang isipan. At itinaas ni Sheryl ang isa nitong palad at sasampalin na sana nito ang binata. Ngunit naagapan 'to ni Elton. "One slap. One kiss, mamali ka? Kapag dumapo ang palad mo sa mukha ko hindi ako magdadalawang isip na halikan ka. Sabagay masarap akong humalik at hindi ka makakatanggi," saad ni Elton na may nakakalokong ngiti. Tinanggal ni Sheryl ang kaniyang kamay mula sa binata at tiningnan niya ito ng masama. "By the way, I like you, see you tommorow? Susunduin kita. Para ipakilalang asawa ko," saad ng binata na may nakakalokong ngiti at tumalikod na ito. Huminga na lamang ng malalim si Sheryl at tiningnan ng masama ang binata na nakatalikod at naglalakad papalayo sa kaniya. "May-araw ka rin," saad ni Sheryl na naiinis sa lalaki. "Oy, best. Ano na? Deal or no deal?" nakangiting tanong naman ni Sheen kaibigan. "Syempre deal. Dahil kailangan siyang turuan ng leksyon," saad ni Sheryl na naiinis sa binata.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook