KINABUKASAN ay maagang pinuntahan ni Elton si Sheryl sa boarding house nito.
At tinawagan rin nito si Sheen habang naghihintay sa labas.
"Kung kailan kasarapan pa ng tulog ko, eh. Sino ba 'tong tumawatawag?" pagrereklamong tanong ni Sheen habang nakapikit ang mata at kinakapa ang cellphone sa lamesang nakatabi sa kama nito.
Nang nakuha ang cellphone ay sinagot naman agad n'ya ang tawag.
"Hello, Miss Sheen. Narito ako ngayon sa tapat ng boarding house n'yo at susunduin ko si Sheryl. Nakahanda na ba s'ya?" tanong ni Elton sa kabilang linya.
'Sh*t!" ano'ng oras na ba?" gulat na tanong nito sa kaniyang sarili.
Napabalikwas ng bangon si Sheen at agad na tumayo, sinilip ang labas ng boarding house nila.
Nakita nga nito na may sasakyan at dalawang lalaki na nakasuot ng coat na kulay black at naghihintay sa tapat ng boarding house nila.
"Anak ng tokwa! Diyos ko day, alas nuwebe na pala," saad ni Sheen na nakatingin sa orasan at ginising si Sheryl.
"Saglit lang Mr. Elton Galvez. Bigyan mo lang kami ng fifteen minutes, bye," saad ni Sheen at pinutol na agad ang linya.
"Uy! Gumising ka na, tanghali na pala. Nariyan na ang asawa mo. Sinusundo ka na," saad ni Sheen sa kaibigan.
"Ano ba? Inaantok pa ako isa pa walang pasok ngayon sabado," pagrereklamong wika ni Sheryl sa kaibigan at kinumutan ang ulo.
"Ano ka ba, inday? Isipin mo ang fifty thousand sa isang buwan plus allowance mo pa gumising ka na d'yan," saad ni Sheen sa kaibigan.
Napabangon naman agad si Sheryl dahil sa tinuran ng kaibigan.
"Oo nga pala, kailangan ko ng pera, wala akong pambayad sa utang ko at wala pa akong pambayad ng tuition fee ko," saad ni Sheryl.
"Bilisan mo, magbihis ka na at naghihintay s'ya sa labas," nagmamadaling wika ni Sheen.
"Hindi na ako maliligo magbibihis na lang ako ng damit at maghilamos then tooth brush at maligo ng pabango," saad ni Sheryl at pumasok na ito agad ng banyo.
Maya maya pa ay tumawag na muli si Elton kay Sheen.
"Hello, Mr Galvez," sagot ni Jimsheen.
"Ayokong pinaghihintay ako. Pakisabi sa kaibigan mo. Kung ayaw n'ya ng pera magsabi lang s'ya, dahil marami akong makukuha na babae bukod sa kaniya!" galit at naiinis na wika ni Elton sa kabilang linya.
"Pababa na po s'ya," saad ni Sheen at pinutol muli ang linya.
"Sissy, bilisan mo at mukhang galit na siya," wika ni Sheen habang kinakatok ang pintuan ng banyo.
"Oo, ito na. Lalabas na," saad ni Sheryl.
Makalipas ang limang minuto ay lumabas na si Sheryl ng banyo.
Kumuha ito ng pabango sa bag at nag spray pati sa mukha.
"Ayan, okay na ako, ewan ko na lang kung magalit pa s'ya kapag naamoy n'ya ako," saad ni Sheryl na may matamis na ngiti sa labi at nakatingin sa salamin.
Hinatid ni Sheen palabas ng bahay ang kaibigan at binilinan na galingan nito sa pag-arte dahil sayang ang kikitain n'ya.
"Oo, h'wag kang mag-alala. Ako ng bahala," sagot nito at humalik sa pisngi ng kaibigan.
Pagkalabas ni Sheryl sa bahay ay nakita nito si Elton na nakakunot ang noo na nakatingin sa kaniya.
"Alam mo, ayoko sa lahat 'yong pinaghihintay ako. Sakay na at may pupuntahan pa tayo," utos ng binata at tiningnan nito muli ang dalaga mula ulo hanggang paa.
Pumasok na rin ito sa loob ng sasakyan.
'Hay, nakakainis. Mukha yatang hindi ko 'to makakasundo," saad ni Sheryl sa kaniyang isipan at pumasok na rin 'to sa loob ng sasakyan.
Nagmaneho na rin ang driver paalis.
Huminto ang sinasakyan nila sa tapat ng isang mall kaya nagtakang tiningnan ng dalaga si Elton.
"Ano'ng gagawin namin dito? Nandito ba ang pamilya mo?" tanong ng dalaga sa binata.
"Wala, sumunod ka na lang," saad ni Elton at bumaba ito ng sasakyan.
Sumunod na lamang si Sheryl sa binata.
'Ano kayang gagawin namin dito?" takang tanong ng dalaga sa kaniyang isipan habang naglalakad.
Nakarating sila sa isang shop na puro damit, gown at kung ano-ano pang uri ng kasuotan.
"Hi, Mr. Galvez, ano pong maipaglilingkod namin?" masayang tanong at bati ng isang sale's clerk.
"Ang babaeng nasa likuran ko na nakabuntot. Pakiayusan at pakipilian ng magandang damit," utos ni Elton sa sale's clerk.
"Don't worry Mr. Galvez, kami na po ang bahala," sagot ng babae.
Nagtaka si Sheryl nang bigla s'yang nilapitan ng dalawang sale's clerk at hinila sa isang silid.
"Hi, pasinsya ka na kung bigla ka naming kinaladkad. Ito kasi ang utos ni Sir Elton," saad ng isa sa mga sale's clerk na nag-assist sa kaniya.
"Ah, okay lang alam ko naman ginagawa n'yo lang ang trabaho n'yo," saad ni Sheryl.
"Tanggalin mo na ang pants at t-shirt mo. Ito ang suotin mong damit," utos ng babae sa kaniya.
"H-Ha? Bakit kailangan kong magbihis ng ganiyan? Hindi ko kayang suotin 'yan kasi kita ang hinaharap ko. Baka mamaya mabastos pa ako ng hindi oras," saad agad ni Sheryl habang nakatingin sa damit na kulay pula.
"Hindi pa ba sinabi sa 'yo ni Sir na ito ang isusuot mo? Dahil may pupuntahan kayong party," tanong ng babae.
"Hindi, saka wala pa kaming pinag-usapan. Basta ang alam ko lang ipapakilala n'ya akong asawa," mabilis naman na sagot ni Sheryl.
"Makikita kasi ni Sir Elton ang ex girlfriend n'ya roon sa party na pupuntahan n'yo. Kaya gusto n'yang ipakita na hindi kawalan ang ex n'ya. At syempre ipamukha rin na mas nababagay ka. Kaysa sa ex n'ya," sagot ng isa sa mga nag-assist sa kaniya.
"Ay, go'n pala 'yon? Ginawa lang niya akong rebound at pang display niya," saad ni Sheryl.
'Okay sige. Gamitan pa la ang gusto niya. Puwes maggamitan kami," saad pa nito sa kaniyang isipan.
"Akin na, kahit hindi ko 'yan gusto. Susuotin ko para makaganti s'ya," pahabol na saad ni Sheryl.
Sinuot na nga ni Sheryl ang damit na kulay pula na halos lumuwa ang dibdib nito at fitted. Kaya halatang-halata ang kurba ng katawan niya na bumagaya at lalong lumantad ang kasiksihan nito.
Napamangha ang dalawang babae ng makita nila ang dalaga na suot nito ang damit.
"Oh my god! Parang sinukat ang damit para sa 'yo. Bagay na bagay," saad ng babae na natutuwa at napangmangha sa itsura ng dalaga.
"Umupo ka na rito at ng maayusan na kita ng mukha. Ayaw pa naman ni Sir Elton na pinaghihintay s'ya," saad ng isang sale's clerk.
Umupo naman ang dalaga sa upuan at tumingin sa salamin na nasa kaniyang harapan.
Nang matapos s'yang ayusan ay hindi makapaniwala ang dalaga.
"Parang hindi yata ako ito?" tanong ng dalaga sa sarili habang pinagmamasdan ang itsura sa salamin.
"Ikaw iyan. Ang tunay na ikaw kapag naayusan," saad ng isa sa mga sale's clerk at hinawakan pa ang balikan niya habang nakatingin sa salamin.