"Mabuti pa lumabas ka na at hinihintay na kayo ni Sir," kinikilig na wika naman ng isang sale's clerk.
Dahan-dahan naglakad palabas si Sheryl at s'ya namang nakatayo si Elton na hinihintay siya.
Habang naglalakad ang dalaga na nakayuko ay pasimple itong pinagmasdan ni Elton mula sa suot nitong sandals at pataas.
"Ang ganda ko, ano?" tanong ni Sheryl sa binata na may ngiti sa labi.
Biglang lumapit ang binata sa kaniya at muling kinabig ang beywang nito.
Kaya nagdikit ang kanilang katawan.
"Puwede na," sagot ng binata na napangiti ng palihim at isinuot ang singsing sa palasingsingan ng dalaga.
"Ano 'to?" takang tanong ni Sheryl dahil sa singsing na isinuot sa kaniya.
"Kailangan mo iyan para maniwala sila at magmukhang kapani-paniwala," sagot naman ng binata.
"Okay, pero wala pa tayo sa area kung saan tayo magpapanggap. Kaya lumayo ka muna sa 'kin at baka hindi mo magustuhan ang magawa ko sa iyo kapag mas lumapit ka pa sa akin," banta ng dalaga at tumingin ito sa mata ng binata.
"Iyang ang gusto ko palaban. Let's see mamaya sa party kung kaya mong makipag sabayan sa akin. Galingan mong umarte para hindi sayang ang ibabayad ko sa 'yo," saad ng binata at nilahad na lamang ang palad nito upang alalayan s'yang maglakad.
"Oo naman, ipapakita ko sa 'yong kapani-paniwala tayo," palaban naman na wika ni Sheryl.
Naglakad na sila palabas ng mall at sumakay ng kanilang sasakyan.
Makalipas ang halos dalawang oras na biyahe ay nakarating na nga sila sa party.
Biglang nakaramdam ng kabog sa dibdib si Sheryl.
'Bigla akong kinabahan," saad ng dalaga sa kaniyang isipan.
"Okay ka lang ba?" tanong ng binata sa dalaga.
"Oo naman, medyo kinakabahan lang ako. Lalo na at wala akong kakilala rito maliban sa iyo," sagot ni Sheryl.
"Hindi lang basta-basta ang mga taong nariyan sa loob. Pati ang ex ko. Kaya dapat galingan mong umarte," saad ng binata.
Bumaba sila sa sasakyan at tumingin si Sheryl sa kanilang papasukan na natatanaw niyang talagang bigatin ang pumupasok doon dahil sa mga kasuotan ng mga ito. Huminga rin muna siya ng malalim.
'Good luck self," saad pa nito sa kaniyang isipan.
Nagulat ito nang muling hinawakan ni Elton ang kaniyang palad at sinabing, "Andito lang ako hindi kita pababayaan. Habang nakatingin ito sa kaniyang mga mata.
Pakiramdam ni Sheryl ay gumaang ang kaniyang pakiramdam dahil sa sinabi ng binata.
Naglakad sila papasok ng hotel at pinagtitinginan sila ng mga taong makakasalubong nila.
'Ngumiti ka lang," saad ni Elton sa dalaga.
"Nanga-ngawit na nga ang panga ko kakangiti, eh," saad naman ni Sheryl.
Napatawa si Elton dahil sa tinuran ng dalaga.
Pumasok na sila sa isang pintuan at nabungaran ni Sheryl ang loob na magarbo, napupuno ng ilaw, decoration, bulaklak, palamuti, mga halo-halong kulay ng balloons at maraming tao.
Nakita sila ng Ina ni Elton.
Kaya agad silang nilapitan.
"Hijo!" masayang wika ng ina ni Elton at yumakap ito sa kaniyang anak.
Yumakap din pabalik si Elton sa kaniyang ina.
"Mom, si Sheryl po ang asawa ko," pakilala ni Elton sa kasama nito.
"What? Asawa? Parang hindi ko yata alam at nabalitaan na kinasal kayo? Kailan at saan?" tanong ng Ginang at humalik ito sa pisngi ng dalaga.
Wala itong alam dahil kararating lang nito galing ng ibang bansa.
"Hello po," mahinhin na wika naman ni Sheryl sa Ginang.
"So, ikaw pala ang asawa ng anak ko. Ito talagang anak ko masyadong malihim at bigla-bigla na lang sa mga decision," saad ni Mrs. Galvez.
"Mom, alam niyo naman 'di ba? Nasa hustong edad na ako para magpasya sa sarili ko," wika naman ni Elton.
"Opo, saka Civil wedding lang naman po," dugtong naman ni Sheryl at pilit na ngumingiti.
"Hindi pa rin ako makakapayag na hindi kayo makasal sa mismong simbahan. Kaya sa ayaw at gusto niyo ako mismo ang mag-aayos ng papers niyo at dapat lang na makasal kayo sa simbahan," saad ng Ina nito.
Biglang nakaramdam ng kaba si Sheryl sa kaniyang dibdib at tiningnan niya ng kakaiba si Elton.
"Mom, iyon po ang kagustuhan naming dalawa ng asawa ko. At nirerespeto ko po kayo. Kaya sana naman po irespeto niyo rin kami," saad ni Elton na may ngiti sa labi.
"Alam mo, anak ko. Alam ko rin na chick boy ka. Kaya ayaw kong mapariwa ka, ang buhay mo. At higit sa lahat ayoko na mapahiya ang pamilya natin. Saka anak, gusto ko na nakikita kang naglalakad papuntang altar kasama ang babaeng pinakamamahal mo. Anak ko, matanda na ako, kaya sana naman pagbigyan mo ang kahilingan ko. Alam mo naman ang sasabihin ng mga tao," pag-iinarte na wika ng ina nito.
"Ahm, pag-uusapan namin ulit ng asawa ko, Mom," saad na lamang ni Elton. Habang si Sheryl naman ay nilalakihan ng mata ang binata at naka kunot ang noo na parang may ibig ipahiwatig.
"Sige na, hija. Pumayag ka na sa kagustuhan ko. Para sa iyo rin naman ito. At para makasigurado tayong tumino na itong anak ko," wika rin nito kay Sheryl.
"Pag-uusapan po muna namin mamaya pagka-uwi po namin," nag-aalangang saad ni Sheryl sa ina ni Elton at pilit na ngumingiti sa ginang.
"Honey, naiihi ka 'di ba? Samahan na kitang pumunta ng comfort room," saad ni Elton sa dalaga.
"Ahm, Tita. Babalik po kami agad kailangan ko na pong pumunta ng comfort room," paalam ni Sheryl sa ina ng binata.
"Okay sige. Bumalik kayo agad, ha? At mag-uusap tayo ulit about sa kasal niyo," wika muli ng ginang na nakangiti.
"Sige po," saad na lamang ni Sheryl at pilit na ngumiti.
Mabilis naman na humawak ang dalaga kay Elton dahil nakasuot ito ng medyo mataas na takong.
"Gano'n ba talaga ang Mommy?" hindi mapigilang tanong ng dalaga sa binata.
"Kasi nga iniisip niya ang sasabihin ng ibang tao. Akala siguro niya totoo itong pagpapanggap na ginagawa natin," nakangiting saad naman ng binata.
"Hindi ka ba nakokonsensya? Niloloko mo ang ina mo?" tanong muli ni Sheryl habang naglalakad sila.
"Bakit naman ako makokonsesya? Saka pabor na nga ito para sa kaniya. Ito kaya ang gusto niya noon pa man ang mag-asawa ko. Kaysa naman ipakasal niya ako sa babaeng hindi ko kilala. At lalong pabor ito para sa akin. Dahil makukuha ko iyong parte ko na naiwan ni Dad na para sa akin," sagot at nagniningning na mga matang saad ng binata.