Chapter 4

1203 Words
"Ako, hindi mo man lang ba ako tatanungin kung gusto kong magpakasal sa iyo? Saka baka nakakalimutan mo! Pagpappanggap lang itong ginagawa natin!" pagtatalak ni Sheryl. "Ang ingay mo! Kapag hindi mo tinikom iyang bibig mo kakatalak. Hahalikan talaga kita," banta ni Elton sa dalaga. Agad namang na nahimik si Sheryl at tiniklop ang kaniyang bibig. "Good girl. Huwag kang mag-aala pag-uwi natin sa condo ko may pag-uusapan tayo at may kailangang kang pirmahan. Basta sa ngayon sakayan mo lang ako at manahimik ka muna," saad ng binata. "Okay sige, wala naman akong magagawa. Saka kailangan ko ng pera," saad na lamang ng dalaga. "Oh, saan ka pupunta?" tanong ng binata. "Papasok sa banyo dahil naiihi naman talaga ako," sagot ni Sheryl na nakasimangot. "Alam kong papasok ka sa banyo. Pero tingnan mo iyang papasukan mo panlalake," saad ni Elton. "Ay, oo nga pala," saad naman ni Sheryl na nakatingin sa pintuan at mabilis na naglakad papasok sa banyong pambabae. Habang naghihintay si Elton ay nakita nito si Dana. Ang kaniyang ex girlfriend. "Elton? Ikaw ba iyan?" hindi makapaniwalang tanong nito at hindi kalayuan mula sa binata. "Hi, Dana. Kumusta ka?" tanong naman ni Elton sa ex nito na nakangiti at nakatingin sa kasama nitong lalaki. "Elton, si Jeff. Manliligaw ko. Ahm, Jeff si Elton ex boyfriend ko," pakilala nito. Panandalian lamang si Sheryl sa loob ng banyo dahil naiirita ito at naguguluhan. Kaya lumabas na lamang siya agad. Sa kaniyang paglabas ay nakita nito si Elton na kakaiba ang tingin sa isang babae na may kasamang lalaki at kausap nito. 'Sino kaya iyong kausap niyang magandang babae? Hindi kaya ex niya iyon? Kasi kakaiba siyang tumitig sa babae," saad nito sa kaniyang isipan at agad na nilapitan ang binata. "Hi, honey. Did you miss me?" tanong ni Sheryl kay Elton at inilapit nito ang kaniyang bigbig sa puno ng tainga ni Elton. At sinabayan pa ng paglambitin ng kaniyang dalawang kamay sa leeg ng binata. Naramdaman naman agad ni Elton ang init ng paghinga ni Sheryl sa kaniyang tainga. Kaya hindi nito maintindihan ang mararamdaman dahil parang nagugustuhan niya ang init na iyon. Walang ano-anong hinuli nito ang mga mata ni Sheryl at inilapit ang mukha sa mukha ng dalaga. Na siyang ikinagulat ni Sheryl dahil halos halikan na siya ng binata dahil sa lapit ng kaniyang mukha. "Ehem! Sino ka?" kunot-noong tanong naman ni Dana kay Sheryl na nakataas ang kilay. Kaya napatingin ang dalawa kay Dana. "Ops, I'm sorry nawala sa isip ko na may tao pala sa harapan ko. By the way my name is Sheryl Galvez," nakangiting pakilala ng dalaga sa kaniyang sarili. "What do you mean? A-Asawa mo si Elton?" nauutal na tanong nito kay Sheryl. Habang naka kunot ang noo nito. "Yes, ako nga ang asawa ni Elton. May iba pa ba?" balik na tanong ni Sheryl. "Puwede ko bang makausap saglit ang asawa mo? May gusto lang akong itanong," tanong ni Dana at pilit na pinapakalma ang sarili. "Remember, asawa niya ako. So, kung anuman ang sasabihin mo sa kaniya dapat lang siguro. Nakaharap ako," makahulugang saad ni Sheryl. Napangiti naman si Elton sa inasta ng ex nito at gano'n din sa galing ni Sheryl umarte. Kung kaya agad itong humarap kay Sheryl. "Honey, don't worry. Mag-uusap lang kami at wala na kaming iba pang gagawin, saglit lang. Promise," paalam ni Elton sa dalaga at hinaplos pa ang braso ni Sheryl. Naintindihan naman ni Sheryl ang ibig sabihin ni Elton dahil kumindat ito, kaya hindi na lamang ito nagsalita at ngumiti na lamang siya sa asawa niya kuno. "Okay," wika na lamang niya. Naglakad na rin siya mag-isa. Habang nakatanaw sa dating magkasintahan na naglalakad palayo sa kaniya. Naglakad ito patungo sa terrace at doon ay lumanghap siya ng sariwang hangin. Hanggang sa halos isang oras na siyang nasa terrace at hindi pa rin siya binabalikan ni Elton. Nakaramdam na rin siya ng lamig dahil na simoy ng hangin. 'Hay, mukhang nag-short time pa yata iyong dalawa. Ano'ng gagawin ko sa loob? Naroon pa naman ang Mommy ni Elton at wala akong kakilala. Mabuti pa yata umuwi na ako," saad nito sa kaniyang isipan habang nakatanaw sa malayo. Nang bigla siyang nakaramdam na may telang dumikit sa kaniya mula sa likuran. Kaya agad siyang napalingon sa kaniyang likuran. "I'm sorry, kung pinaghintay kita. Inihatid ko na kasi si Dana sa bahay nila. Alam mo na, nakainum na kasi," saad ni Elton. "Akala ko nag-short time pa kayo. Salamat sa coat nilalamig na talaga ako. Saka hindi mo naman kailangan pang magpaliwanag sa akin. Naiintindihan ko at alam ko ang katayuan ko sa buhay mo," saad ni Sheryl. "Mabuti pa mauna na akong umuwi sa boarding house ko. Tutal gabi naman na bahala ka ng magpalusot sa Mommy mo. Huwag mo na akong ihatid," saad ni Sheryl na nagmamadali at maglalakad na sana ito nang bigla siyang hawakan ni Elton sa braso. "Hindi ko ba nasabi sa iyo na uuwi ka condo ko ngayong gabi? Kapag naiwan ako mag-isa rito at wala ka sa tabi ko. Magtataka si Mommy. Baka maghinala iyon. Saka may kailangan tayong pag-usapan," paliwanag ni Elton at bigla na lamang inakbayan ang dalaga. "Okay, pero hindi muna ako kailangan pang akbayan, dahil wala na iyong ex mo," wika ng dalaga. "Hindi ibig sabihin na wala na ang ex ko. Hindi muna gagawin ang trabaho mo alalahanin mo, maraming mata rito baka may makahalata sa atin. Mahirap na," paalala ng binata at hindi nito tinanggal ang kaniyang kamay na naka akbay sa dalaga. Wala ng nagawa ang dalaga at sumunod na lamang sa nais nito. At inisip na parte ito ng kaniyang trabaho. Sabay silang naglakad patungo sa ina ni Elton at makalipas ang ilang oras ay nagpaalam na ang mga ito. "Hija, gusto pa kitang mas makilala kaya asahan mong susulpot ako sa condo niyo ng anak ko, ha? Saka pag-uusapan pa natin ang kasal niyo," saad ni Mrs. Galvez na nakangiti sa dalaga. "Sige po, Tita. Gusto ko rin po kayong mas makilala pa. Ayaw niyo po bang sumabay sa amin pauwi? Para maihatid po namin kayo?" tanong ng dalaga. "Hindi na, hija. At makikipag-usap pa ako sa mga kumare ko. Oh, sige na Elton. Ingatan mo ang asawa mo, mahalin at higit sa lahat huwag mong sasaktam. Ang bait-bait pa naman," saad ng ina Elton na nakangiti. "Yes, Mom," saad naman ng kaniyang anak at humalik na ito sa pisngi ng kaniyang ina. Gano'n din si Sheryl sa ina ng kaniyang asawa kuno. Nang nakasakay na sila sa kanilang sasakyan ay saka lamang nakahinga ng maluwag si Sheryl. "Hay sa wakas makakahinga na ako ng maluwag," wika ng dalaga at isinandal ang kaniyang likod sa upuan. "Baka naman, puweding ihatid mo na ako sa boarding house namin. Tutal hindi naman natin kasama ang Mommy mo?" pagpupumilit ng dalaga. "Hindi nga puwede. Huwag matigas ang ulo mo para wala tayong maging problema. Isa pa ipapabasa ko iyong kontrata natin at kailangan mong pirmahan. Para alam mo kung kailan ka puweding umuwi ng boarding house niyo," saad ni Elton habang nagmamaneho. "Matanong ko nga, natatakot ka ba sa akin? Or ayaw mo akong makasama ka?" tanong ng binata na seryoso ang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD