chapter-5

1163 Words
"Bakit naman daw ako matatakot sa iyo? Diyos ka ba? Para katakutan ko," sagot naman ng dalaga. "Bakit ka nga nagmamadaling umuwi sa boarding house niyo? Siguro may boy friend ka na naghihintay sa iyo, ano?" tanong muli ng binata. "Huwag mo akong tanungin sa personal life ko dahil trabaho lang dapat ang pag-usapan natin. Hindi ang hindi naman kasama sa trabaho ko," saad naman ni Sheryl imbes na sagutin ang tanong nito. "Dapat kasi kahit paano may alam ako about sa iyo. Saka dapat maging close at open tayo sa isa't isa. Mas maganda kung lagi tayong magkasama at mas makilala pa ang isa't isa," wika muli ng binata. "Alam mo, Mr. Elton Galvez. Kung interesado ka sa akin or type mo ako. Sorry ka, hindi kita type at lalong hindi kita magugustuhan. Saka trabaho ang pinunta ko rito hindi love life," wika naman ng dalaga na nakasimangot. "Ows! Talaga lang ha? Hindi mo ako magugustuhan. Alam mo Sheryl. Kapag ako nagkagusto sa isang babae. Walang makakatanggi at wala pang umaayaw sa akin. Higit sa lahat nakukuha ko kung ano ang gusto ko," makahulugan at pagmamayabang naman ng binata. "Paalala lang po, Mr. Galvez. Hindi ako pumasok sa iyo. Para dumagdagdag sa mga nabibiktima mong babae. O naikakama mo. Higit sa lahat. Maniwala ka sa akin hindi tayo talo. Alam mo kung bakit? Dahil sanay akong makipag laro sa apoy. At for your information. Unang kita ko pa lang sa iyo. Alam ko na na play boy ka. Kaya huwag ako po ako, sir," matapang at makahulugang saad naman ng binata. Napangiti ng palihim si Elton sa mga sinabi ng dalaga at parang na amazed siya sa mga sinabi nito. Pakiramdam niya ay nakahanap siya ng katapat niya. "Believe me, Ms. Hermosa. Wala pang nakakaiwas sa kamandag ko. Lalo na kapag nakagat kita," makahulugang saad naman ng binata. "Ano ka? Ahas na nanunukwal?" wika naman ni Sheryl na hindi maintindihan ang itsura kung matatawa ba siya o maiinis. Makalipas ang halos isang ora na biyahe ay nakarating na sila condo ng binata. Hindi naman na pinakbuksan ni Elton ng pintuan ng sasakyan ang dalaga. At nauna na itong pumasok sa loob. "Tingnan mo itong lalake na ito. Kanina napaka gentleman. Ngayon ewan," saad ng dalaga at sumunod na lamang sa binata. "Good evening, sir. May kasama po pala kayo. Good evening, Ma'am," bati ng guwardya na nasa labas habang nakangiti. "Good evening. Manong Guard, si Sheryl asawa ko. Alam niyo na po ang gagawin niyo kahit wala ako rito sa condo. At kung gusto niyang pumasok. Papasukin niyo lang. Kung anuman ang ipag-utos niya sundin niyo lang. Ibigay niyo lahat ang pangangailangan niya," saad ng binata. "Copy po, sir. Ma'am, welcome po kayo rito anytime at sabihan niyo lang po ako kung ano ang gusto niyo," nakangiting saad ni Manong Guard sa dalaga. Napangiti ng palihim ang dalaga dahil natuwa ito. "Salamat po," wika naman ni Sheryl at sumunod sa binata. Pagpasok nila sa elevator ay pinindot agad ni Elton ang numero na pinakamataas na palapag ng gusali. Nakaramdam naman pagkabigla si Sheryl ng bigla tumaas ang elevator at napahawak sa coat ng binata. Kaya napatingin si Elton sa kasamang dalaga ng naka kunot ang noo. "Don't tell me first time mong sumakay at pumasok sa elevator?" tanong nito sa dalaga. "Hindi no! Pangalawang beses na ito. Na bigla lang ako, kasi bigla na lang tumaas at hindi ako nakahawak kaya napahawak ako sa coat mo," pagsasabi naman ng totoo ng dalaga. Maya maya pa ay nakarating na sila. Bumukas ang elevator at unang lumabas si Elton sumunod naman ang dalaga. Agad silang pumasok sa kanilang silid. Malawak at maaliwalas ang nabungaran ni Sheryl. Napamangha ito nang makita niya ang view malapit sa bintana. "Mag-shower lang ako. Kung gusto mong manood ng TV andiyan ang remote manood ka lang. Para mas makita mo ang view sa labas iyan ang pintuan sa terrace buksan mo," saad ng binata at naglakad na ito patungo sa banyo. Binuksan naman ni Sheryl ang pintuan patungo sa terrace at doon ay lumabas ito para tanawin ang view. "Wow! Ang ganda ng view. Ang daming ilaw na maliliit at nalalanghap ko ang sariwang hangin. Hmmmmp..nakaka-relax dito," saad ni Sheryl habang nakatanaw sa malayo at nakayakap sa kaniyang magkabilaang braso. Makalipas ang halos trienta minutos ay natapos na rin mag-shower si Elton. At pinuntahan siya nito. "Wala ka bang balak mag-shower?" tanong ng binata mula sa likura nito. "Wala akong dalang damit," sagot naman ni Sheryl. "Meron, mag-shower ka na. At para makatulog na tayo," saad ng binata. "Okay, nasaan nga pala iyong damit ko?" balik na tanong ng dalaga. "Mag-shower ka muna at iaabot ko na lang sa iyo pagkatapos mo," saad ni Elton. 'Aba! Mukhang may balak yata itong tokmol na ito ah?" saad ni Sheryl sa kaniyang isipan. "Nasaan na ang damit ko? Akin na at ako na ang kukuha?" tanong muli nito. "Iyon ang paper bag, sa iyo lahat iyan. Mamamili ka kung ano ang gusto mong suotin," nakangiting saad ni Elton. At pumasok na ito sa kuwarto. Agad naman na tiningnan ni Sheryl ang mga damit sa paper bag. "Ano ba itong mga damit na ito? Na-Nighties? Sira ba ang ulo ng lalaki na iyon? Pagsusuotin niya ako ng ganito? Muli niyang kinalka ang ibang paper bag at nakakita siya ng short na tela. Iyon nga lang ay napaka-ikli nito dahil above the knee kaya lumuluwa ang kaniyang mga makinis at maputing legs. Nakakita rin siya ng t-shirt na kulay puti kaya iyon ang kaniyang kinuha dahil no choice na siya kaysa naman magsuot siya ng nighties. Agad siyang pumasok ng banyo dala ang damit pangpalit. Nang nasa loob na siya ay tiningnan nito ang kabuoan ng banyo. Maluwag at may bathtub sa loob. Kaya agad siyang lumapit doon. Iyon nga lang ay hindi niya alam gamitin. Dahil sa naisip nito na baka may CCTV sa banyo ay nagbutinting pa ito. 'Mahirap na baka mamaya may CCTV dito tapos bini-video pala ako," saad nito sa kaniyang sarili kaya nilibot pa nito ang kabuoan. Nang masiguro ngang walang CCTV ay nakahinga siya ng maluwag at naligo na agad. Matapos maligo ay lumabas na ito ng banyo. At siya namang nadatnan ni Elton. Kaya napatingin ito sa kaniya. "Bakit naman hindi mo sinuot iyong nighties. Pili ko pa naman iyon. Sayang," wika nito ng may nakakalokong tingin kay Sheryl. "Anak ng! Nanadya ka ba? Bastos ka, ano?" galit na wika ng dalaga. "Hindi naman, nang-aasar lang. Huwag kang mag-alala. Dahil hindi rin kita type. Kaya huwag kang assuming," wika ni Elton. "Aba! Gumaganti ka ba? Saglit lang, saan ako matutulog? Isa lang ang kama?" tanong nito na nag-aalala. "Malamang dito sa tabi ko. Saan pa nga ba?" wika naman ng binata. "Ayoko nga!" tanggi agad ni Sheryl. "Oh, di-matulog ka sa sahig. Bahala ka diyan. Ang arte mo, akala mo naman kung gagapangin kita. Bahala ka diyan," wika ng binata at nagtalukbong na ito ng kumot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD