Ang unang pagkikita
Napabalikwas ng bangon si Mira dahil sa lakas ng putok ng baril habang natutulog ito sa duyan na nasa silong ng puno ng mangga.
Nakarinig din ito ng ingay na nagmumula sa isang lalaki na may tama ng baril sa braso.
Kung kaya agad niyang tinakpan ang kanyang bibig gamit ang palad nito at nagtago sa mga matataas na talahib ng damo. Dahil sa takot at pagkabigla.
"F*ck! May tama ako. Buw*sit! Mabuti na lamang at malayo sa bituka," wika ni Greg sa kaniyang sarili habang hinihingal at naghanap ng matataguan.
Nakita nito ang matataas na talahib kaya agad itong nagtungo upang magtago at nang naroon na ang binata ay hindi niya sinasadyang matapakan ang kamay ni Mira habang nakadapa ang dalaga na nagtatago rin doon.
"Aray!" Malakas na hiyaw ng dalaga. Dahil hindi sinasadyang matapakan ni Greg ang kaniyang kamay.
Napukaw naman ang attention ng binata dahil sa sigaw ng dalaga at agad siyang napalingon sa kaniyang likuran.
Napatingin naman si Mira sa lalaking nakatapak ng kaniyang kamay na salubong ang kilay at kita sa mukha na galit 'to.
Ang lalaki naman ay nagulat din at napatingin sa itsura ng babae.
"What the hell?! Bakit may maingay na babae rito? Ano'ng ginagawa mo rito? Takpan mo 'yang bunganga mo. Baka matunton nila ako," wika naman ni Greg na nagtataka habang nakatingin sa babae ng naiinis din.
"So, ako pa ngayon ang may kasalanan? Samantalang ikaw 'tong nakatapak sa kamay ko? At nambubulabog!" galit na wila naman ni Mira.
Ngunit nagulat ito at nagtaka nang bigla siyang itulak ng binata kaya halos mapasubsob siya sa tae ng kalabaw na mamasa-masa pa. At sakto naman na nahawakan niya ito.
Dalawang putok ng baril ang umalingawngaw na narinig nito. Kung kaya nakaramdam siya ng takot at pagkabigla.
Nang lingunin niya ang kaniyang likuran ay nakita nito ang dalawang lalaki na nakahandusay sa damuhan at may tama ng baril at asintado sa puso.
Nagtaka na lamang siya nang biglang hilain ng lalaki ang kaniyang braso at sinabing, "Sumama ka sa akin at baka mamatay ka ng hindi oras."
Wala namang nagawa si Mira kung hindi ang magpadala na lamang sa lalaki dahil sa takot nito.
Hanggang sa makarating sila sa iĺog.
"Saglit lang at maghuhugas lang ako ng kamay," wika nito at pilit na tinanggal ang kamay ng lalaki na nakahawak sa kaniyang braso.
"Mamatay ka na nga! Nag-iinarte ka pa. Para tae lang," wika ni Greg na naaartehan sa babae.
"Halikana at maaabutan na nila tayo," wika muli ni Greg at hinablot ang braso ng dalaga.
Mayamaya pa ay nakarating sila sa batuhan na may umaagos na tubig at nasa isang falls na sila.
Nakita naman ni Greg na may tali at kaunti na lang ay baka maabutan na sila.
Kinuha nito ang tali, itinalit nito sa kanyang isang kamay ng maigi at sinabing sa babae na, "Kumapit ka ng maigi sa kamay ko. Kung puwede yumakap ka at huwag kang bibitiw."
"Ha? Ta-tatalon ba tayo? Hi-hindi ko kaya. Na-natatakot ako. Baka mamatay na tayo kapag tumalon tayo diyan?" nag-aalalang tanong ni Mira habang nakatingin sa kanilang tatalunan na mataas at malalim, ngunit ang babagsakan naman ay tubig lamang.
"Huwag kang mag-alala hindi kita pababayaan at isa pa, kapag tumalon tayo mabubuhay pa tayo," wika nito na nakangiti pa sa babae.
"Dead," wika na lamang ng babae at ipinikit ang kaniyang mga mata.
Hanggang sa naramdaman nito ang pagkahawi ng kaniyang beywang nang lalaki at hindi lang basta hawak ng mahigpit ang ginawa niya. Kung hindi niyakap niya ang lalaki ng napakahigpit habang sumisigaw ng, "Aahhhhh!"
'Diyos ko lord, sana mabuhay pa ako," wika nito sa kanyang isipan at kumapit ng napakahigpit sa binata.
Sa kanilang pagtalon sa falls ay nakahawak pa rin sa tali si Greg at sinigurado nitong hindi siya mahihiwalay sa tali dahil sa pagtali nito sa kaniyang kamay. At napunta nga sila sa ilalim ng falls habang napapaliguan sila ng umaagos na tubig.
"Ayos ka lang ba?" tanong ng lalaking nakangiti pa rin ngunit ramdam ang sakit sa braso ito.
Kahit na takot na takot si Mira ay sumagot pa rin ito.
"Oo. Ikaw, okay ka lang ba? Nakakatakot," balik na tanong nito habang nakatingin sa mukha ng lalaki.
"Oo naman. Ako pa," sagot naman ni Greg.
"Bakit kasi kailangan nating tumalon dito?" tanong ni Mira na nakakaramdam pa rin ng takot.
"Mas safe tayo rito at hindi nila tayo mapapansin na narito tayo. Dito muna tayo habang wala pa 'yong mga kasama ko at hindi pa nakakalayo 'yong mga gusto akong patayin," wika ni Greg.
Nakarinig sila ng mga boses ng kalalakihan na nagsisigawan.
"Mukhang natakasan tayo ni Greg. Mabuti pa umuwi na tayo dahil maggagabi na rin mahirap ng maghanap ng nawawala kapag madilim na," wika ng isa sa mga lalaking naghahanap kay Greg. At nagsibalikan sila palabas ng bundok.
Doon lamang nakahinga ng maluwag sila Mira at si Greg.
Madilim na nga noong naka-ahon na sa tubig sila Mira at Greg.
"Tayo na baka maabutan pa nila tayo," wika ng lalaki at naglakad na sila palayo sa falls.
Nang nakalayo na sila at habang naglalakad sila ay naramdaman ni Greg na nilalamig na si Mira at pagod na ito kaya naghanap siya ng masisilungan at mapagpahingaan.
Nakakita sila ng kubo na maliit lamang.
Kaya agad silang nagtungo roon.
"Dito na muna tayo pansamantala," wika ng binata.
Agad na pumasok sa loob si Greg tinanggal nito ang kaniyang suot na damit pang itaas at nakakita siya ng jacket. Kaya agad niya itong kinuha at iniabot kay Mira.
"Tanggalin mo na 'yang damit mo at alam ko na giniginaw ka na. Ito, suotin mo," saad nito sa babae.
"Hay! Bakit ba kasi sumama pa ako sa 'yo? Ang tanga ko rin," reklamo nito at kinuha ang jacket na nakasimangot.
"Alam mo kung hindi ka sumama sa akin. Malamang patay ka na," wika naman ng binata.
"Paano ako mamatay? Eh, ikaw nga tinulak mo ako sa tae ng kalabaw muntik ng masubsob ang mukha ko sa tae," naiinis na wika nito.
Napangiti naman ang lalaki sa sinaad ng dalaga.
"Kung hindi kita tinulak malamang nabaril ka na. Kaya utang mo sa akin ang buhay mo," pagmamayabang na wika nito.
"Wow! Ang kapal mo rin. At ang galing mong sumagot. Nananahimik lang ako sa isang tabi tapos bigla na lang kayong dumating na nagbabarilan. Ako pa ngayon ang may utang na loob sa 'yo?" naiinis na lamang na wika ni Mira.
"Baka mapaano ka pa. Magbihis ka na," wika muli ng binata.
"Paano ako magbibihis Mr? Kung nakaharap ka! Eh, kung umalis ka kaya sa harapan ko!" Asik nito sa binata.