Kabanata Ika-dalawa

1100 Words
"Babae, para sabihin ko sa 'yo. Iyang itsura mo na puro lang likod at walang dibdib, hinding-hindi ko iyan pag-iinteresan. Saka isa pa marami na akong nakita na ganiyan kaya normal na lang para sa akin ang makakita ng ganiyan. Iyong iba nga natitikman ko pa, eh," wika nito at agad na tinalikuran ang babae. "Tse!" naiiritang saad na lamang ni Mira. Hinubad na lamang nito ang kaniyang damit pang itaas at isinuot ang jacket. 'Ang kapal naman ng lalaki na 'yon. Akala mo naman kung sino," naiinis na wika nito nang marinig niya ang ingay mula sa kaniyang tiyan. "Hay, ano bang klasing buhay 'to? Pagod na pagod na nga ako. Pati 'tong tiyan ko nagrereklamo pa," wika nito na nakatanaw na lamang sa bituin. Nagulat na lamang siya nang tumabi sa kaniya ang lalaki. "Oh, 'to. Kainin mo na lang. Alam kong gutom ka na. Pasinsya ka na hindi tayo pweding magsindi ng apoy baka kasi matunton tayo ng mga kalaban ko," saad nito. Napatingin naman si Mira sa dalawang pirasong hinog na saging. "Saan mo naman kinuha 'yan? Siguro ninakaw mo 'to, ano? Saka sino ka ba? At bakit may mga taong gustong pumatay sa 'yo?" nahihiwagang tanong nito sa lalaki. "Huwag ka ng maraming tanong. Saka kainin mo na 'yang saging. Hindi na importante kung sino ako at sino ang mga taong gustong pumatay sa akin. Huwag kang mag-alala dahil pagkalabas natin dito hinding-hindi na tayo magkikita pa," saad na lamang ng lalaki. "Talagang hinding-hindi na," saad na lamang ng dalaga at walang ano-anong kinuha nito ang saging at binalatan upang kainin. Matutulog na sana si Mira nang mapansin nito ang lalaking nakasandal sa upuan na natutulog at parang giniginaw. Kaya nilapitan niya ito. "Hoy! Ano bang ginawa mo diyan? Bakit hindi ka nalang matulog doon sa papag?" tanong nito. Ngunit nang tingnan niya ang mukha nito ay naramdaman niya agad ang paghinga nito ng malalim na napaka init kaya hinawakan niya agad ang noo ng lalaki. Sabay tingin sa braso nito na may sugat. "Sh*t! Hindi kaya na impeksyon na ang sugat nito? Oh hindi kaya tumutulo pa rin ang dugo. Tapos naubusan na siya ng dugo?" tanong nito sa kaniyang sarili na may pag-aalala. Dahil may alam ito sa medisina ay agad nitong inalalayan ang lalaki patungo sa loob at dahan-dahan na inihiga sa papag. Naghanap siya ng bagay na puwede niyang ipanghugas sa sugat. Hanggang sa makita nito ang isang bote ng alak na gin at iyon ang kaniyang pinanghugas sa sugat ng binata. Kumuha rin ito ng tela mula sa suot niyang jacket at iyon ang kaniyang itinali sa sugat. Dahil malapit na rin matuyo ang kaniyang damit ay isinuot niya muli ito at ang kaniyang jacket na suot ay kaniyang ipinampalit na isinuot sa lalaki. "Pasinsya ka na 'to lang ang magagawa ko. Hindi rin kita puweding yakapin dahil una hindi naman kita mahal, pangalawa hindi kita jowa at pangatlo mamaya magiging okay na rin," saad nito at nagpunit muli ng kapirasong tela mula sa jacket at iyon ang kaniyang pinampunas sa noo ng lalaki. Mayamaya pa ay nakaramdam na rin ng antok ang babae at nakatulog na rin ito sa papag kasama ang lalaki. Madaling araw o mag-uumaga na nang magising si Greg at nakita nito ang mukha ng katabing dalaga. Nakita rin nito ang kaniyang sugat na may benda at naka suot siya ng Jacket. Kaya nagtaka siya at napaisip kung ano ang nangyari kagabi. Hanggang sa magising si Mira. "Oy! Aalis na ba tayo?" tanong agad nito at kinakapa ang kaniyang bibig baka kasi may tumutulong laway. "Mabuti at gising ka na. Oo, aalis na tayo para hindi na tayo abutan ng mga humahabol sa atin," sagot nito at tumayo na agad. Nag-umpisa na silang maglakad patungo sa labas ng bukod. Masukal, madilim pa at napakalayo ang kanilang tinahak. "Hay, pagod na pagod na ako. Malayo pa ba tayo?" reklamong tanong ng babae. "Kaunting tiis na lang malapit na," sagot nito. Hanggang sa matanaw nila ang kalsada. Sa pagtanaw nila sa kalsada ay natanaw naman ni Greg ang mga lalaking humahabol sa kanila. Kaya agad nitong hinawakan ang braso ng babae at sinabing, "Kailangan nating tumakbo ng matulin na riyan na sila." Nakaramdam naman ng takot at pag-aalala si Mira. At kumapit nga ito sa kamay ng lalaki ng napakahigpit at sabay silang tumakbo ng matuli. Sa kanilang pagtakbo ay may isang sasakyan na paparating pinara nila ito ngunit ayaw huminto at dinaanan lamang sila. "P*tcha!" Napapamura na wika ni Greg. Sa pangalawang paparating na sasakyan ay walang pagdadalawang isip na pumagitna si Greg sa kalsada upang salubungin ang sasakyan at mapilitang huminto 'to. Habang si Mira naman ay takot na takot at kinakabahan. 'Sh*t, nababaliw na ba 'to?" tanong nito sa sarili at hindi na lamang tiningnan ang lalaki sa kalsada. Hanggang sa malakas na preno ang narinig nito at huminto nga ang sport car na kulay red. "Baba!" banta ni Greg at tinutukan ng baril ang driver ng sasakyan. Dahil sa takot ay agad namang bumaba ng sasakyan ang binata ng sasakyan nito. "Ano pang ginagawa mo diyan? Sumakay ka na," utos nito kay Mira. "I'm sorry, kuya. Patawad po," paumanhin naman ni Mira sa driver at agad na sumakay. Nang nakasakay na si Mira sa sasakyan ay sinabi ni Greg na, "Yuko!" Na kaagad namang sinunod ng dalaga. Doon ay pinaulanan sila ng bala baril ng mga armadong kalalakihan ang kanilang sinasakyan. Ngunit mabilis na nagmaneho si Greg at pinatakbo ng matulin ang kanilang sinasasakyan. At nakalayo nga sila. "Hay, sa wakas natakas din tayo. Akala ko talaga mamatay na tayo," wika ni Mira na nakahinga ng maluwag. "Huwag kang mag-alala dahil hindi iyon mangyayari. Basta kasama mo ako," nakangiting wika ni Greg habang nagmamaneho. Makalipas ang ilang oras na biyahe ay nagsalita ang lalake. "Ano nga pala ang address mo? At saan kita ibaba?" "Hindi mo na ako kailangan pang ihatid. Ihinto mo na lang ako riyan sa tabi. Saka 'diba? Last kita at pag-uusap na natin 'to," sagot at balik na tanong ni Mira. Itinabi naman ni Greg ang sasakyan. Bago bumaba si Mira ng sasaķyan ay nagsalita pa 'to. "Sana'y hindi na muling magkita pa ang landas natin. Dahil baka kapag nagkita pa tayo muli. Baka matuluyan na akong mamatay," saad nito at ibinagsak ang pintuan ng sasakyan sa pagsara. Napatingin na lamang si Greg sa babae mula sa kaniyang side mirror. Habang nagmamaneho ito paalis. 'Sana nga hindi na tayo muling magkita pa, dahil ayoko ng maarte at pasanin," wika naman ni Greg sa isipan. At tinuon ang pansin sa pagmamaneho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD