
Kapag nagmamahal tayo, lahat ginagawa natin para sa taong mahal natin at ibinibigay ang lahat ng walang kapalit. Kung minsan pa nga, wala na tayong tinitira para sa sarili natin. Dahil madalas mas inuuna natin sila kaysa sa sarili natin.
Venus Camba. Gagawin ang lahat para sa lalaking mahal n'ya. Kahit ipagkanulo pa nito ang kaniyang sarili.
Jake Damian. Kasintahan ni Venus ang lalaking pinakamamahal n'ya, ito rin ang taong magiging ugat at dahilan kung bakit siya magiging ALIPIN.
Dave Corpuz . Ang lalaking malaki ang galit sa dating kaibigan na si Jake. Dahil sa pagkamatay ng kaniyang kasintahan. Gagawin ang lahat para makapaghiganti ito at siya ang tutulong para maipagamot ang dating kaibigan. At si Venus ang magiging kapalit ng pagtulong niya.
Paano kung ang inakala mong mabuting tao at malinis ang intensyo ay mali ka pala ng inakala? Dahil ginamit ka lamang at pinaamo para paghigantian ang taong labis mong mahal.
Makakaalis ka pa kaya sa sitwasyon gayong alam mong nakapako ka sa lalaking pinangakuan mo. Oh, lalaban ka pa. Gayong alam mong wala ka ng pinaglalaban? O baka naman bibigay ka na lang dahil alam mong pinagtaksiklan ka ng lalaking labis mong mahal.
Ano ang gagawin mo kung malaman mong buntis ka sa taong hindi mo naman mahal?
Abangan. . .
-----------------------------------
"Namatay ako, para mabuhay ka. Ginawa ko ang lahat kahit hindi dapat at ayoko. Kahit sukang-sukang ako sa sarili ko at nandidiri ginawa ko pa rin dahil sa pagmamahal ko sa 'yo. Tapos ganito lang ang igaganti mo sa akin?!" galit na wika ni Venus at sinampal nito ang pisngi ni Jake. Habang umiiyak siya.
"I'm sorry, Venus. Patawarin mo ako. Noon ko pa dapat sinabi sa 'yo 'to. Pero natakot ako," saad ng binata na umiiyak at nagmamakaawa.
"Sana pinatay mo na lang ako," saad ng dalaga na nagdurugo ang puso.
Maglalakad na sana 'to palayo nang bigla s'yang makaramdam ng pagkahilo at mahimatay.

