KINABUKASAN ay nagising si Belinda at wala ng unan sa pagitan nilang dalawa ni Alex. Sa paggising din nito ay wala na rin sa kanyang tabi ang binata. Kung kaya mabilis siyang tumayo at lumabas ng silid niya. Nagmamadali 'tong naglakad. Hanggang sa masalubong niya ang binata. "Saan ka pupunta? Plano mo na namang tumakas, ano?" tanong ni Alex sa kanya ng naka kunot ang noo. "Hindi, ah! Hindi ako tatakas. Pupuntahan ko sila Myra at Lando sa kabilang silid," sagot naman agad ni Belinda. "Kilala kita, Belinda. Kilalang-kilala," saad pa ni Alex at nilapitan siya nito. Dahan-dahan namang napapa-atras si Belinda. Hanggang sa madikit sa pader ang likod nito at ma-corner siya ng binata. "HINDI NGA KASI AKO TATAKAS, EH! hindi!" matapang at sigaw ni Belinda. Nakipagtitigan 'to sa mga mata ni Alex

