Maagang nagising si Stephanie kinabukasan. Dagli syang nagtungo sa banyo at naligo, upang maghanda sa panibagong araw nya sa paaralan, at sa paghahanap ng mapapasukang kumpanya.
Pagkatapos nyang maligo, nagluto sya ng agahan para sa kanilang tatlo ng nanay at tatay niya. Sinilip nya muna sa kabilang kwarto ang mga magulang, at masarap pa ang tulog ng dalawa kaya naman ipinagpatuloy nalang muna niya ang kanyang pagluluto. Naghanda sya ng Pritong itlog at pinasingawan na okra at talbos ng kamote, na marahil ay binili ng kanyang ina kahapon. tsaka nga isinangag ang tira nilang kanin kagabi, medyo marami naman iyon dahil hindi sya dito kumain kagabi kaya sapat na yun para sa almusal nila.
Pagkatapos nyang magluto, naghain na sya at nagawa ng sawsawan ng okra na tuyo at kalamansi, ang handa na ang hapag nagtungo sya sa kwarto ng mga magulang at kinatok ang pinto para gisingin at ng makapag-almusal na.
"Nay, Tay? gising na po kayo, mag-aalmusal na po."
biglang bumukas ang pinto at " Oh anak, ang agap mo naman yata ngayon, 6am palang ah" turan ng kanyang ina sa kanya.
Anie: Kailangan ko po kc nay umagap eh, halina po kayo sa hapag at kakain na, aya nya sa mga magulang na agad naman sumunog sa kanya sa hapag kainan para mag-almusal.
tatay Ramon: Anak, may kakilala ako gusto mo ba samahan kita para makapasok sa company nila bilang OJT, kaibigan yun ni kapitan, taga bayan, may negosyo yun at sa tingin ko ay pwede ka doon mag OJT.
Anie: Sige po tay, salamat po ha, mamaya na po yun, kain po muna tayo.
Masayang nag-almusal ang mag-anak, pagkatapos ay iniligpit na ito ng kanyang ina, bagamat sya na sana ang mag-uurong ay pinigilan na sya nito at pinaghanda na para daw hindi sya mahuli sa pupuntahan nya.
Pagkatapos nya maggayak, paglabas nya ng kwarto nakita nya ang kanyang ama na hinihintay sya,
tatay Ramon: Anak, sabay na tayo, samahan na kita kay kapitan, para maituro ka dun sa company ng kaibigan nya, maigi at malapit lang dito sa
atin ang mapapasukan mo pag natanggap ka.
anie: sige po, tara na tay at para hndi po tayo tanghalin.
At sabay na silang umalis ng bahay, pagkatapos magpaalam sa ina na naiwan sa kanilang tahanan.
Sa kabilang banda, si Andrew naman ay maaga ring nagising dahil may pasok pa din sya, at tulad ni stephanie, maghahanap din sya ng company kung saan sya maaaring mag OJB. Naligo agad sya tapos ay bumaba na sya sa dining area para mag-almusal, inabutan nya dun ang kanyang ama na nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo.
"Good morning dad."
"Good morning din hijo, mag-almusal ka na"
"sige po., si mommy po pala?"
"Nasa taas pa tulog, madaling araw na sya dumating kanina eh galing Japan"
Nagpatuloy na lang sya pagkain. ng muling magsalita ang kanyang ama
Don Alejandre: Sasama ka nga pala sa akin sa manila, dun ka na mag OJT sa company natin para matutunan mo ng i-manage yun.
Andrew: Pero dad, pwede naman dito muna ako sa branch natin dito eh, pagkagraduate na ako dun sa manila.
Don Alejandre: Hindi pwede, iba ang mga gawain dito sa gawain doon na dapat mong matutuhan. Mariing tugon ng kanyang ama.
Natahimik na lamang sya, bagamat gusto pa nyang tumutol ay wala rin naman magagawa ang iba pa nyang sasabihin. Wala kasi silang ibang aasahan sa Company nila kundi sya, dahil nag-iisa nalang naman syang anak nito.
Ang kuya nya na si Alexander ay namayapa na dahil sa isang car accident 2 years ago, bagay na nakapagpabago sa buhay nila. Isa yun sa mga rason kung bakit masyadong mahigpit sa kanya ang mga magulang nya, na minsan hindi na nya alam kung saan naggagaling.
Isang araw naalala nya ng mapagbuhatan sya ng kamay ng kanyang ama dahil sa pag-uwi nya ng alanganing oras. nagalit ito sa kanya "saan ka nanggaling ha? hindi ba sabi ko sayo atupagin mo muna ang pag-aaral mo bago ang barkada, at uuwi ka pa talaga dito ng lasing?" galit na galit na wika ng daddy nya,
"galing ho ako kila Vince, malapit lang ang bahay nila, pati ba dun hindi ako pwede pumunta, dad hindi na ho bata alam ko na ho ang ginagawa ko, kaya pwede ba hayaan nyo na ako sa gusto kong gawin" galit nyang sagot dito. dahil dun kung bakit bigla syang nasapak ng daddy nya.
"magaling ka na sasagot, at kailan ka pa natuto mag-inom ha? hindi kami nagpapakahirap sa kumpanya ng mommy mo para lang maging ganyan ka."
Pero tinalikuran na nya ang ama at nagtungo na sa kwarto nya, galit na galit sya, pero alam nya sa loob nya na may karapatan ang magulang nya. 20 years old palang sya at malayo pa ang mararating nya.