"Alam mo pre, hindi ka na dapat napatol sa mga ganung babae, masyadong madaldal. Tsaka kasalanan mo naman eh, giniliran mo sila masyado kanina". Pangaral ni Andrew kay Vince habang papasok sila sa Bahay nila vince.
vince: hahahaha, relax pre, alam ko naman eh, sinubukan ko lang sila sindakin.
Andrew: Siraulo ka talaga eh.
"oh mga hijo, bakit ngayon lang kayo? Patapos na ang party ko eh. bati sa kanila ng ama ni vince na syang may kaarawan ngayon.
Andrew: Happy birthday po tito, pasensya na po at nalate kami.
Mr. Valdez: Okay lang, salamat hijo, pumasok na kayo at kumain, marami pang pagkain jan.
Vince: Happy birthday dad.
Mr. Valdez: Sige na, galing ka nanaman ata sa kalukuhan eh.
Pagkatapos nila kumain ay pumunta sila ni vince sa may veranda nila kung saan tanaw pa nila ang ilang mga bisita na natitira, malapit na maghating-gabi kaya naman kakaunti nalang sila. Tahimik silang umiinom ng wine ng biglang;
"Hi boys" :) bati ng ina ni vince.
Hello po tita magandang gabi po...
"Vince, mag-uusap tayo ha?"
Vince: Mommy pwede ba? nandito pa nga si andrew eh. kakamot-kamot sa ulo na tugon nito sa ina.
Andrew: Okay lang pre, dito lang naman ako eh. Pagtalikod ng ina ni vince ay patamad na sumunod din si vince dito.
Habang mag-isa ay naalala ni andrew ang babae kanina na muntik na nilang masagi ng sasakyan, hindi naman ito mukhang mayaman pero galing kaya sila dito? tanong sa srili ni andrew, bigla syang nacurious sa babae na hindi nya mawari kung bakit at parang matagal na din nya itong nakita pero hindi nya maalala kung saan.
hanggang sa makabalik na si vince ng madilim ang mukha.
andrew: Bakit ganyan ang mukha mo pre?
vince: Si mommy kc, pinapalipat na ako dito sa quezon, dito na daw ako mag-aral, wag na daw sa manila.
andrew: yun naman pala eh, ayaw mo nun mas madalas na tayo magkakasama. sayang nga wala sila kyle at sam eh.
vince: sabagay, kaya lang dami kc chicks dun pre at mga wild, di tulad dito.
andrew: gago ka talaga, tatawa-tawang wika nya sa kaibigan
Malapit lang naman ang bahay nya kila Vince kaya ng makapagpaalam sya ay naglakad nalang sya pauwi, habang naglalakad sya ay malalim ang kanyang iniisip ng may biglang umagaw ng cellphone nya at tumakbo ng mabilis sa pagkabigla ay hindi na nya nagawang habulin pa ang lalaki. Napailing na lang na nagpatuly sya hanggang sa makarating sa kanilang bahay.