“HIJA, hindi mo ba ako sasaluhan sa almusal?” tawag ni Martina sa kanya. “Mama, inaantok pa ako, eh,” sagot ni Lorelle. “O, siya, mauuna na ako. Mamaya, kuwentuhan mo ako tungkol sa date mo, ha? Anong oras ka na ba umuwi?” Napangiwi siya. Mabuti na lang at nasa kabilang pinto ang kanyang mama kaya wala itong ideya sa kung ano ang naging reaksyon niya. “M-medyo late na, Ma. Matulog muna ako, ha? --Mamaya na rin ako pupunta sa shop.” At ganoon na lang ang tuwa niya nang hindi na siya kulitin pa ng ina. Hindi naman totoong matutulog siya. Nasa kama siya at nakatitig sa kisame. Hindi niya alam kung saan niya ipo-focus ang isip. Hindi niya gustong magsisi sa nangyari. She was twenty-six years old at hindi naman siya tumutol. She knew what was happening pero hinayaan niya. In fact, hinayaa

