bc

Wedding Girls - Lorelle

book_age16+
968
FOLLOW
2.9K
READ
one-night stand
independent
confident
boss
drama
bxg
office/work place
like
intro-logo
Blurb

What happened between Zach and Lorelle was a night of magical romance and passion. Nang umagang mahimasmasan si Lorelle ay agad siyang tumalilis at iniwan ang tulog na tulog pang si Zach. Subalit oras lang ang lumipas at nasundan din siya nito.

“Sana hindi ka na nagpunta pa rito. Ayaw na kitang makita.”

“After what happened?” Kumunot ang noo nito.

“Especially because of what happened,” pakli niya.

“What if I offer you marriage?”

“Huwag kang magpatawa, Zach. Hindi ka nakakatawa,” she laughed blandly. “You don’t really know me. What if committed na rin ako sa iba kagaya mo? What happened was pure recklessness.”

“What if I made you pregnant?” he said bluntly.

Think, Lorelle. Think fast. “It’s impossible,” wika niya pero kinabahan din.

He looked at her intently. “Sigurado ka? If you get pregnant, tell me, okay?”

Tumawa siya nang bahaw. “Sinabi na ngang imposible, eh.”

“Basta, I want to know.”

chap-preview
Free preview
Part 1
“PERFECT!” nasisiyahang sambit ni Lorelle nang matapos ang kanyang latest masterpiece. An engagement ring, this time. Mula sa pinagtubugang solution ay kinuskos niya nang kinuskos ang singsing sa pamamagitan ng malambot na basahan hanggang sa makita ang natural na kinang niyon. Then she wiped her hand at isinukat sa sarili ang singsing. Sinipat-sipat pa niya iyon habang napapangiti. “Kung ako ang pagbibigyan ng ganitong singsing, hindi na ako magdadalawang-isip sa marriage proposal,” wika pa niya. It was a princess cut flawless diamond set in platinum. Sa paligid niyon ay may nakahilerang diamond baguettes creating a wave illusion. Sa bawat paggalaw ng daliri niya ay nagsasaboy iyong ng mumunting kislap. “Whew!” sipol niya at hinubad na ang singsing. “Sino ang mag-aakalang wala ka pang one hundred fifty thousand?” bulong niya habang maingat na inilalagay iyon sa special velvet box. “Oh, well, maibebenta kita ng mahal dahil expensive din yata ang labor of love ko sa iyo.” Sa itsura ng singsing, maibebenta niya iyon ng doble sa puhunan niya—that is, kung kakagat ang buyer sa kanyang presyo. Iyon ang advantage niya dahil siya ang mismong gumagawa ng alahas. Oh, well, iniisip niyang kaya iyon mahal ay dahil siya mismo ang gumagawa niyon. Minana niya sa namayapang ama ang talento sa pagdidisenyo ng alahas. Idol niya ang papa niya. Kahit yata nakapikit ito ay makagagawa ng alahas na pulidong-pulido ang itsura. Hindi kailangang perpekto ang gemstone, iyon ang isa sa mga nauna niyang natutuhan dito. Ang kailangan lang ay alam niyang i-set ang gemstone na maha-highlight ang brillo niyon. And she found out it needed a special talent para magawa iyon. Lalo na kung maraming bato ang ihihilera. Kung sa perfumery ay may tinatawag na The Nose upang matukoy ang uri ng isang bango na babagay sa kumbinasyon ng kung anu-anong scented oil at extracts, sila namang mga alahera ay dapat na mayroong The Eyes. Kailangang alam nilang tukuyin ang pinaka-the best na direksyon ng brillo ng isang bato upang mas lalo iyong maging magandang tingnan. At upang mapresyuhan din ng mahal. Mayamaya ay tumayo na siya upang dalhin iyon sa vault sa mismong opisina niya. “Ma’am, iyan na ba ang ginawa ninyo? Patingin naman,” wika sa kanya ng assistant niya sa Plateria Brillo. Nakatingin ito sa hawak niyang cajeta. Nakangiti siyang tumango at naisipang isukat uli bago iyon ipinakita dito. “Magkano sa palagay mo, Yvonne?” Sinipat-sipat nito ang singsing. “Half M, ma’am?” Tumawa siya. “Binigyan mo ako ng idea kung magkano ito ibebenta,” biro niya. “Hay, naku, Yvonne, kulang ka pa sa training. Ie-enroll na kita sa seminar sa Greenhills next month.” “Oo nga, ma’am. Nagkakamali pa rin akong tukuyin kung totoo ang diamond o Russian lang. Iyon nga ring cubic zirconia, hindi ko pa rin ma-distinguished, eh.” “Kaya nga ie-enroll na kita. Para mas marami kang matutuhan. Actually, kahit ako, matuturuan kita. Kaya lang, hindi naman ako palaging naririto. Siyangapala, si Eve, tinawagan mo na? Ano’ng sabi? Kailan daw ako mag-iiwan sa kanya ng alahas?” Kaibigan niya si Eve Olivares. Isa ito sa dahilan kung bakit siya palaging busy. Wedding planner si Eve at sa kanya ipinapasa ang mga kliyente na nangangailangan ng wedding rings o kahit ano pang klase ng alahas. Sa mga contact pa lang ni Eve, ang dami na niyang naibebenta. At bukod pa roon ang mga walk-in sa kanyang jewelry shop sa Meycauayan. “May nakagusto daw sa eternity na wedding ring na iniwan ninyo doon. Kaso nga lang daw, kailangang i-adjust ang size nu’ng sa groom. Saka baka daw po puwedeng bawasan pa ang presyo o kaya naman PDC na lang ng dalawang buwan.” “Baka naman magdi-dribble ang tseke?” aniya. Sa negosyo niyang iyon, kalakaran na ang postdated checks bilang bayad. Iyon nga lang, malaki talaga ang risk lalo at hindi niya kilala ang issuer. Hindi iilang beses na natalbugan siya ng tseke. Minsan, naghahabol niya, minsan, wala na siyang magawa. Pero nasanay na rin siya. Iyon ang sarili niyang version ng law of averages. Isa pa, sa asosasyon nga nilang mga alahera sa Meycauayan, isa na siya sa pinakamasuwerteng maituturing. Pinakamalaking naitakbo sa kanyang halaga ng alahas ay isandaang libo. Ang iba, milyon kung ma-swindle. “ALAS dos darating ang kliyente ko, Lorelle,” wika ni Eve sa kabilang linya. “Baka may stock ka pa riyan, di, dalhin mo na dito. Sinabi ko na sa kanilang may kaibigan akong alahera. Of course, kayo na ang mag-usap pagdating sa presyo.” “Okay, ako nang bahala sa iyo kapag bumili sila sa akin,” tugon naman niya. “Ten percent?” “We’re really talking about business,” natatawang sabi ni Eve. “Lorelle, sabi ko naman sa iyo, kahit wala na akong commission. Bawing-bawi ka na. Susme, iyon lang mga regalo mong alahas kay Sandra ko, ang dami na. Ilan na iyong kuwintas at hikaw niya? At may mga pendant din. Hindi ko naman ipinapasuot kasi nga masyado pang bata. Two years old pa lang si Sandra.” “Classic ang design ng mga alahas na iyon, Eve. Kahit mag-dalaga ang anak mo, magagamit niya ang mga iyon. Of course, iyong chain ng kuwintas kakailanganin lang siguro ng kaunting haba.” She was fond of Eve’s daughter kaya naman sinisipag siyang igawa iyon ng alahas. Wala naman siyang sariling pamangkin dahil nag-iisa lang siyang anak. Kay Sandra tuloy niya naibubuhos ang kasabikan niya sa isang bata. “Hoy, Lorelle, on the way na naman ako. Ninang ka nito, ha? Baka mamaya, tatanggi ka na naman.” “May kasunod na agad si Sandra?” aliw na sagot niya. “Kayo talaga ni Ryan, hindi nag-aaksaya ng panahon. So, kailan ang due mo?” “Matagal pa naman. Nag-miss na ako ng period kaya alam kong preggy ako. Huwag kang aalis, ha? Baka mamaya, mabalitaan ko, nag-Hong Kong ka na naman kagaya nu’ng time na binyagan ang panganay ko.” Namimili siya ng brilyante sa Hong Kong nang mataong magpa-binyag si Eve sa panganay nito. At ayaw naman niyang maging ninang kung magpapa-proxy rin lang siya kaya tumanggi na lang siya kay Eve. At natatandaan niyang upang hindi sumama ang loob ng babae ay nangako siyang sa susunod na anak na lang nito siya magni-ninang. “Oo na. Darating na ako para sa batang iyan. Lalaki sana. Challenge sa akin na mag-design ng alahas ng lalaki, eh.” “Tsk! Mukhang matututo sa luho ang mga anak ko dahil sa iyo,” kunwa ay reklamo ni Eve. “Tumigil ka nga! Para namang hindi ko alam na kayang-kaya ninyo naman ni Ryan na ibigay ang lahat ng the best para sa mga bata.” “Well, kaya nga. Kaya lang, ayaw ko namang lumaki silang materyosa. Lorelle, mabuti pang pumunta ka na rito para mas mahaba ang tsikahan natin, okay?” “Okay. I’ll bring my merchandise.” Pagkababa niya ng telepono ay hinarap niya si Yvonne. “Kayo na muna ni Randolph ang bahala dito, ha?” bilin niya na kasali sa tinukoy ang security guard. “Iyong display natin diyan, hanggang twenty percent lang puwedeng magbawas sa presyo. Saka, ingat, ha? Baka ma-holdap o kaya masalisihan.” “Yes, ma’am.” Si Randolph na ang sumagot. Trusted people niya ang dalawang iyon kaya panatag ang loob niyang iwan ang mga ito sa shop. Subok na niya ang katapatan ng mga iyon. Sa negosyo pa naman niya, isang kapirasong bato lang ang makuha sa kanya ay malaking halaga na. Isa pa, kaunti lang naman ang iniiwan niyang alahas at hindi pa gaanong mamahalin. Para lang iyon sa walk-in customer na bibihira namang mangyari. Karamihan sa kanilang mga alahera, may sari-sarili silang contact at ahente. Saka sila mismo ang nagpupunta sa mga prospective clients. “Ma’am, dadalhin ninyo ho ba iyong kagagawa ninyo lang na singsing?” tanong ni Yvonne habang pinapanood siyang ilagay sa envelope pouch ang mga alahas. “No. Diyan na lang muna sa vault. Iniisip ko pa kung ibebenta ko. Parang type ko din, eh. Baka para sa akin na lang iyon,” aniya. Hindi na rin bago iyon. Minsan, habang gumagawa siya ng alahas ay masyado siyang nagiging attached sa design niya. Kapag ganoon, sa halip na ibenta ang alahas ay ibinibigay na lang niya iyon sa sarili. “Kunsabagay, ma’am. Bagay na bagay nga sa daliri ninyo nang isukat niyon kanina, eh.” “Tsk, lugi na naman ako!” kunwa ay masama ang loob na sabi niya. “Hindi naman ito ang oras para bigyan ko ang sarili ko ng alahas.” Saka siya tumawa. “Iyon nga palang inorder kong catalogue ng Cartier, baka ngayon i-deliver ng FedEx. Lagyan mo na agad ng protective cover, ha?” “Yes, ma’am.” Alam na alam naman ni Yvonne kung gaano kamahal ang naturang catalogue. Kayamanan na rin iyong maituturing ng karaniwang tao pero sa kagaya niyang negosyante, investment ang tawag niya doon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.0K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook