“MA, KAILAN DARATING ang suki ninyong jeweler? wika ni Zach na pumasok sa master bedroom ng mansyong nakatirik sa isa sa pinakamarangyang subdivision sa Maynila.
Tinaasan siya ng kilay ng isang babaeng halatang puro kaginhawahan ang tinamasa sa buhay. “Bakit, Zachary? Mahilig ka na rin ba sa alahas ngayon?” bagaman may pagtataray sa tinig nito ay makikita naman ang playful smile sa mga labi nito, dahilan upang mabawasan ng sampung taon ang anyo nito kaysa sa tunay na edad.
“Alam ninyo namang sa tatlong relo ko, kuntento na ako. Bibilhan ko si Vivienne.”
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Doña Patricia. “Oh, hindi pa ba nagsasawa sa kakapabili sa iyo ang babaeng iyon? Baka bukas-makalawa maubos na niya ang pera mo?”
“Ma,” lambing niya sa ina. “Huwag ka namang magsalita ng ganyan. Hindi ganyan si Vivienne. You should know. Diyan lang sa kabilang block ang bahay nila at alam nating lahat na kung pera ang pag-uusapan, hindi kami nagkakalayo.”
“Oo nga naman,” the regal woman snorted. “Tuso nga lang sila. Hijo, kagabi lang ay laman ng news ang ama ng Vivienne na iyan. Santambak ang kasong isasampa sa Ombudsman dahil sa mga anomalyang kinasasangkutan ng George Alonzo na iyan.”
“Paratang lang ang mga iyon. Paano kung hindi pala totoo? Nakakaawa na nga si Vivienne. Kagabi pa depressed na depressed. Nabibiktima na sila ng trial by media.”
“Hijo, nasa brokerage business tayo so we really know the real score. Kahit maliliit na tao sa Bureau of Customs, hindi masikmura ang anomalyang ginagawa ng taong iyon. Mabuti nga at mayroon nang mga nagsasalita laban sa kanya. Aba, matagal na panahon na ring puro pagsasamantala ang ginagawa niya sa gobyerno at sa mga tao.”
Napailing na lang siya at nagpasyang huwag nang patulan ang tinurang iyon ng ina. Ilan taon nang siya ang namamahala sa brokerage business nila. Ilang panahon na rin niyan naririnig ang tungkol sa mga kalokohan ng ama ni Vivienne na nakapuwesto sa isa sa pinakamataas na posisyon sa Bureau of Customs. At noong isang beses nga ay mismong broker pa niya ang kinikilan nito.
Nagkagulatan pa sila ni George Alonzo nang malamang tao niya ang ginigipit nito. Girlfriend na niya noon si Vivienne. Bagaman galit siya sa ginawang iyon ng lalaki, ang mas pinairal niya ay ang respeto dito bilang ama ni Vivienne.
Naging pabor din naman sa kanya ang nangyari. Naging madali na para sa kanya ang maglabas-pasok ng kargamento sa Customs. And very legal, of course. Kahit na talamak ang corruption sa sangay na iyon ng gobyerno, inilalagay pa rin niya sa legal sa paraan ang kanyang negosyo. He always wanted an honest business at iyon ang mismong ina-apply niya sa kumpanyang ipinasa na ngayon sa kanya ng kanyang ama nang mag-retiro ito tatlong taon na ang nakakaraan.
Mahal niya si Vivienne. Well, iyon ang paniniwala niya. For three years now, dito siya nag-stick. Hindi siya nag-interes ng ibang babae kahit na nga ba marami ang talagang nagpapakita ng motibo sa kanya. He was thirty-two years old. At sinabi niya sa sariling tapos na siya sa pakikipaglaro sa mga babae. In fact, naiisip na nga niyang si Vivienne na ang pakakasalan niya. Ang babae rin naman ang pinakamatagal na niyang nakarelasyon at nagkakasundo naman sila.
“Ma, three years na kami ni Vivienne. Hindi mo pa rin ba siya gusto para sa akin?” banayad na tanong niya sa ina.
Napabuntunghininga ito. “You know me, hijo. I don’t usually meddle in your private affairs. Kaya lang, hindi naman ako makatiis kapag ang babaeng iyan ang sangkot. I think that’s the mother’s instinct in me. Forgive me, Zach, pero malakas ang kutob ko na hindi ang babaeng iyan ang bagay sa iyo.”
“Dahil corrupt ang father niya? Dahil naeeskandalo ang pangalan nila?”
“Oh, hindi lang iyon,” tila napapaunawang katwiran nito. “Marami na akong naririnig sa Vivienne na iyan. Buhat nang pasukin niya ang fashion world, kung anu-ano na ring intriga ang napasukan niya. Parang hindi pa siya nasiyahan sa mga eskandalong kinasangkutan ng ama niya.”
“Ma, talagang maintriga ang fashion world dahil para na rin iyong buhay artista. Ganoon talaga ang nasa limelight. Mientras sumisikat ang isang modelo, binabato ng kung anu-anong intriga.”
“Bakit naman ang pinsan mong si Felize? She had made her own name in the same circle na hindi nakaladkad ang pangalan sa kung anu-anong negative write-ups.”
Tulad ni Vivienne ay modelo rin si Felize. Sa Singapore ito nakabase at kung saan-saang modeling stint sa Asia napupunta. Kung bukas ay mababalitaan nilang na-penetrate na nito ang international modeling world ay hindi sila magtataka. She seemed to be born to become a fashion icon. Marami ang nagsasabing ito ang susunod na Linda Evangelista.
And Vivienne was different. Pangarap nito ang naggatong dito upang makarating sa kinaroroonan nito ngayon. Nag-aral ito ng mga personality development crash course. Kung anu-ano ring modeling workshop ang sinalihan. Wala ring pinalalagpas na audition at ginamit na rin ang kung anu-anong koneksyon hanggang sa magkaroon ng break sa isang TV ad.
Na-compensate na rin naman ang hirap na iyon ni Vivienne. Sa ngayon, isa na ito sa pinaka-highest paid na commercial model. Nag-aagawan ang mga kumpanya ng shampoo upang makuha itong model. Obviously, her hair was her best asset.
Pero hindi iyon ang ipinapahiwatig ng mga blind items tungkol sa isang model ng shampoo. It was said that the model’s asset was her tongue talent; na alam na alam ng model kung kaninong tao dapat gamitin ang talentong iyon. At kung anu-anong salita na may bahid na malisya ang kasundo na mababasa sa artikulong iyon.
Nagngalit ang bagang ni Zach sa naalala. Kulang na lang ay bilhin niya ang buong circulation ng diyaryong naglabas ng blind item na iyon nang mabasa niya ang tungkol doon. Tila idinaan lang sa blind item ang artikulo pero tukoy na tukoy din naman na si Vivienne iyon.
And what made him more furious was because the blind item was telling the truth. Yes, he and Vivienne had gone to bed countless times. At hindi iilang beses na ipinaranas sa kanya ni Vivienne ang oral skills nito. She was no longer a virgin nang magkarelasyon sila. At wala naman iyong problema sa kanya. Virginity was never an issue to him. Mas importante sa kanya ang kabuuang character ng isang babae.
“Zach,” Doña Patricia said in her affectionate motherly tone. “Si Vivienne na ba ang pakakasalan mo?”
Malungkot siyang napangiti. “I haven’t propose to her yet,” binigyan niya ng emphasis ang huling sinabi. “I know, Ma, you wouldn’t like it kung si Vivienne ang pakakasalan ko. But I’m serious about her. Saka I’m not getting any younger.”
“Wala akong magagawa sa desisyon mo, hijo. Siguro, mananalangin na lang ako na sana nga ay tamang siya ang pinipili mo. I love you, son. I only want the best for you. Sana ako ang mali ng akala. Sana, puro kasinungalingan lang ang naririnig ko tungkol sa babaeng iyan. Kapag nasaktan ka, Zach, mas higit na ako ang masasaktan.”
Aw, gasgas nang linya iyon. Ilang beses na ba niya iyong narinig sa mga mushy films na pinagtiyagaan niyang panoorin dahil iyon ang hilig ni Vivienne? Pero hindi niya inaasahang maririnig din ang kaparehong linya buhat sa mga labi ng ina.
And he was touched. Iyong tanda na niyang iyon, iyong itsura niya na iyon na kapag pumasok siya sa kanyang opisina ay halos mapayukod sa kanyang presensya ang lahat ng empleyado niya ay mukhang maiiyak ngayon. Hell, every man had a boy’s heart deep inside. At lalo ngayong dama niya ang labis na pagmamahal sa kanya ng ina, masisisi ba siya kung umandar ngayon ang pagiging mama’s boy niya?
“Hayaan mo, ‘Ma. I’ll tell Vivienne na dalawin ka niyang madalas dito. Baka kulang lang kayo sa sinasabi ng iba na girl bonding.” Dinaan niya sa biro ang tinuran upang hindi mahalata ng ina na masyadong naantig ang damdamin niya. “So, kailan, ‘Ma?”
Kumunot ang noo nito. “Ang alin?”
“Iyong punta dito ng alaherang suki ninyo?”
Weakness ng mama niya ang alahas. At weakness din naman ng papa niya na regaluhan ang kanyang mama na alam nitong tiyak na ikaliligaya ng asawa. Kaya nga sa pagkakaalam niya, sa mama pa lang niya ay buhay na buhay na ang alahera na suki nito. sa isang buwan yata ay dalawa hanggang tatlong beses kung bilhan iyon ng mama niya. at hindi naman basta ilang libo lang ang binibili ng mama niya. Pinakamababa na yata iyong treinta mil para sa isang pangkaraniwang bracelet.
“Sandali tatawagan ko,” mayamaya ay sagot ng kanyang mama.
Minasdan niya ang singsing na suot ng kanyang mama. Alam niya, simpleng tiffany man iyon ay hindi naman biro ang halaga niyon. Kung hindi lang niya naisip na regalo iyon ng papa niya noong nakaraang birthday nito ay balak na sana niya iyong hingin.
“Nasa America si Mrs. Halili,” pagkuwa ay wika sa kanya ng mama niya. “After two weeks pa raw ang schedule na balik. May dinaluhan daw roong auction at dadalaw na rin sa mga kamag-anak doon.”
“I see,” he said. “Siguro ay pupunta na lang kami sa jewelry store at siya na ang hahayaan kong mamili.”
“At malamang, ang pipiliin ng Vivienne na iyan ay ang pinakamahal,” walang tonong bulong ng kanyang mama na nakaabot din naman sa pandinig nya.
Hindi na lang siya kumibo. Simula’t sapul naman ay matabang ang trato ng mama niya kay Vivienne. Nahiling niyang sana ay dumating din ang panahon na maging agiliw din naman ito kay Vivienne. Magalang siyang nagpaalam sa ina at lumabas na.