MLPO1: Busy
Ezra POV
“Two pumpkin spice latte, two salted caramel cream, and one iced matcha latte for table eight.”
Ang limang beverage lang naman na mga nabanggit ang dapat kong gawin. Napalingon ako sa paligid at napakaraming pumipila sa counter. Busy ang cashier namin sa pagkuha at pagdidikta ng mga order sa amin. Pinagpapawisan na ako kahit malakas naman ang buga ng centralized aircon. Busy hour na ng coffee shop na pinagtatrabahuhan ko. Malas ko pa at break ng kasama kong si Celine. Habang nasa likod naman ang isa pang barista para tanggapin ang delivery ng mga supplies. Lima lang kaming tauhan sa coffee shop na ito na halos anim na buwan pa lang nag-ooperate pero ang trabaho namin ay halos para sa dalawang katao na. Short staffed kami lalo at halos walang mag-apply sa baba ng sahod.
“Pasensya na talaga Ezra, at sumama pa ang tiyan ko matapos mag merienda.” Kaagad na sumalang na rin si Celine para gawin ang mga nakalinyang mga order. Amoy kape na ako sa totoo lang pero sige pa rin. Dinig ko pa ang patuloy na pagdagsa ng customer lalo at tumunog na ang bell ng eskwelahan na nasa kabilang bahagi lang ng kalsada.
Halos isang oras din na para kaming mga robot na nagmamadali na i-prepare at serve ang order ng mga customer. Nakakapagod pero fulfilling. Relax na kami bandang alas siyete ng gabi. Alas otso ng gabi nagsasara ang coffee shop at pagkatapos ay naglilinis pa kaming lima.
“Maaga kang pumasok bukas Ezra. Late papasok si Celine at may exam siya sa kanyang Major subject,” paalala ni Ate Connie sa akin. Siya ang cashier at store manager na rin na minsan ay nagiging barista na rin. Napakabait ni Ate Connie at hindi namin na-feel na Store Manager siya dahil hindi siya nagpapabaya sa amin.
“Walang problema Ate Con. Exempted naman ako sa isa kong Finance subject kaya pwede akong maaga dito,” tugon ko. Napangiti ako nang maalala na hindi ko na kailangan sumali sa exam lalo at na-impress ang Instructor ko sa ginawa kong presentation na walang nag-volunteer gawin. Tinatapos na lang namin ang paglilinis nang bigla na lang bumukas ang roll up window na half-closed na.
“Close na po kami,” ani Ate Connie. Lumapit siya sa roll up na bumukas para pigilan ang sinuman na papasok.
“Hindi kami bibili ng kape!”
Matapang ang boses na narinig ko. Umangat ang ulo ko sa pagyuko dahil na rin naglalampaso ako ng sahig. Napasigaw si Ate Connie nang itulak siya ng lalaking nakasuot ng bonnet at may hawak na baril. “Tabi ka, baboy!”
Bumalandra si Ate Connie sa sahig at doon malapit sa timba na pinagsawsawan ko ng mop siya natapat. Para akong natuklaw ng ahas. Hindi ako makagalaw lalo na nang kinasa nito ang kanyang baril at tinutok iyon kay Ate Connie.
“Ikaw babae, sumama ka sa amin kung ayaw mong barilin ko itong si taba.” Umalingawngaw ang halakhak ng kasama ng lalaki na tila mga kontrabida sa pelikula. Hindi ako makaimik at tila naumid ang aking dila. “Ano? Sasama ka o tuluyan ko na itong babaeng ito?”
Napahiyaw si Ate Connie nang tapakan ng demonyong lalaki ang kanyang mukha. Hindi ko mahanap ang boses ko. Gusto kong umiyak pero natatakot akong baka magalit sila at barilin nang tuluyan si Ate Connie. Nanginginig na ako sa takot at tuluyan nang nabitawan ang hawak na mop. Wala ang dalawa ko pang kasama lalo at naunang umuwi ang mga ito.
“A-Ate Connie….” Napasigaw na ako nang dakmain ako ng dalawang lalaki. Inabot ko ang aking kamay na tila sa ginawa ko ay maisasalba ako ng ganun pero wala pa ring silbi.May nilagay silang panyo sa aking bibig at nakakasulasok ang amoy niyon.
Nagpupumiglas ako sa kanilang paghawak sa akin. Buong lakas akong nagpupumilit na makawala sa mala bakal nilang pagpigil sa akin. Hanggang ang tili ni Ate Connie ang huli kong naalala bago ako panawan ng ulirat.
“Hoy gising!”
Isang malakas na pag-alog sa akin ang siyang dahilan para magising ako. Kinapa ko kaagad ang sarili ko para masigurado na hindi ako nilapastangan ng mga goons na yun. Bigla kong naalala si Ate Connie. Kumusta na kaya siya? Hindi ba siya sinaktan ng tatlong lalaki na maasgad ang itsura?
Kaagad na nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman na iba na ang suot ko. Hindi na ang apron at slacks na amoy kape ang suot ko. Bagkus, isang silk nightgown yun na kulay puti. Wala akong suot na bra at tanging ang kapiranggot na panty lang ang suot ko. Hinaplos ko ang aking mukha at tila nangangapal ang aking labi. Nang diinan ko ito ng aking daliri at tiningnan yun ay may bumakat na kulay pulang malagkit. Lipstick.
“Baliw! Huwag mong buburahin ang red lipstick mo. Tumayo ka na dyan at dadalhin na kita kay Lord Yuri.”
Doon ko lang napansin ang itsura ng babaeng payat at blonde ang buhok na parang walis tambo na sa sobrang tigas ng mga hibla nito. Kung nahulugan ng butiki iyon mula sa kisame ay pihadong lasug ang butiki.
“Ano ba? Gusto mo kaladkarin pa kita palabas d’yan? O hindi kaya ang mga barakong manyakis na lang ang utusan ko? Mamili ka?” Halata ang bugnot sa kanyang mukha. Kaya, nagmamadali na akong lumapit sa kanya na nakakurus ang mga kamay sa aking dibdib. Kahit naman katamtamang laki lang ang boobs ko ay nakakahiya na wala akong suot na bra. “P*******naman oh! Akala ko kolehiyala ka? Bakit ang bobo mo? Paano ka sasama sa akin kung wala kang sapatos?” angil niya sa akin.
Hindi na ako umimik lalo at muling bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong lalaki. Wala na silang suot na bonnet. Infairness, hindi naman sila pangit katulad ng mga goons na nakikita sa mga pelikulang Pilipino na maasgad ang mga mukha.
“Ready na ba itong alaga mo, Simone?” tanong ng lalaking nakasuot ng grey na muscle t shirt. Ni hindi man lang siya tumingin sa akin. Pero, ang dalawa niyang kasama ay nakatingin sa aking dibdib.
“Hanep naman, Lucas! Huwag mong tingnan itong alaga ko at kapag nalaman ng mga leader ay dukutin pa ang mga mata mo.”
Umismid lang ang lalaking nagngangalang Lucas. Lumapit na rin ako sa high heel na peep-toe sandals na kulay silver. Parang sinukat yun sa aking mga paa at mas naging matangkad ako sa dati ko pang height na five feet four inches. Sinubukan kong maglakad at halos mapasubsub na ako sa lalaking nakatunghay sa akin.
“Ay maganda nga, sablay naman!”
Napatingin ako kay Simone. Sige lang laitin mo lang ako, walis tambo. Kapag nakatakas ako dito ay ikaw ang una kong isusumbong ko sa pulis. Huminga ako ng malalim. Nagbibilang ako ng hanggang lima sa isip ko. Konti na lang talaga at bibingo na sa akin ang babaeng ito.
“Bilis! Ang bagal mo naman maglakad!” reklamo pa ni Lucas. Tinubuan ng kilabot ang katawan ko nang hawakan niya ang baywang ko. Dumilim ang aking paningin nang may kung anong tinakip sa aking ulo. Kumawag ako hanggang sa maramdaman ang pag-angat ng aking paa mula sa sahig.
Saan nila ako dadalhin? Bakit kailangan pa nila akong lagyan ng sako sa ulo?
Dinig ko ang pagbukas at sara ng kung ano. At ilang sandali pa, pabagsak akong nilagay sa upuan. Nauntog pa ako sa salamin at dahil sa sakit, nawalan ako ng ulirat.