"P'wede ba akong umuwi mag-isa?" Napahinto si Ivan sa pagtitipa sa laptop niya dahil sa naging tanong ni Shaira sa kaniya. Kanina pa kasi ito nagpapaalam na uuwi na raw ito kaya naman nakaramdam siya ng inis. "Marami pa kasi akong gagawin sa bahay, eh." Kanina naman ay maaliwalas ang mukha nito bago siya umalis para sa meeting niya. Pagbalik niya ay sambakol na ang mukha nito at gusto na nitong umuwi. "Mauuna na ako sa 'yong umuwi dahil mukhang matagal ka pa rito. Gusto ko na kasing magpahinga dahil maaga akong aalis bukas para puntahan 'yong mga bagong branch ng restaurant ko. Kaya kung maaari sana ay payagan mo na akong umuwi para maaga akong magising bukas." In-off niya ang laptop niya at agad na tumayo. "Alright. I'm sorry, let's go?" "Ako na lang mag-isa ang uuwi. Tapusin mo na

