"Ba't ang saya mo? Nanalo ka ba sa lotto?" sita ni Sharon sa kaniya nang makita siya nito sa entrada ng sarili niyang restaurant. "Daig mo pa 'yong bituin sa pagkinang kahit hindi naman gabi. 'Yong mga mata mo, kumikislap-kislap din. Ano'ng meron, Shaira?" "Oo nga!" sang-ayon naman ni Ella. "Parang kakaiba ka nga." "Ano ba'ng sinasabi niyo? Nababaliw na ba kayong dalawa?" nakairap niyang wika sa dalawang taong matanglawin sa buhay niya. "Ang dami niyo talagang napapansin, eh, 'no?" Nandito kasi siya sa restaurant niya ngayon para kunin kay Kevin ang mga menu na ipinaluto niya para kay Ivan. Hahatiran niya kasi ulit si Ivan ng lunch nito ngayon. Ayon kasi sa sekretarya nito ay hindi raw talaga lumalabas ang lalaking 'yon kahit pa nga break time na. Nakakulong lang daw ang lalaki sa

