"Damn it! Where could I find her?" inis na tanong ni Ivan sa sarili niya dahil mahigit isang buwan na niyang hindi nakikita ang kasintahan niya. "Where the f**k is she?" Araw-araw na lang yata siyang nagmumura siya dahil hindi niya alam kung nasaan si Shaira. Ang sabi nito noon ay pupunta ito sa opisina niya pero hindi naman ito dumating. Mahigit isang buwan na itong nawawala at kahit katiting na clue ay wala siyang makuha. Halos minu-minuto na lang yata niya itong tinatawagan pero talagang hindi niya ito ma-contact. Iniisip niya tuloy na baka ayaw na siya nitong makita. Pabalik-balik na rin kasi siya sa restaurant nito pero wala talaga ito roon. Kinulit na rin niya ang mga kaibigan nito pero wala talaga siyang nakuhang impormasyon. Ang matalik naman nitong kaibigan ay kagaya rin

