Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay ni Ivan nang makita niyang sabay na dumating ang kapatid niya at si Shaira. Hindi kasi ito ang unang beses na sabay na umuwi ang dalawa na tila may itinatago sa kanila partikular na sa kaniya. "Saan kayo nanggaling?" pormal niyang tanong sa dalawa na animo'y mga magnanakaw kung maglakad. Nagulat pa ang mga ito na tila nakakita ng multo. Ang akala siguro ng dalawa ay hindi niya napapansin ang pag-alis-alis nito kahit alanganing oras. "Tinuturuan lang ako ni Monique na magluto sa bahay niya, Kuya. Ang sabi kasi sa akin ni Monique kapag daw gusto kong matutong magluto ay sabihan ko lang siya para maturuan niya ako," sagot ng kapatid niya samantalang si Shaira ay nakatingin lang dito. "Bakit hindi na lang kayo rito sa bahay nagluto?" "Baka nga kas

