Inis na inis si Shaira dahil halos kauuwi lang nila Ivan pero umalis pala ulit ang lalaki para pumasok sa opisina nito gayong may sinat pa nga ito. Pinaliguan niya kasi sina Andi, Adi at Aki at pagkatapos ay pinatulog niya pa kaya hindi niya namalayan kung anong oras ito umalis. Ang sabi ng ina niya ay pinigilan daw nito si Ivan pero ayaw daw magpapigil ng lalaki at sinabi pang pupunta lang daw ito sa mansiyon pero pagpunta niya roon ay wala naman ito. Kaya malamang nasa opisina ito at nagtatrabaho na naman. "Manong, pumasok ba ang magaling mong amo?" tanong niya sa guard para makasiguro siya kung talaga bang nasa loob ang lalaking 'yon o wala. "O-opo, Ma'am." Medyo natagalan pa ito bago nakasagot. Marahil ay tinuruan ito ni Ivan na magsinungaling kung sakaling hanapin niya ito. 'Y

