Pauwi na silang dalawa ni Ivan ngayon sa townhouse na pag-aari ng pamilya nito. Habang nasa biyahe sila ay mahigpit siyang nakahawak sa kaliwang kamay nito habang ang kanang kamay nito ay nakahawak naman sa manibela. Kanina pa nanginginig ang mga kamay niya dahil sa sobrang kaba. Hindi niya kasi alam kung paano niya haharapin ang mga taong nakaabang sa kanila sa townhouse. Nagulat na lang siya nang biglang inihinto ni Ivan ang sasakyan nito sa gilid ng kalsada at kunot ang noo na tumitig ito sa kaniya. "Bakit ba kanina ka pa hindi mapakali? Ano ba ang problema mo? Nang paalis pa lang tayo sa resort halos namumutla ka na. Ano ba'ng iniisip mo?" Napabuga siya ng hangin at pilit na pinapakalma ang sarili. Kung hindi pa kasi fiesta bukas ay hindi pa sila uuwi dahil itong si Ivan ay bala

