Episode 2

1006 Words
"Look at that guy, Shaira!" Turo ni Ella sa lalaking nakasuot ng puting t-shirt habang kumakain. Isa ito sa mga waitress niya at matanda lang ito sa kaniya ng dalawang taon. "Sobrang guwapo! Siya na yata ang pinakaguwapong lalaki na nakita ko sa buong buhay ko! Gosh!" Inirapan niya ito dahil hindi nito maalis ang tingin sa lalaki habang nakayukong kumakain. Paano kaya nito nasabi na guwapo ang lalaki gayong nakayuko ito? "Hitsura pa lang, mukhang sanggano na. May tattoo pa sa braso akala mo naman ikinaguwapo niya 'yon," inis na bulong ng isipan niya. Tila narinig naman ng lalaki ang sinabi niya dahil huminto ito sa pagkain at kunot-noong tumingin sa direksiyon nila. Napakurap-kurap siya dahil tama nga ang sinasabi ng waitress niya. Hindi lang ito basta guwapo dahil napakaguwapo nga nito! Napalunok siya ng sunod-sunod nang umupo ito ng diretso at humalukipkip. Nakatitig siya sa mukha nito at ganoon din ito sa kaniya. Bakit ganoon? Bakit ang lakas ng t***k ng puso niya habang nakatitig sila sa isa't isa? Ngayon niya lang ito naranasan sa buong buhay niya. The guy looked like a celebrity or maybe a tattoo model. Matangos ang mga ilong nito. Medyo magulo rin ang buhok ng lalaki na halatang bagong ligo lang. Ang mga mata naman nito ay tila nang-aakit na kahit sino yatang babae ay hindi ito kayang tanggihan. Kaya lang may napansin siya sa hitsura ng lalaki. Mukha kasing hindi ito basta-basta magpapaakit. Marami kasing babae ang napapatingin sa gawi nito pero hindi man lang nito iyon tinapunan ng tingin bagkus mukhang naiirita pa ito. "Simula nang buksan natin 'tong restaurant halos araw-araw na rin siyang nandito. Same order and same table," bulong ni Ella na halatang kilig na kilig. "Ang guwapo niya, 'di ba?" "Indeed he is," tugon niya na tila wala sa sarili. Pinasadahan nito ang kabuuan niya at pagkatapos ay umismid bago ipinagpatuloy ang pagkain. "Isang linggo na siyang kumakain dito sa restaurant mo pero hindi ko pa alam ang pangalan niya. Hindi naman kasi nagsasalita kapag tinatanong ko tapos lagi pang nakasimangot. Sabagay, kahit naman hindi niya ako pansinin masaya na akong nakikita ko siya mula sa malayo. Sh*t! Ang guwapo talaga!" sabad ni Sharon na nasa tabi na rin pala nila ni Ella. Kunwa'y inirapan niya ang dalawa. "Bumalik na nga kayo sa trabaho niyo. Lalaki lang 'yan kaya huwag kayong basta-basta bibigay. Huwag kayong tumingin sa panlabas na anyo lang. Nakakita lang kayo ng guwapo hindi na kayo makagalaw," sita niya sa dalawa pero habang sinasabi niya iyon ay nakatutok pa rin ang mga mata niya sa lalaki. 'Yong mga sinabi niya kasi sa dalawa parang sarili na rin niya ang pinagsasabihan niya. Nang matapos kumain ang lalaki ay tumayo na ito kaagad. Dinukot nito ang wallet sa likod ng pantalon nito at nag-iwan ito ng isang libo sa lamesa at pagkatapos ay walang babalang umalis. "Sayang naman! Tinatamad na tuloy akong magtrabaho." Binalingan niya si Sharon. Ang hitsura nito ay mukhang nalugi kaya inirapan niya ito at bahagyang kinurot sa tagiliran. "Hoy, babae! Marami pa tayong customer na guwapo kaya 'wag kang mawalan ng pag-asa!" "Isang linggo na pero siya pa lang ang guwapo sa paningin ko. Para sa 'kin, siya na ang pinakamagandang lalaki dito sa balat ng lupa," giit nito habang yakap-yakap ang sarili. "Oo, nga. Kahit masungit ang hitsura ni kuyang pogi patuloy ko pa rin siyang mamahalin," pahayag naman ni Ella. Napabuga siya ng hangin dahil tila pare-pareho sila ng nararamdaman. Kahit kasi nakaalis na ang lalaki hindi pa rin kumakalma ang puso niya. "Ella, Sharon," untag niya sa dalawa. "Ano'ng pangalan no'ng lalaking kakaalis lang?" "Hindi ko alam," sagot ni Sharon. "Hindi nga nagsasalita," sagot naman ni Ella. Tinaasan niya ang dalawa ng kilay. "Paano um-order 'yon kung hindi nagsasalita? Sign language lang, ganoon ba?" "Nagsasalita siya pero limitado lang. Kapag um-order kasi 'yon laging sinasabi 'same order' kaya kapag nakita namin siyang nakaupo sa puwesto niya alam na kaagad namin kung ano ang gusto niya," mahabang paliwanag ni Ella at sinabayan pa ng pagkumpas ng mga daliri. "Huwag mong sabihin sa amin na interesado ka?" tanong sa kaniya ni Sharon habang nanlalaki ang dalawang mga mata nito. "I'm not!" depensa niya sa sarili. Gusto niya lang makilala ang lalaki. "Hoy, Shaira! Hindi kayo bagay! Ang bata mo pa para sa kaniya, 'no! Baka nga may pamilya na 'yong lalaking pinagpapantasyahan mo, eh!" litanya ni Ella sa kaniya. "Baka mamaya saktan ka lang ng lalaking 'yon. Kung ako sa 'yo kay Kevin ka na lang," dagdag pa nito. Ang Kevin na tinutukoy nito at kababata niya na kasosyo niya rin sa pagpapatakbo nitong restaurant. Kagaya niya, nagtapos din ito ng kursong culinary arts dahil pareho sila ng hilig. Lagi nga silang tinutukso ng mga magulang nila dahil hindi raw sila mapaghiwalay. Tinatanong rin sila ng mga ito kung may romantiko na raw bang namamagitan sa kanilang dalawa ni Kevin na kapwa lang nilang pinagtatawanan. Hindi niya itatangi na magandang lalaki si Kevin pero wala talaga siyang nararamdaman dito. Mahigit dalawang dekada na silang magkasama ng kababata niya pero kahit kailan hindi bumilis ang t***k ng puso niya. Hindi kagaya ng lalaking customer nila kanina. Titig pa lang nito ang lakas na ng kabog ng dibdib niya. Paano pa kaya kapag magkayakap na sila? Magkatabi sa pagtulog at magkasama sa iisang bubong? Napangiti tuloy siya ng wala sa oras dahil kung ano-ano ang mga pumapasok sa isip niya. Hinatak ni Sharon ang dulo ng buhok niya kaya sinamaan niya ito ng tingin. "Kanina ka pa nakangiti riyan. Ang dami nang customer pero nakatayo ka pa rin at panay ang ngiti na parang isang baliw," sita nito sa kaniya kaya iginala niya ang paningin sa loob. Napapalatak siya dahil marami na nga ang nakapila sa counter kaya naman pumasok siya sa kusina para tulungan si Kevin. Nababaliw na talaga siya! Dahil lang sa isang lalaki nawawala na siya sa sariling katinuan. "Don't worry, Shai, because you will surely see him tomorrow again," anang isang bahagi ng isipan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD