Episode 3

1088 Words
Kinabukasan hindi nga nagkamali sina Ella at Sharon dahil nakaupo na naman ang lalaki sa dati nitong puwesto. Inayos muna ni Shaira ang sarili bago niya ito nilapitan para kunin ang order nito. "Hi, can I have your order?" tanong niya sa lalaki habang may nakapaskil na isang ngiti sa mga labi. "Same order," tipid na tugon nito ng hindi tumitingin sa kaniya. "And that is?" "Where's the waitress who serves my order every day?" tanong nito sa kaniya habang nakasimangot. "Nasa ospital siya ngayon dahil bagong panganak," aniya sabay hila ng isang upuan at umupo siya sa harapan nito. "How about the other one?" Sina Ella at Sharon siguro ang mga taong tinutukoy nito. Nag-text kasi sa kaniya ang dalawa na mali-late raw ang mga ito dahil traffic. "Nasa ospital din dahil kapapanganak pa lang," pagsisinungaling niya. "Halos magkasunod lang ang dalawa." Umismid ito sa naging pahayag niya. Sino ba naman kasing baliw ang maniniwala? Hindi naman kasi buntis ang dalawa dahil parehong sexy ang mga ito at kahit kaunting bilbil walang mababakas sa katawan ng mga waitress niya. "How on earth did it happen? They're giving birth even though they are not pregnant? Are you kidding me?" seryoso nitong tanong na halatang naiinis na. Lalo tuloy itong nagiging guwapo sa paningin niya. Umiling-iling siya. "I'm not," tugon niya habang natatawa. "Don't smile because you look like a witch." Natawa tuloy siya nang malakas dahil sa sinabi nito. Kapag ngumiti pala ang isang tao mangkukulam na ang tingin nito. "Yeah. I'm a witch. A beautiful witch," nakangiti niyang wika habang nakapangalumbaba. Ang lalaking kaharap niya kahit masungit, hindi nakakasawang tingnan. "Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong niya pagkuwan. "Why do you need to know?" "Anong ilalagay ko sa order slip mo kung hindi ko alam ang pangalan mo? At paano nila ihahatid sa 'yo ang order mo kung walang pangalan?" "Nicanor Topacio Artillano Florencio Dimagiba," wika nito sa seryosong tinig. "'Yan ba ang pangalan ng mga kaibigan mo?" "No. That's my real name. Now, serve my order," malamig nitong pahayag na halatang iritado na. "'Yong pangalan mo mukhang kinuha pa sa lolo nang mga lolo mo. Guwapo ka sana pero 'yong pangalan mo pangmatanda. Anyway, can I get your cell phone number, too?" "I don't have a number." "Wala kang cell phone number? Nakita kaya kita kahapon na may kausap at ka-text sa cellphone mo. Paano ka nila na-contact kahapon? Alam mo bang kasalanan ang magsinungaling?" Nang makalabas kasi ito kahapon ay pasimple niya itong sinundan. Tiningnan niya kung saang direksiyon ito papunta. Bago ito tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan nito kahapon ay mayroong tumawag rito na kaagad naman nitong sinagot. Tapos ngayon itatanggi nito na wala itong cellphone number. Tsk! Sinungaling! "Are you always like that?" "What do you mean?" "Do you always ask for the names and numbers of all the men who eat here in this restaurant?" "Of course not!" mabilis niyang sagot. "Ikaw pa lang ang lalaking tinanong ko." Hindi na ito nagsalita pa bagkus ay nakatitig lang ito sa mga mata niya at kalaunan ay bumaba ang mga mata nito sa labi niya. Nang hawakan niya ang kamay nito ay napatikhim ito nang malakas. Mayamaya pa ay inalis nito ang kamay niyang nakapatong sa kamay nito at sinamaan na ulit siya ng tingin. "Just give me a coffee." "Bakit kape?" "At bakit hindi?" tanong nito habang nakakunot ang noo. "Guwapo ka sana kaya lang napakasungit mo. Paano ka magugustuhan ng mga babae niyan kung sinusungitan mo sila?" "I don't need a woman in my life." Tila nanikip naman ang puso niya dahil sa naging pahayag nito. "I prefer to be alone for life," dagdag pa nito. "Bakit gusto mong mag-isa habang buhay?" curious niyang tanong sa kaharap pero hindi siya nito sinagot kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Ayaw mo bang magkaroon ng asawa at mga anak? Paano pala kapag tumanda ka na? Sino'ng maglalaba ng mga damit mo? Magluluto ng mga kakainin mo? Mag-aalaga sa 'yo kapag may sakit ka?" sunod-sunod niyang tanong na kahit isa wala itong sinagot. Napahawak ito sa batok na akala mo naman hirap na hirap sa naging tanong niya. Siguro nabigo ito sa pag-ibig kaya ayaw nitong mag-asawa. Baka naman kasi manloloko ito kaya iniwan. "Bakit ayaw mong mag-asawa?" ulit niyang tanong dito. Napahilamos ito sa sarili gamit ang kanang palad nito. Ano ba'ng mahirap sa tanong niya? Lahat ng tao gustong magkaroon ng pamilya pero itong lalaking kaharap niya gustong mag-isa habang buhay. "Broken-hearted ka ba kaya ayaw mong mag-asawa?" "Is that what you think?" Tumango-tango siya. 'Yon lang ang naisip niyang dahilan para gustuhin nitong mag-isa sa buong buhay nito. "Bakit may iba pa bang rason?" "There are many reasons why I don't need a woman." "And that is?" "Why do you need to know everything about me? Why don't you just give me my order so I can leave?" "Wala ka pa ngang order, eh." "I said give me a coffee." "Puwede ba tayong maging magkaibigan?" sa halip ay tanong niya. "I don't make friends with women, especially with a kid." "What?" Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "I'm not a kid!" "You are." "Dalaga na ako, 'no!" naiinis niyang wika rito. "I'd rather bed them than make friends. So, If I were you, stay away from me if you don't want to get pregnant," walang habas nitong pahayag kaya naman napanganga siya dahil sa sinabi nito. Ang hirap naman pala nitong maging kaibigan! Sabagay, kung mabubuntis siya nito siguradong napakaganda ng magiging lahi nila. Nang ma-realized niya na nagiging maharot na siya ay lihim niyang pinagalitan ang sarili. Kahit hindi siya manalamin alam niyang namumula ito dahil sa mga kabulastugan na pumapasok sa isipan niya. Bago pa man siya makatugon sa sinabi nito ay pareho silang napatingin sa may pintuan dahil pabalyang bumukas ang pintuan. Dumating na ang dalawa niyang kaibigan at waitress na sina Ella at Sharon, ang mga taong laging nagbibigay ng order ng lalaking kausap niya. "Shaira, bicol express ang order niyan palagi at saka ginataang laing," imporma ni Ella habang nakatingin sa lalaking hindi man lang marunong ngumiti. "Can you leave me alone, Kid?" pagtataboy nito sa kaniya. Kahit inaasar siya nito hindi niya magawang magalit ng husto. Gusto niya kasi itong makilala kung bakit ayaw nitong makipagkaibigan sa kaniya o sa mga babaeng kagaya niya. "Leave me alone so I can eat in peace," maawtoridad nitong utos kaya naman napilitan na siyang tumayo. Araw-araw niya itong kukulitin hanggang sa pumayag ito na maging magkaibigan silang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD