Episode 49

1304 Words

"May relasyon ba kayo ng lalaking 'yon, sweetie?" tanong ni Kevin sa kaniya habang naghihiwa silang dalawa ng mga recado na gagamitin niya sa pagluluto mayamaya. Marami nang tao ang nagluluto sa labas. Taon-taon daw kasi ay ganito ang kaganapan dito. Marami ang pagkain na ipinapaluto ni Yna dahil may mga tao raw na pupunta rito para makikain at makisaya kahit pa nga raw hindi ito kakilala o kamag-anak ng pamilyang Ariza. "Bakit mo naitanong?" "Kanina pa kasi siya tumitingin-tingin dito sa direksiyon natin, eh. Kapag naman nahuhuli ko siyang nakatingin sa atin ay sinasamaan niya ako ng tingin." Napasunod ang mga mata niya sa taong tinutukoy ni Kevin. Nakaupo si Ivan habang nakahalukipkip. Kausap nito ang mga kaibigan nitong sina Alonzo at Calixto. Ang dalawa ay tuwang-tuwa samantala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD