PRIVATE VILLA

2551 Words
“In terms of necessities, the island has everything you need. It has its own 24/7 convenience store, souvenir shops, a mini mall, restaurants of your own choices, clubs, bars, and other food stalls around the shore of the island.” Hanggang sa makarating sila sa isla, ay hindi pa rin maialis ang mangha niya sa kung gaano kaganda ang pagkakadisenyo sa isla na kahit sa malayo pa ay tila isang pinta, higit pa dun, ay ang nakita niya kanina sa munting kuweba habang nasa laot pa sila.. Hindi pa rin matatalo ang linaw ng dagat ng Pilipinas, ang sa isip niya, pero kung paano dinesenyo ang isla, at ang mga structures nito ay talagang napag-isipang mabuti. Excellence! Yun ang tanging salita na nasa loob niya bilang isang inhinyero. “One thing, no one lives in that cave, and no one is permitted from going there you were saying?” Muli niyang tanong, habang paunti unting lumalaki ang interes niya sa nasabing kuweba. “Now you’re more interested with the cave. But yes, sir. No one is permitted from going there, not even the staff, nor the owner himself.” “The woman is still seen at the cave at some time, is that true what you were saying?” “Well, I cannot vouch for what they have seen, but yes, the guests have claimed they’ve seen her.” “And you’ve never seen her not once?” “I’ve never stayed at the coast long enough to see.” Talagang pinaninindigan ng isla ang kwentong naisabi tungkol rito. Iyon ang nasa isip niya ng mga panahong iyon. Diretso silang pinapasok sa kabilang gate kung saan hindi aabot sa sampo ang naglalakad at agad na nakatungo sa ibang lobby. Habang ang malaking bangkang kasabay nila sa paglisan sa daongan ay nagawi sa kanang bahagi ng isla, dumaong naman ang yate sa kaliwang bahagi ng isla. Hindi na kailangang ipagtanong ni Ethan at alam niyang iba ang dock ng VIP’s sa average visitors kaya hindi ganoon karami ang tao sa kung saan sila dumaraan. “The Reception Area is right inside the Lounge, Sir. You’ll see a desk in the front, the receptionist asks for your name and finds it on the guest list, then they give you the key to your room.” “I rented a private villa, though.” “Then they give you the key to your private villa. Enjoy your stay, Sir.” Magalang na bati ni Sali at hindi pa rin nawala ang pagkalaki laking ngiti nito sa labi, kita pati ang gilagid at mga mata nitong matitingkad na nakangiti rin. Di alintana ang pagod neto na ikinabilib ni Ethan mula pa nang Makita ito sa labas ng airport. Papasok na siya sa lobby ng tumalikod siyang ulit at tinawag ang binata na nagsisimulang linisan ang lugar at pabalik na sa area kung saan siya naka disenyo. “Oi! Sali, right?” “Yes Sir!” Mabilis pa sa hangin na umuwi si Sali sa daanan nito at nagawi sa harap niya. “Are you my tour guide? Or you’re everybody’s?” “Basically Sir, my job is on the transportation service of the resort for the VIP’s. I’m only to welcome the foreign guests from the airport, and take them straight to the resort.” “I think I’ve read a part where I could hire a private tour guide for the rest of the stay?” “You could ask one on the reception desk as soon as they give you your room key… I mean your private villa. The tour guides should be at the lounge as well.” “So I can’t hire you as a private tour guide?” “I’m not sure I am qualified to be a private tour guide Sir. The resort has bunch of staff for that work, and they're trained to help you more on that matter than I can.” "I'm sure they can make some arrangements if I say my preference, right?" "I-i'm not so sure about that, Sir." “Sali, you can speak English just fine, right?” “Yes, Sir?” “And you’ve been here for at least 5 years, right?” “I’m basically born around the coast, so it’s been 19 years, Sir.” “So I don’t see any problem if I want you as a tour guide.” Isang munting ngiti ang naisuot ni Sali sa mga labi nito at tinuyo ang pawis gamit ang kamay na siyang gamit niya sa pagmamaneho. "That's very kind of you, Sir. But I don't think I'd be of any help with you on your stay." "I'm old enough to feed and shift myself on the toilet if that's what you care about. I only need someone to decide what I do or where I go to make sure I enjoy myself during the stay." Walang maisagot ang binata sa kaniyang mahabang salaysay at napakamot na lamang sa kaniyang batok habang nahihiyang ngumiti at hindi mawari kung paano nito tatanggihan ang kaniyang alok. “Sali?” “Yes, sir?” “Do you want to explore the island with me? Or do you want to get stuck inside that car in the middle of summer, driving guests with nothing but your Justin Beiber music?” “I Love Justin Beiber, but I want to explore the island Sir!” Matingkad na tono niyang sinagot na siyang tinawa ni Ethan ng bahagya. “Then let’s go and see if the receptionist can do us a favor.” Sinundan naman ni Sali si Ethan at sabay silang nagtungo sa reception area kung saan nakangiting sumalubong sa kanila ang isang receptionist at magalang na binate ang mga ito. Hindi naman maiwasang libutin ni Sali ang kabuoan ng lobby habang nag-uusap si Ethan at ang babae sa front desk. “Good Morning Sir, welcome to the island. Reservation Name please?” “Ethan Dominguez.” “A second, Sir.” Sabi ng babae at agad na itinype ang pangalan sa computer habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi. Isang minuto nitong tinignang mabuti ang record at hinanap ang pangalan sa listahan ng mga reservations saka tingnang muli si Ethan. Tumalikod muna ito at binuksan ang isang maliit na drawer tsaka kumuha ng susi mula doon. “You’re on Private Villa number 7 Quarter III, Sir. Every VIP guest is offered a private card for a choice. You can use the private card for your expenses while enjoying your stay on the island. All your purchase details like eating on the restaurant or buying something on bars and stores are gathered on the private card and bills are settled in one on the day of your departure. Would you like to use the private card?” “Yes please.” “Another information desk is right at the end of the Quarter III hallway. You can further ask directions headed to your accommodation. Anything else I can help you with?” Sagot ng babae at tinuro ang panghuling hallway pagawing kanan pero tiningnan lang itong saglit ni Ethan at muling itinuon ang pansin sa receptionist. “I’d like to request a private tour guide to help me out on my vacation.” “We’ll have a tour guide to help you out in 10 minutes- “I want a particular one.” “I beg your pardon, Sir?” “Sali…” Tawag niya sa binata na nakatayo lamang sa kaniyang likod at hinawakan ito sa kaniyang balikat, animoy pinipresenta ito sa receptionist habang nagpakita naman si Sali ng isang nababahalang ngiti. “He works for the transportation service in the resort. I want to hire him as a private tour guide. Would that be okay?” Tinignan muna ng babae si Sali ng saglit, saka ibinalik ang matamis na ngiti sa labi nito habang tinignang muli si Ethan. “I’ll see what I can do about it, Sir. We’ll have you updated within 10 minutes.” “Does that mean I’m allowed to take him with me, right now?” “I’m afraid you can’t, unless the management has already had a say on the matter. Sali here, has work allotted for his job, and he cannot leave his post unless approved by the Transportation Management.” “I see. Thank you.” Yumuko ng bahagya ang receptionist habang pangiti naman si Ethan na nilisan ang front desk habang hawak pa rin si Sali sa balikat. “We’ll have to wait until the management of the resort either rejects or approves my favor. You’ll have to do your work until then.” “I guess I have to get back to my car, Sir. Justin Beiber is waiting for me.” “I'll see you in 10 minutes, or so. But you're spending your two weeks with me. You get that?" "May the matchmaker bless you upon your stay, Sir." tumango lamang ito saka binitawan ang mga makahulugang salita at yumuko para bigyan ng paggalang si Ethan bilang isang bisita saka tuluyang umalis. Nagpatuloy naman si Ethan sa pagtahak ng pangatlong hallway at itinuon ang paghahanap sa kaniyang private villa. Napapalibutan ang isla ng puno kaya hindi pansin ang init sa presko ng hangin dala ng mga alon na humahampas sa dalampasigan. Tulad ng nasabi ng receptionist sa lobby, ay may information desk nga sa dulo ng hallway at isang babae naman ang nakangiting bumungad sa kaniya at yumuko muna bilang pagbati. “Good Morning Sir. How may I help you?” “I’m headed to my accommodation. It’s private villa 7. Which way do I go?” Damohan na ang sasalubong sa labas ng hallway at tatlong daanang gawa sa bato ang papunta sa iba’t ibang direksyon. Ang gawang pakanan ay papunta sa mga restaurant, bar, convenience store at mga food stalls habang ang gawing pakaliwa ay daanan papunta sa mga souvernir shop, rental shops para sa mga life-jackets at iba pa. “You’ll have three pathways at the end of the hallway, walk straight and you’ll end up on a bridge Sir. Walk straight and you’ll be right at the center of a platform and what would look like a stomach of a spider. It’s legs would be the pathways to different private villas and yours should be on the left row and the first before the last. If the instructions seem pretty confusing, we can have a staff take you to your private villa, if you want.” “I'll be fine, thank you.” Pagtanggi niya sa alok at nagpasalamat muna sa receptionist bago pinagpatuloy ang paglakad sa hallway. Tulad ng sabi ng receptionist, ay tatlong pathway nga ang sumalubong sa kaniya sa dulo ng hallway, at sumunod naman siya sa nasabi ng babaeng diretsuhin lamang ang paglalakad at tinahak ang gitnang pathway. Hanggang sa marating niya ang sinasabing tulay habang kitang naabot niya na ang dulo ng dalampasigan. Diretso lamang siya sa paglalakad sa tulay at klaro ang view ng malinaw at makintab na dagat sa ibaba ng see-through na tulay hanggang makarating siya sa platform. Dalawang sections lamang nakapwesto ang private villa. Left, and right rows kung tawagin ng receptionist. Dala ang bag na hinanap niya ang last private villa at pumunta sa katabi nito. Mukhang tama naman ang tinunton niya base sa nakakabit na identification sa gate ng private villa. PVIII- 07 Kaparehong kapareho ng nakalagay sa susi, kaya walang pag-aalinlangan niyang pinasok ang gate. Isang maliit na balcony ang bumungad sa kaniya matapos niyang pumasok sa gate, at dalang maliit na upuan at isang mesa ang nakalagay sa harap pero hindi na niya pinagtuonan iyon ng pansin at hinubad ang suot na sapatos saka kinuha ang hotel slippers at pumasok na. Parang tiny condominium ang pagkadisenyo ng loob ng bahay. Wala ng living room at agad na nakahilanta ang isang king-sized bed na nakaharap sa karagatan. May tv set sa kaliwa at pintuan papasok sa shower room at kabilang pintuan para sa isang maliit at simpleng walk-in closet. Gaya nga ng nasa website page ng resort, sakto lamang ang resort sa mga magbabakasyon ng higit sa isang linggo at hindi sulit kabang ilang araw lamang. Nakadisenyo talaga ang bahay para sa magbabakasyon ng ilang linggo dahil may closet. May built-in counter kung saan may mga snacks na nakalagay at isang bote ng wine kasama ang dalawang bote ng wine glass. Ngunit ang pumukaw sa atensyon niya, ay ang balcony sa likod at nakaharap sa karagatan. Isang infinity pool, at dalawang tanning bed ang nakahiga sa labas ng balcony. Magkadikit ang balcony ng bawat private villa at may wood designs na humaharang para hindi halatang isang malawak at buong platform lamang ang balcony ng lahat ng private villa, pinaghiwalay nga lang ng mga nagmistulang rehas na yari sa kahoy. Nasa kalagtnaan pa siya ng pagkamangha sa buong structure ng villa ng biglang mag vibrate ang cellphone sa loob ng suot niyang pantalon. “I estimated you’d be walking out of the airport as of this moment. So? Anong feeling?” “Hindi ko na maalala.” “Anong di mo maalala? Dude, come on.” “It’s been 30 minutes since I left the airport. Nasa resort na ako ngayon.” “Ohhhh, resort. So sa dagat pala ang trip mo. And how does the resort look? Iniimagine kong sinusuri mo na ang kabuuan ng tinutuluyan mong villa at nagsisimula ka na sa pagiging dakilang critique mo.” “I don’t do that.” “Man, saulo na kita.” “Fine.” Pabuntong-hininga niyang turan habang nagbubukas ng bag at paisa-isang nilagay ang mga gamit niya sa closet. “NO critics, no side comments. Compliment, maybe?” “Then that’s the first time in history you’ll ever give a compliment. Mukhang kailangan kong puntahan ang resort na yan. Tiyak na maganda at ganon na lamang kamangha-mangha ang disenyo ng resort para magustuhan ng isang engineer na katulad mo. Patingin nga ako ng picture.” Sarkastiko nitong tugon na may halong kuryosidad. “Later. I’m not in the mood for some picture.” “Tell me about the girls, then. Do they have the most beautiful eyes in the world?” “Ano?” “Every article I’ve read says that about the woman there all the time. Singkit at mapuputi. And do they have killer bodie- “I’m hanging up.” Sabi niya at hindi na inantay na makasagot pa ang kaibigan, bagkos agad na pinagbabaan ng tawag at pinagpatuloy ang ginagawa niya habang sakto namang tumunog ang doorbell at pinagbuksan niya na agad ng pintuan. “The management has approved your favor Sir. Thank you.” “That’s good to hear. Come in. I’m going to rest the whole day. Don’t wake me up until midnight the furthest. Feel free to use everything in here. The television, the fridge and the pool, but let me sleep. You got that boy?” “Yes Sir.” “Good.” Pasalampak niyang ibinato ang sarili sa malambot na kama at napapikit sa sakit ng maramdaman ang matulis at matigas na bagay sa kaniyang hita. Malalim ang hinga nito ng isinilid ang kamay sa bulsa ng suot na shorts at kinuha iyon. Napako ang titig niya sa bato tsaka bagot na ipinikit ang mata. Stupid Stone!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD