MATCHMAKER

2656 Words
Dahan-dahang pinagbuksan ni Ethan ang dalawa niyang mata at agad na hinanap ang kaniyang cellphone para sana ay tignan ang oras habang halata na ang madilim na kalangitan mula sa higanteng bintana sa harap ng kaniyang kama. Napalingon pa siya sa gawing kaliwa ng mapansin ang liwanag na nagmumula ron at nakitang nakabukas ang tv at mahina lamang ang volume. Sa tabi ng counter ay si Sali na nakaupo at tahimik lamang na nanood. Muli naman niyang ginala ang kaniyang paningin at tiningnan ang pool sa balcony at activated na ang night mode kaya’t nagsibukasan ang mga edge lights. “What time is it?” Nabaling naman agad ang atensiyon ni Sali mula sa panonood ng basketball sa orasang nasa counter para malaman ang oras. “11: 32, Sir.” “You really took it seriously when I told you to wake me up not earlier than midnight.” Ani niya at pinikit muna ng panandalian mulil ang kaniyang mga mata habang nakakaramdam pa ng sakit sa ulo pagkatapos ang mahaba habang pahinga na hindi niya pa naranasan sa matagal na panahong naimbak siya sa trabaho at sa opisina na nakakatulog. “It’s already midnight. Have you eaten dinner?” tanong niya sa lalaki habang patayo ito sa kama at direstong naglakad sa ref para ipagkuha ang sarili ng isang lata ng beer. “Yes, Sir. I ate some of the pastries on the fridge.” Nahihiyang tugon naman ni Sali pero ngumisi lamang si ethan habang pinagbubuksan ang sarili nung beer at lumagok mula doon. Kinuha muna niya ang cellphone mula sa bulsa at binuksan ang messages, pero sa lagay niyon, ay mukhang walang trabaho ang nangangailangan ng atensiyon niya. Mukhang sineryoso nga kaniyang kaibigan ang sabi nitong personal muna niyang pamamahalaan ang lahat ng opersayon ng kompanya para mabigyan ito ng magandang bakasyon. Malalim na ang gabi, at madilim na ang karagatan, di na din Makita ang kahit na ano liban sa kumikinang na buwan sa kalangitan, pero hindi iyon sapat upang lumiwanag ang buong karagatan lalo pa’t makulimlim at makapal ang ulap na nagbabadyang umulan. Tanging ang tunog na dinudulot ng hampas ng alon sa dalampasigan ang nakapagbibigay ng senyales na nakalutang sila sa karagatan. Matapos makuntento sa nakitang tanawin ng karagatan, ay pumunta siya kabilang balcony at tiningnan naman ang sitwasyon sa dalampasigan ng isla. Kung gaano kadilim ang karagatan, ay siya namang kinaliwanag ng dalampasigan, salamat sa mga nagtataasang street lights na nakahilera sa gilid ng sidewalk isang metro lamang ang pagitan. May mga food stalls din, at kahit magha-hating gabi na, ay walang kupas ang dami ng taong nagsasaya. May mga sumasayaw, may mga nakaupo lang naman at nagpapakalasing habang masayang nagkwekwentuhan, at syempre, hindi mawawala, ang mga nakatulog na kung saan saan dahil sa kalasingan. Night parties… Napasabi ni Ethan sa kaniyang sarili ng may galak. Maging siya ay hindi mapagkailang paborito niya itong pagkaabalahan pag gabi. Pero dahil nga nasa bakasyon siya, ay wala siyang balak na magparty at gusto lamang namnamin ang katahimikan. Kahit na ganon karami ang tao, ay may bahagi pa rin naman ng dalampasigan ang hindi ganon kadami ang tao. At habang pinagmamasdan ang alon, at ang hampas ng preskong hangin na tumatama sa kaniyang mukha, napagpasiyang niyang lumabas at maglakad-lakad ng may bote ng beer sa kaniyang kamay. “Get up boy, we’re going out.” Awtomatiko namang napatayo si Sali mula sa upuan at bilis-bilis na pinatay ang tv. Isang saglit pa ay nasa labas na siya ng pintuan. Dahan-dahan niyang inilagy ang bakanteng kamay sa bulsa, at mula doon ay binunot ang private card tsaka inabot kay Sali na pinagmasdan lang ito at hindi alam ang gagawin. “Where are we going, Sir?” “I’m walking on the bay. Here, you go eat something for dinner.” Sabi niya sabay bigay ng private card na tinanggap naman ni Sali na nasa malalim na pag-iisip pa rin. Di inaasahang ganon na lamang kadali ang pagtitiwala sa kaniya ng tao para iabot basta ang private card nito. Mauuna na sanang maglakad si Ethan habang naiwang nakatiwangwang si Sali sa may tulay ng may pahabol itong pagpapaalala sa kaniya. “You should be careful, Sir. The waves are giants today, and the weather seemed pretty uneasy. This is the matchmaker’s preferred time to pay a visit to the island. You should avoid walking in the dark.” “I don’t pee on my pants.” Ani nito na may kampante sa sariling hindi siya takot sa gawa gawang kuwento. Kung san siya humuhugot ng lakas ng loob, ay maaring dahil hindi siya naniniwala na totoo ang sinasabi nitong istorya, o dahil sa alak na hawak niya sa kamay. Nauna namang umalis si Sali, at muli niyang ipinasok ang kamay sa bulsa at pinakiramdaman ang bagay sa loob, pagkaraan ay binunot ang bato at pinakatitigan ng mabuti. Who cares if that matchmaker whoever she is gives me a woman. Mabuti na yun at hindi na ako binibisita ni Mama sa opisina para lang sa kasal kasal na yan. Ethan does not believe in a happy marriage. No man loves a single woman his whole life. Yun ang paniniwala niya. I guess that’s what you get after being born in a broken family with a father na paiba iba ng babae bawat buwan hanggang sa napagod na ang Mama niyang ipaglaban ang kanilang pagsasama at nag-aya na ng divorce. He’s been planning to settle down, but that doesn’t mean he was gonna love one woman for the rest of his life. He only needs to find a woman who is willing to be his wife on papers, pero aastang asawa niya at lilimitahan siya sa mga gusto niyang gawin, hell no. Magpapakasal siya para sa kagustuhan ng ina, ngunit tuloy pa rin ang mga Gawain niyang tulad ng dati. As he predicted, he’s turning just like his father as years goes by. Agad niya ng iwinaglit iyon sa isipan at nagpatuloy ng maglakad sa dalampasigan habang umiinom ng bote ng beer at pinakatitigan ang hawak-hawak na bato sa kamay. Aktong itatapon niya na ito sa dagat ng biglang mag ring ang cellphone niya. Ibinalik niya na lamang iyon sa bulsa at sinagot ang tawag ng kaibigang mukhang agad naman siyang na-miss. “What is it this time?” “Hindi ko pa nasasabi ang pakay ko hindi na maganda ang tono ng boses mo ah.” “Hindi mo pa nasasabi ang pakay mo, alam ko na ang dumadaloy diyan sa utak mo.” “So? What’s the score there?” “Nothing special. How’s work?” “Come on, man. Everything’s fine here. Wag mong sabihing natulog ka na naman mula kanina at kagigising mo lang?” “Alam mo naman pala eh, ba’t nagtatanong ka pa.” “You’re boring. Go out! Have some fun! Meet new people!” “Para kang babaeng nag-aadvice. Bading! So what did the owner of the Manor Resort had to say about our proposed project?” “Why would you even think about work at a time like this when you’re in a vacation? Sana pala ako na lang ang nasa bakasyon ngayon at nanatili ka na lang dito. You’re stressing me out, Mr. Dominguez. Aprobadong aprobado ni Mr. Lucero ang construction project. Tapos ang usapan sa trabaho. Anyways, have you found a new chick there? Is it true that they have the most sparkling brown skin and a killer body?” Agad namang napahinto sa paglalakad si Ethan at ipinikit ang mga mata para kumalma ng isang minuto. “Wala ako sa America gago. Nasa China, mapuputi ang mga nakatira don. Mag-aral ka kaya ulit. And besides, i’m on a vacation, Mr. Ajero. Bakasyon at pahinga ang pinunta ko ditto, hindi babae. Kaya pwede ba wag mong sinisingit yang kalibogan mo sa usapan. I did not spent money for a ticket all the way here to find ladies when we have plenty back in town.” “No, no, no, my friend. You don’t get it. Kumabaga sa chocolates, ibang lasa pa rin ang tsokolate ng ibang bansa.” “You know you sound stupid when you talk to woman like they’re of the same worth as chocolates.” “Wow, coming from the mouth of my friend na kinakama na lang ang kung sinong babae tapos hindi na papansinin kinalaunan. Kakarating mo lang diyan, nawala na ang bahid ng pagkalibog mo. Baka sa susunod na araw sabihin mo sakin gusto mo nang maging monghe.” “Ang dami mong dada. How’s our other projects going?” “Everything’s fine. We’ve got another costumer who visited today. Rose’s Restaurant, you remember? They’re building another branch on the next town. They’re giving us the details they wanted for the three-storey restaurant, I’ll have it done to the graphics design team and start printing a business model. As for the Eldi’s book café, everything’s pretty smooth. The construction workers are fast at their jobs, and they’re already piling walls on the third floor. I could estimate the project to end in approximately 2 months. Ethan, my man, are you in there?” Tawag niya sa linya ng kaibigan na bigla namang natahimik habang nakatuon ang buong atensyon sa isang maliit na pigura, hindi kalayuan. Hindi ganoon karami ang tao sa sulok na iyon dahil mabato na ang bahaging iyon ng isla,at mukhang nakatagpo naman ang babae ng perpektong lugar para matulog. Komportable itong nakahiga sa buhangin na pinaglagyan lamang ng isang makapal na tela upang paghigaan. Manipis ang suot nitong damit at kulay puti kaya kita kahit kaunti ang suot nitong panloob. Ang may kataasan naman niyang buhok ay nakalat sa buhangin habang malalim ang kaniyang tulog. Pinakatitigan ni Ethan ang imaheng iyan sa may di kalayuan, limot na may katawag pa itong kaibigan sa kabilang linya ng telepono, habang ang makintab na buhok naman nito ang pumukaw sa kaniyang atensiyon. Sa haba niyon, ay parang ilang taon ay hindi man lang pinaputol. Nakatalikod, kaya hindi niya Makita ang mukha, subalit kahit ganoon ka gusto niyang Makita ang mukha ng dalaga, ay hindi niya magawang humakbang pa ng mas malapit at baka magising ito. “Ethan?! Kinain ka na ba ng mga pating diyan?” Muli namang nabalik ito sa katinuan matapos ang ilang saglit at humakbang palayo sa babae saka umupo sa batohan at ibinalik ang tuon sa kaibigan. “Oh? Ano yun?” “Sang lupalop mo ba ginala ang utak mo? “Wala, may… may naisip lang saglit. Kamusta na nga pala ang ongoing project natin sa Eldi’s book café?” “Nawawala ka na sa katinuan mo, man, magpakonsulta ka na kaya? Kakasabi ko lang na baka in two months time ay matapos na ang construction. Nakakita ka ba ng sirena sa laot at wala kang matinong pag-iisip?” Tumayo muna siya ng saglit at tinignan ang natutulog na babae para siguradohing hindi nga siya nag-iilusyon. Tinutukso na siya ng utak at mata niya kanina lamang habang nasa laot sila ng biglang may tumalon mula sa kuweba, at gusto niya ng makasiguradong totoo nga ang nakikita niya sa pagkakataong iyon. “Hindi sirena, ulol. Kay tanda mo na, naniniwala ka pa diyan? Babae, natutulog.” Ani niya, at sa pangatlong pagkakataon ay tinignang muli ang babae na nanatili sa kaniyang posisyon, habang ang buhok nito ang nakaharap sa kaniya. “Baka naman anong gawin mo diyan, man. Natutulog yan ah, ilibing mo muna yang libog mo at ipagpabukas.” Biro sa kaniya ng kaibigan, pero mukhang hindi iyon ang tamang panahon para magbiro dahil hindi na din siya mapakali habang inubos ang bote ng beer at kinalma ang sarili. “Libog mo mukha mo! Manyak!” Sigaw niya sa speaker bago patyan ng tawag ang kaibigan. ~You should be careful, Sir. The waves are giants today, and the weather seemed pretty uneasy. This is the matchmaker’s preferred time to pay a visit to the island. You should avoid walking in the dark. Ayon na naman ang bulong bulong sa isip niya at naalala ang babala ni Sali. Bigla naman siyang nakaramdam na takot at mas piniling umalis na doon. Bumalik siya sa kaniyang pinaglalakaran at nagtungo sa mga food stalls na nakahilera sa mataong lugar ng isla. Hindi pa man niya nararating ang food stall ay muling nag ring ang cellphone niya, at mukhang wala siyang balak tantanan ni James pero wala namang choice kung hindi sagotin ang tawag na iyon. Ayaw na ayaw ng kaibigan kapag hindi sinasagot ang tawag niya. “Binibiro lang naman kita eh. Ano, maganda ba?” “Hindi ko alam. Naglakad na ako palayo.” “Nang hindi nakukuha ang pangalan ng babae? Bago yan ah. Nagbago ka na talaga, Mr. Valdez. So, mukhang napagpasyahan mo ng magpakalayo sa masamang gawain at bumigay sa libog mo ah. Anong meron? May sakit ka ba? Malapit ka na bang mamatay?” “Naka drugs ka ba? Kakasabi ko nga lang na nasa bakasyon ako, at wala akong balak mangoleksiyon gaya ng pinagsasabi mo. Pahinga, Mr. Ajero. Pahinga, rest. Gusto mo bigay ko pa sayo yung meaning?” “Duda na talaga ako sayo eh. B-bro, hindi ka naman bading diba?” Tanong niya namay nagbabadyang takot sat ono ng pananalita niya kay mas lalong nairita si Ethan at nasigawan na ito. “Nasisiraan ka na ba ng utak?!” Aniya at walang pasintabi ay pinutulan ng tawag saka in-off ang cellphone para hindi na siya matawagan ng nang-iinis na kaibigan. Agad niyang pinasok ang cellphone sa bulsa at naglakad patungong foodstall. “Excuse me?” Aniya at isang babaeng nasa 40s ang kumausap sa kaniya. “What can I do for you, Sir?” “Um, I, I just found someone, a woman, lying on the bay, quite the furthest from here. She looks like she’s sleeping. I figured I might tell it to you, in case, something happens, or no one knows she’s in there. That’s it.” Nagtinginan lamang ang mga staff ng food stall tsaka nag-usap sa isa’t isa sa linggwaheng inakala na lamang niya’y Chinese at inantay lamang bago tinignan siyang muli nung babae. Walang anumang ibinigay na sagot ang babae, bagkos ay inantay ng may lumitaw na babaeng pormal na naglakad patungo sa kanilang gawi at binigyan siya ng maamong tingin. “What seems to be the commotion, if you don’t mind me asking, Sir?” Mukhang naintindihan agad ni Ethan, na baka manager o supervisor ang babae ng isla kaya hindi siya nagdalawang isip na kausapin ito. “I just found a woman sleeping on a very risky part of the shore. I thought I should let you know.” Hindi agad nakasagot ang babae at nag-iba ng tingin habang nag-iisip. Napatingin muna siya sa malakas na alon na humahapas sa dalampasigan, at ang madilim na kalangitan saka ngumiti na parang nakuha ang sagot. “I suggest, you just disregard whatever you saw on the coast. The woman WILL be fine.” The woman knowingly reassured Ethan, as if trying to say something to him sa pamamagitan ng mga titig at mga magalang nitong ngiti, ngunit bigo nitong makuha ang nais na iparating ng babae sa kaniya. “The waves are quiet big, and they’re almost to where she’s sleeping, so, I’m just, a little worried for her safety in case she doesn’t wake up and the sea runs up to her. I’m sure you are as well.” “We are. The safety of every guest that stays on the island is our concern. Thank you for your reminder Sir. But I’m sure your escort must have oriented you on certain occasions like you have encountered by the coast just now. If I may suggest, you refrain from going there. The waves are genormous tonight, and the clouds are thick and dark.” “I don’t think I quiet understand what you meant.” “The matchmaker must have paid a visit.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD