Umiikot ang lovelife ko sa pagbabasa ng libro o pagsusulat ng istorya. Kontento na kong kiligin kapag nakakabasa ng mga scene tulad ng: "He pinned her against the wall and locked her between his arm." At masasabi ko na wala namang espesyal sa buhay ko bukod sa pag-aaral ng mabuti.
"Mil Senikon, babae ka pala? Hala, pano yan. Nalagay namin ang pangalan mo sa listahan ng mga lalaki."
When I heard that announcement from the university I am going to attend to, napaisip ako kung magpapatuloy pa ba ang simple kong buhay na nananahimik. Siyempre pa, maliwanag na 'hindi' ang sagot.
Ilang beses akong napabuntong hininga habang naglalakad sa tabi ng kalsada. Pati 'yong madilim na kalangitan nakikisabay pa sa pagda-drama ko. "Paano ko kaya masasabi kina mama at papa na mga lalaki ang makakasama ko sa boarding house?" pakikipag-usap ko sa sarili.
Actually papunta ako ngayong araw sa lugar kung saan ako mag-a-apply ng part time job. Mayroon pa akong mga natitirang araw bago ako magsimula pumasok bilang college student. Kaya naman naisip ko na humanap ng trabaho para makakuha ng kaunting pocket money. Pero kung tutuusin, sa estado ng pamumuhay namin, hindi ko naman na kailangan pang kumayod ng kumayod dahil mayaman ang mga magulang ko. Sa isang hingi ko lang ng allowance, limpak limpak na salapi ang...
Well, ang exaggerated 'ata pakinggan ng limpak limpak?
In short, mabibigyan nila akong pera sa oras na humingi ako. Kaya lang, nahihiya ako humingi ng extra money kasi ang mahal ng tuition fee na ginastos nila para mapag-aral ako sa gustong unibersidad. Isa pa, gusto kong ma-experience na magtrabaho kahit pa nasanay ako sa pagiging buhay prinsesa sa bahay.
Habang naglalakad, napahinto ako nang may makitang kumpulan ng mga tao sa 'di kalayuan.
"Hala! May artista 'ata dun!" I gasped. Ako naman 'tong usyosera ay dali-daling nakisiksik para malaman kung ano ba ang pinagpipiyestahan ng mga Marites sa paligid.
"Please. Nagmamakaawa ako. Don't be like this, Sharmaine."
"Kim, ano ba?! Bitawan mo ko!"
Akala ko noong una, shooting ng drama ang napapanood ko. Pero dahil walang camera at direktor sa paligid, napagtanto kong ang nakikita ko ay isang madamdaming break up ng mag-jowa. Bihira lang ako makakita ng ganitong kadramahan kaya pinagpatuloy ko ang panonood, habang ang iba naman ay kasalukuyang kumukuha ng video. Malamang ipo-post nila sa f*******: or Youtube ang video. 'Tsk tsk. Kaya nga ba maraming buhay ang nasisira dahil sa social media.'
"Nakakahiya. Tumayo ka na nga dyan!" pakiusap ng babae na pilit pinapatayo ang nakaluhod niyang boyfriend. Infairness, sa malapitan, masasabi kong gwapo 'yung boyfriend niya.
'Bakit niya pa papakawalan ang ganito kagwapong nilalang? Sayang naman oh.'
"Hindi ako tatayo rito hangga't di mo binabawi ang sinabi mo. Please Sharmaine. Don't break up with me," pagmamakaawa ng lalaki.
Ito ang dahilan kung bakit ayokong magkajowa sa totoong buhay. Kahit ilang kilig pa ang ibigay sayo ng taong mahal mo, darating at darating ang panahon na 'yung dating kilig, mapalitan ng masakit na ala-ala. 'Loving can hurts'- ang sabi nga ng sikat na western song.
"Bahala ka!" The woman pushed his hand away. Everyone gasped because the moment she pushed him, the back of her hand accidentally slapped the guy's face.
'OMG!'
Namumutla, bahagyang sinilip ng babae ang mga tao sa paligid. Hiyang hiya niyang tinakpan ang mukha saka sinabing, "Kim. Tapos na tayo okay? Don't ever call me." Pagkatapos, umalis na siya sa scene at iniwan ang kakawang broken hearted ex-boyfie na nakaluhod at nakayuko.
May ilang tao sa paligid na nag-sialisan na, pero 'yong iba patuloy parin sa pagkukuha ng video. 'Ano pa bang hinihintay nila? Umiyak 'yung lalaki para mas maging patok ang video na i-po-post nila? Hay mga tao talaga.'
Mabuti na lamang ay tuluyan ng bumuhos ang ulan. Nagmadali akong kunin ang payong sa loob ng bag at buksan ito. Kusa naring nag-sialisan ang mga usyoserang katulad ko para makahanap ng masisilungan. Hindi naman ako 'yung tipong mahilig mangielam sa buhay ng ibang tao. Pero hindi ako makaalis sa pwesto ko habang tinititigan ang lalaki sa gitna na nakaluhod at nagpapakabasa sa ulan.
'Tutal malapit na ko sa pupuntahan ko, ibigay ko nalang kaya sa kaniya 'to? Na-premyo lang naman ni mama 'yung payong sa Avon.'
Dahan-dahan kong bumalik sa puwesto at nahihiyang nilapitan ang lalaki. Akala ko hindi niya mapapansin na pinayungan ko siya pero umangat siya ng tingin sa oras ma makarating ako sa kaniyang puwesto. Ang una kong napansin ay ang mapupungay at bilugan niyang mga mata. His brows are not thick, not thin but arched up. Nakakahiyang aminin bilang babae, pero mas maganda pa ang kilay niya kaysa sa akin. Matangos ang ilong niya, tipong ready nang ipanghiwa ng sibuyas. Ttapos pa-heart shape ang manipis niya mga labi na may maliit na nunal sa bandang kaliwang itaas ng upper lip nito. Kung sa kulay ng balat, katamtaman siyang kayumanggi. Kahit hindi nakatayo ay alam kong matangkad ito dahil narin sa kahabaan ng kaniyang biyas. This guy is a complete stranger but I can sense that he is kind.
Alam niyo 'yun? 'Yung kahit di mo kilala 'yung tao pero may aura siya na mapapalagay ka ng loob?
'Wag kang mag-alala. Makakahanap karin ng tao na mas deserve mo. So think of this as a book. Isipin mo nasa introduksyon ka palang ng buhay mo.' - iyan ang balak ko sanang sabihin sa kaniya. Kaso...
"N-Namimigay ako ng payong. Sayo na 'to," ang nauutal kong sambit bago ibinigay ang payong sa kamay niya at tumakbo paalis.
May mga bagay talaga na hindi pwedeng gawin sa totoong buhay. Kung sasabihin ko ang mga comfort words na naisip ko, magmumukha lang akong tanga na ginagaya ang mga bida sa telenovela. Well, hindi narin siguro ganoon ka-weird 'yung sinabi ko na namimigay ako ng payong. We won't see each other naman eh.
'We won't see each other?' Iyon ang aking malaking akala. Wala akong kaide-ideya na 'yung broken hearted guy na mami-meet ko sa kalsada ay isa pala sa makakasama ko sa boarding house.