Chapter 3

1476 Words
Sa sobrang gulat ko ay napatayo ako nang mabilis at bahagya akong napaatras. Parang gusto ko na kumaripas ng takbo lalo na sobra na ang kaba ng aking dibdib. Hindi ako makapaniwala na ang taong nasa harapan ko na aking aalagaan na lumpo ay hindi naman talaga totoong lumpo dahil napatayo ito nang ako ay umatras. Pero ang mas nagpapatambol ng husto sa aking dibdib ay ang taong nasa harapan ko. Si Marcus ! Si Marcus na gusto ko nang ibaon sa limot matapos ang apat na taon. Dahil sa kaniya nagbago ang buhay ko, nadamay ang pamilya ko at kabuhayan ng pamilya ko. Ang matagal nang tinatanong at hinahanap sa akin kung saan na ama ng aking anak na si Mickey. Pakiramdam ko ay nanlambot ang aking mga tuhod at biglang nanginig. “I-ikaw?" tanging nasambit ko. Lumapit ito sa akin, nakatitig ang mga matatalim na mga mata na para bang hinihiwa ang buo kong pagkatao. Sa kakaatras ko ay ramdam ko na ang pader sa aking likuran. Pero ang makulit na Marcus naman ay palapit ng palapit sa akin hanggang sa isa o dalawang dangkal nalang ang layo namin sa isat isa. Naamoy ko na rin ang pamilyar na amoy nito kahit apat na taon nang nakalipas. Napakabango pa rin nito tulad noon na nagpawala sa aking katinuan. Nakaramdam ako ng pang iinit sa katawan lalo pa at ramdam ko din pag hinga nito. Kaya napayuko na lamang ako. “Cassey" sambit nito sabay hawak sa aking mukha kaya napatingala ako dito. Halos magdikit ang aming mga ilong dahil sa sobrang lapit ng mukha nito sa akin. “A-ah sir, p-pwede po b-bang lumayo ka ng kunti sa akin" kanda utal kong pagkakasabi. Diko makaya ang sobrang lapit namin sa isat isa. Baka maging marupok ulit ako tulad dati. Sumunod naman ito pero parang kakapiranggot lang na distansiya ang ginawa nito. Ramdam ko pa ang kaniyang hininga. “Im so happy that you finally here" lumambot ang mukha nito habang nakatitig sa akin. Halos manuyo tuloy ang aking lalamunan sa sinabi nito. Dagdag pa na parang sinisipa ng kabayo ang aking dibdib. “Alam mo bang hinanap kita. Matapos mo akong iwan sa lugar na iyon ay halos mabaliw ako kakahanap sayo." mahinahon nitong pagkakasalita. Sinalubong ko ang mga matatalim nitong mata, at ganun nalang gulat ko dahil sa emosyon na nalalarawan sa kaniyang mukha. Para bang sobrang lungkot nito. “Wala naman ako balak magpakita sayo matapos ang ginawa mo sa akin, kaya sana di mo na ako hinahanap." ang kaninang kaba na naramdaman ko ay napalitan ng kunting galit. Ayaw ko magalit ng sobra dito dahil alam ko sa sarili ko ay may mali din ako. Parang bumagsak ang mga balikat nito sa aking sinabe. “Alam kong galit ka. Kaya humihingi ako sayo ng kapatawaran. Please forgive me Cassey. Marami kasi akong iniisip nang panahon na iyon hindi ko na naisip kung nagsasabi ka sa akin ng totoo o hindi, ang alam ko lang ay nasa loob ka ng kwartong iyon . Nagkamali ako. Lasing din ako nun." nakikita ko sa mga mata nito ang pagiging sensiridad. “Nagsisi ka ba sa lagay na yan? Nung malaman mo na ikaw ang nakauna sa akin" alam ko namula ako habang binibitawan ko ang mga salitang iyon. Napabuntong hininga ito . Kaya bago pa ito makasalita ulit ay inunahan ko na. “Hindi ko alam kung nagsasabi ka ng totoo, lalo pa sinabi sa akin ng aking boss ang aking aalagaan ay lumpo. Hindi ka naman lumpo. Mas mukha ka pang mas malakas sa kabayo!" inis na sabi ko dito. “Pasensiya na kung ano man ang dahilan ko para mapalapit ka sakin Cassey. Sinabi ko na sayo matagal na kitang hinahanap. Kaya nung malaman ko na kay Lance ka lang pala nagtatrabaho sana matagal na kitang kinuha sa kaniya, nagmakaawa ako sa kaniya na gumawa siya ng paraan para ikaw na mismo ang lumapit sa akin. Pinilit ko siya." sabay hawak sa aking bewang ang kaniyang kaliwang kamay at ang kanang kamay naman ay masuyong humaplos sa aking ulo. Tama nga si Max, walang kaibigang lumpo ang kuya nito. Pero sa liit ng mundo magkakilala pala silang dalawa ng aking boss at tiyak kilala ito ni Max. “Eh kung tanggihan ko na ngayon ang trabahong ito, pwede na siguro akong makaalis dito." mataray kung tugon. “No! " biglang naging mabangis ang mukha nito. “At baket hindi pwede ? Pumunta ako dito para mag alaga ng lumpo, di ka naman lumpo so anung gagawin ko dito? Tumunganga maghapon?!" singhal ko dito. Akala ata nito ay mapapasindak ako dito, hindi porke gwapo at mayaman ito ay mapapasunod na ako. Nagbago agad ng ang hilatsya ng pagmumukha nito. Naging maamong tupa ulit. “Nakapirma ka na sa kontrata. Kaya hindi ka aalis basta-basta sa pamamahay ko." seryosong sabi nito. Napaawang ang bibig ko. Oo nga kahit maikli lang ang nakalagay sa papel na aking pinirmahan ay lagi dapat ako sumunod sa lahat ng inuutos nito. Bawal tumanggi. Naisahan ako ng tukmol na ito! “Siguro naman natatandaan mo ang nakalagay sa papel na pinirmahan mo" bigla itong ngumisi kaya nangilabot ang aking katawan. “Eh kung ayoko?" angil ko. Nagkibit balikat ito. “Its up to you, kung makakaalis ka dito." “Ang kapal naman ng mukha mo!" akmang hahampasin ko sana ito pero mabilis ang kamay na hinawakan nito ang aking braso. “Easy lang Sweetheart, magiging magaan at maayos ang buhay mo dito sa poder ko hanggat kasama mo ako basta't sumunod ka nalang sa lahat ng sasabihin ko." anito na para bang may pagbabanta. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nito . Pakiramdam ko ay magiging delikado ang buhay ko sa pamamahay nito. “Come Sweetheart, ihahatid kita sa magiging kwarto mo." Hinawakan nito ang braso ko at maingat niya akong hinila. Lumabas kami sa opisina nito at naglakad pakanan. Dito ko lang napansin na sobrang lawak pala ng floor na ito. Nakita ko sa dulong pasilyo ang mas malaking pintuan. Binuksan nito ang pintuan at pinauna niya akong pinasok sa loob. “T-teka mukhang master bedroom ata ito." muli umahon ang aking kaba. “Yes, this is my room. Pinapakita ko lang sayo dahil anytime ay pwede kitang tawagin" Napakunot naman ang aking noo sa tinuran nito. Habang nililibot ng aking mga mata ang karangyaan ng kwartong ito. Sa sobrang laki nito ay parang mas malaki pa ito sa tinutuluyan kong bahay kasama ng aking mga kaibigan. Masyadong dark ang theme ng kaniyang kwarto dahil sa kulay ng pader. Puro Black at gray na may white din naman. Masyadong mysterious ang itsura hindi naman nakakatakot pero mukhang powerful ang datingan. Sabayan pa ng matinding lamig ng aircon. *edi wow!* bulong ko sa sarili . “May sinasabi ka Cassey?" ramdam ko ang hininga nito sa aking batok kaya halos magtayuan ang mga buhok ko sa katawan sa ginawa nito. “W-wala po Sir" “No, don't call me Sir. Just Marcus instead." Kahit hindi ko ito lingunin ay ramdam ko na nakakunot ang noo nito. Bahala siya sa buhay niya! “Anyway, nasa kabila ang kwarto mo kaya let's go." hindi pa din binibitawan ang kamay ko sa malaking kamay nito. Para tuloy kaming mag-jowang magka holding hands. “Pwede wag mo na ako hawakan" papiksi ko sa aking kamay. Hindi naman ito pumayag kundi lalo pa hinigpitan ang maliit kong kamay. “Wag ka nang umangal. Diba alam mo naman na bawal komontra?" parang nang iinis pa nito. Inirapan ko na lamang Ito dahil wala naman ako magawa. Lumabas kami at pumunta sa kabilang kwarto. Binuksan ni Marcus ang silid at tumumbad ang ganda ng loob. Mas maganda ito kumpara sa kwarto ng lalaki. Halos lahat ay white. Napaka gaan at stress free ang itsura ng aking magiging kwarto. Mula sa pader, kurtina at sa aking kama. Lahat ay kulay puti. Kaya bahagya akong napangiti. “Do you like your new room?" tanong nito na aking kinalingon dahil nasa tabi ko na pala siya at nakatitig sa akin. Tiyak nakita niya ang pag ngiti ko. “Opo sir, maganda ang kwarto" ngumiti ako dito. “I told you don't call me Sir." kunot noo nito. “Boss po kita kaya andito ako. Hindi para maging tropa niyo lang." “Whatever" anito na napasimangot. Nakita ko naman ang aking maleta sa tabi ng malaking cabinet. Nilapitan ko Ito at umupo sa kama. “Okay sweetheart take a rest, I'll call you later" lumapit ito sa akin at pumantay sa aking mukha. Mabilis na hinalikan ako sa aking noo at kasing bilis ng kidlat itong lumayo at naglakad palabas ng kwarto. Ako naman ay nabigla sa ginawa nito. Hindi din ako makareklamo dahil sa paglaho nito sa aking harapan. Pakiramdam ko tuloy ay magpapa palpitate ako sa ginawa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD