Chapter 2

1084 Words
Maaga pa lang ay umalis nako sa aking tinutuluyan bitbit ang malaking maleta. Bukod sa aking mga damit ay dala ko din ang ginagamit ko bilang nurse. Mabilis naman ako nakasakay sa taxi papunta sa address na aking pupuntahan. Makalipas ng isang oras at kalahati ay nakarating din ako, pakiramdam ko ay bigla akong kinabahan na di ko mawari. Matapos magbayad sa taxi ay lumabas ako bitbit ang aking maleta. Napatingala ako sa sobrang taas at laki ng gate sa aking unahan. Hindi ko makita ang nasa loob dahil saradong sarado ito wala man lang butas. May nakita akong CCTV sa gilid ng poste. Kaya pumunta ako sa pinakadulong bahagi at para kumatok. Ngunit bago ko pa gawin ay bumukas ito. Niluwa ang isang malaking tao tiyak ito ang kanilang security guard. “Miss Cassandra Ledesma?" tanong nito sa akin. Nabigla ako at ngumiti sa aking kaharap dahil tiyak alam na nito ang pagdating ko. “Goodmorning po, ako nga po" pagpapakilala ko. “Pumasok na po kayo at kanina pa po kayo hinihintay ni boss" Sumunod naman ako at ganun nalang ang paghanga ko sa aking nakikita. Sobrang lawak pala ng lupain nito. Maraming mga puno at halaman. “Sumakay na po kayo Ms. Ledesma para makarating na tayo kay boss." Napalingon ako dito at dun ko lang napansin na may kotseng itim palang nakaparada. Nakita ko din sa kanilang gawi ang malaking guardhouse. At may apat na tao dun na puro malalaki ang mga katawan. Sumunod naman ako dito at sumakay na. Diko maiwasan ang magtanong. “Ah manong, gaano po ba kalayo ang bahay ng aking aalagan?" “Malapit lang po wala pang five minutes ay makakarating na tayo." sagot nito na di lumilingon sakin. Mabilis naman kami nakarating. Nakita ko agad ang malapalasyong tirahan ng aking boss. Sa katunayan first time ko lang makakita ng ganitong bahay na para bang nasa ibang bansa ka nakatira. Pero napapansin ko ganito pala kalaki ang lupain ng bago kong amo. Sabagay kaibigan ito ni Doc Lance na isang sikat na bilyonaryo. Minsan na rin kami napasyal sa bahay nila Max dito sa Maynila maganda din ang bahay nito pero hindi lang isa ang bahay ng mga ito dahil may tatlo pa silang mga bahay at ang isa ay malapalasyo rin. Merun din daw silang dalawang bahay sa labas ng bansa. Ganun din si Lily, nung minsan dun kami nag-celebarte ng kaniyang birthday sa kanilang mansion. Matapos makababa ay tinulungan pa ako ni manong guard buhatin ang aking maleta. Lumabas naman sa pinakamalaking pintuan ang isang nakangiting may edad na babae. “Maganda umaga! Mabuti naman nakarating kana hija" magiliw nitong bungad. “Magandang umaga din po ma'am " nakangiting sagot ko din dito habang papalit sa gawi nito. “Tawagin mo na lamang akong Nanay Lourdes. Ako ang mayordona sa mansyon na ito." “A-ah okay po Nanay Lourdes." nahihiya kung sagot. Akala ko ito ang lola ng aking aalagaang lumpo. “Cardo, pahatid na ang gamit ni Ms. Ledesma sa kaniyang silid" utos nito kay manong guard. Agad naman itong tumalina. “Ikaw ba'y nag almusal na hija" baling sa akin . “Opo, tapos na po ako kumain bago ako umalis." sagot ko. “Oh siya sige. Halika kana at sumunod sa akin tiyak kanina kapa hinihintay ni Sir" anito na tumalikod na. Ako naman ay napaisip dahil sa sinabi ni Nanay Lourdes na Sir. So it means lalaki ang aking among aalagaan. At isa siyang lumpo. “Ah nanay Lourdes, matanong ko lang po kung anu po ang pangalan ng magiging amo ko po" magalang kong sagot habang naglalakad kami patapat sa isang pintuan. Pero nagulat ako dahil hindi ito basta bastang pintuan dahil nung bumukas ito ay elavator pala ito . Grabe pala kayaman ang amo kung lumpo. “Ang pangalan ng ating amo Ms.Ledesma-" putol ko sasabihin ng matanda. “Cassey nalang po nanay Lourdes" Ngumiti ito sa akin. “Okay Cassey, ang pangalan ng amo natin ay Marcus Miguel Light." sabi nito habang pasakay na kami sa elevator. * Marcus Miguel Light pala ang pangalan ng aalagaan ko* “Ah nanay, ilang taon na po siyang lumpo?" tanong ko ulit habang paakyat ang sakay naming elavator. Lumingon ito sa akin na may pagtataka. “Lumpo? Wala namang lumpo dito" nakakunot ang noo nitong sagot. Ako naman ay nabigla. Sabi ko na nga parang may mali. “Ang sabi po kasi ng boss ko sa pinapasukan kung ospital ay lumpo daw po ang aking aalagaan" Biglang humalakhak si nanay Lourdes na lalo kung ipinagtaka. “Baket po kayo tumatawa nanay Lourdes may nakakatawa po ba sa sinabi ko?" “Oo hija nakakatawa naman talaga." biglang bukas ng elavator at niyaya na ako lumabas. Nauna na ito pumunta sa harap ng pintuan at kumatok. “Sir Marcus andito na po siya" Wala naman sumagot mula sa loob. “Pumasok kana Cassey at iiwan na kita" nakangiti nitong sabi sa akin at pumasok na ulit sa elevator. Ako naman ay kinakabahan, pakiramdam ko kasi ay parang may mali talaga. Bagamat hindi naman nakakatakot ang lugar na ito at mukha naman mababait ang mga tao dito. Huminga ako ng malalim. “Kaya ko to!" bulong ko sa sarili. Kumatok muna ako habang hawak ang doorknob. “Sir?" “Come in!" baritonong boses nito. Kinakabahan man ay binuksan ko ang pintuan at pumasok. Ramdam ko ang lamig sa loob ng kwartong ito. Sabayan pa ng madilim na sa kapaligiran. Ang aga aga naman pero sobrang dilim. Alam ko na office nito ang kwarto dahil na rin sa malaking table nito at maraming mga papel na nakapatong. Kahit madilim ay nakikita ko naman dahil sa mga ilaw sa mga sulok, para ding library ang lugar na ito sa dami ng mga libro naka display. “Have a sit" Ako naman ay marahan na naupo kahit kinakabahan. Hindi ko siya makita dahil may nakaharang na malaking monitor sa harapan nito at sa gilid nito ay ang kaniyang loptop . Maya maya pa ay pumalakpak ito ng tatlong beses at sabay sabay na nagliwanag ang buong paligid. Ako naman ay nagulat dahil sa palakpak nito ay nagkailaw. Napaka high-tech naman pala dito. Pinaikot ko ang mga mata ko dahil sa kagandahan ng silid na ito. Sobrang linis at napaka organize ng mga kagamitan. Tumikhim ito kaya napatingin ako dito. Halos lumuwa ang aking mga mata sa pagkagulat kung sino ang nasa aking harapan. Si Marcus! “How are you Ms.Cassandra Ledesma" nakatitig nitong salita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD