“Nurse Cassandra Ledesma !" malakas na sigaw ng aming head nurse kaya napahinto ako sa ginagawa ko. Kakatapos ko lang mag-ikot sa mga pasyente at kakabalik ko lang sa area ko.
“Mam b-baket po?" kinakabahan na lumapit ako dito. Maski ang iba kung kasamahan ay napalingon sa gawi ko.
Baka may isang pasyente na nagreklamo kaya ganun nalang ang sigaw ng head namin.
“Go to the office now our boss wants to talk to you right now! "
Mas lalong nagtambulan ang dibdib ko. Dahil sa unang pagkakataon simula nang makapasok ako sa malaking ospital na ito ay ngayon lang ako pinatawag ng aming boss. Kahit pa kapatid ito ng aking kaibigan na si Max, ay di naman kami ganun ka-close.
“May nagrereklamo po ba sakin?" tanong ko dito.
“Hindi ko alam kaya puntahan mo na para malaman mo" nagkibit balikat ito at tinalikuran na ako.
“Uy frenny! kaya mo yan balitaan mo kami ahh" biglang tabi ni kevin sakin, bakla ito at ka-close ko.
“S-sige punta nako"
Agad na ako pumunta sa elevator at pinindot ang pinakamataas na palapag dahil andun ang pinaka opisina ni boss Lance. Nang makarating ay tinawag ko ang secretary ni boss na nakaupo sa office nito.
“This way Ms. Ledesma" agad itong kumatok at binuksan ang pintuan. Parang alam na nito na ako ang pupunta.
“Pumasok na po kayo"
“Salamat" ngumiti ako dito.
“Good afternoon po Doctor Lance" magalang kong pagkakasabi agad naman itong napatingin sa gawi ko habang busy sa harap ng laptop nito.
“Maupo ka nurse Ledesma"
Agad naman akong naupo at medyo kabado pa rin.
“Wala ng paligoy-ligoy pa nurse Ledesma, pinatawag kita dahil nagustuhan ko ang performance mo dito sa ospital ko."
Hindi ko inaasahan na ganito ang sasabihin sakin akala ko ay papagilatan ako. Parang gusto tuloy pumalakpak ng dalawang tenga ko.
“Maraming salamat po Doc Lance" masaya akong nagpasalamat.
“Dahil sa pinakita mo ay ikaw ang aking napili bilang private nurse ng aking kaibigan."
Napatda ako sa sinabi ng aking boss.
“Private nurse po?"
“Yup!"
“Pero anu po ba ang sakit niya?"
Tinitigan muna ako ng aking boss parang nag iisip ng sasabihin dahil napahawak pa ito sa kaniyang baba.
“Mmm isa siyang lumpo. Tama isa siyang lumpo. Ang gagawin mo lang ay alagaan mo siya hanggang sa gumaling siya"
Napakunot ang aking noo sa sinabi ng aking boss.
“Ah Doc Lance, bakit po ako ang inyong napili? Marami naman po kami dun at bihasa pa ang iba" malumanay ko pang pagkakasabi. Pakiramdam ko kasi parang may mali.
“Sinabi ko na nga ikaw na ang napili ko, huwag kang mag-alala nurse Ledesma dahil tiyak magugustuhan mo ang sasahurin mo"
“Magkano po Doc Lance?" diko mapigilan magtanong lalo na kung pera na ang usapan.
“One hundred thousand pesos sa isang buwan." diretsong tingin nito sakin.
Napanganga naman ako sa aking narinig. Dahil sa isang daang libong piso sa isang buwan ay napakagandang opportunity naman talaga ito. Kahit nurse ako ay hindi ako makakakuha ng ganung kalaking halaga. Saktong sakto ito para sa aking pamilya.
“Sige po Doc Lance . Kelan na po ba ako magsisimula?" abot tenga ang pagkakangiti ko. Hindi naman masyadong excited .
“You can start tomorrow" napangisi rin ito sakin.
“Okay po sir."
“Before that, kelangan mo muna itong pirmahan para sa iyong kontrata. " inabot naman sa akin ang papel . Ang nakasulat lang naman ay lahat ng pinag uutos ng aking amo ay aking sundin. Bawal komontra. Bawal akong mag-day off hanggat wala pang isang buwan.
“Ah Doc Lance ganito lang po kaikli ang nakasulat dito?" takang tanong ko.
“Yes, kaya pirmahan mo na. And take note wag mo akong pahiyain at ospital ko ang nakasalalay dito." maotoridad nitong pahayag.
“Wala pong problema Doc. Lance makakaasa po kayo." agad ko kinuha ang ballpen at nilagdaan ang kontrata.
“You can go now and pack your things for tomorrow." parang nag-aapura nitong pagtataboy sa akin.
“Sige po Doc Lance , marami pong salamat " ani ko at tumalikod para lumabas.
~~~~~~~~~
Nang makauwi ako ay sakto namang kompleto kami ngayong anim sa loob ng bahay. Si Max , Akeera , Lily , Gail at Honey. Sabay sabay narin kaming naghapunan.
“Tara shot muna !" si Lily na naglabas ng malaking beer at baso. Kasunod naman nito si Akeera na may hawak na malalaking chichirya.
“Mukhang may problema ka ata Lily" si Max na magaling mag psycho.
“Tsk! Bwisit kasing lalaki yun pinahamak ako!" palatak nito habang sumama ang mukha.
“Baket anu ba nangyare?" tanong ni Gail.
Patawa-tawa naman itong si Akeera kaya lalo nalukot ang mukha ni Lily.
“May isang manyak kaming costumer panay kindat sakin. Ayun nakatikim ng kamao ko. Ang animal nagsumbong sa boss namin, yun pala ay magkakilala sila. Abah parang ako pa ang naging masama!" nanggigil nitong pagkakasabi.
“Anu sabi ng boss mo?" tanong ko.
“Makipag usap daw ako ng maayos at humingi ng sorry sa kaniya. Anu tingin niya sakin nasisiraan na?! Natural hindi kaya pinilit sakin pirmahan ang isang papel. Animal kanina ko lang nalaman na ang nakalagay sa papel na yun ay di makatarungan!" Nagmumula sa galit si Lily. Ibang klase pa naman ito magalit at palaban.
“Anu nga" sabat ni honey.
“Gagawin niya akong maid ng tatlong buwan at sasahod ako ng isang Milyon!"
“Ayy wow! bongga naman pala yan!"
“Sobrang yaman naman pala niyan!"
“Tinanggihan mo ba?" si Max.
“Kapag daw tinanggihan ko ay magbabayad ako ng five million" napapadyak pa ito sa sahig sa sobrang frustration.
Napatingin naman kami kay Akeera na tawang tawa.
“Sabi ko nga sa kaniya grab na niya yun, kung ako nga yun ay liparin ko na agad ang bahay nun nang makapagsimula na." si Akeera na malawalak ang ngisi.
Sinamaan lang siya ng tingin ni Lily.
“Kayanin mo nalang ang tatlong buwan, kesa magbayad ka ng five million baka itakwil ka ng tuluyan ng magulang mo" komento ni Max .
“Kayang-kaya ko bayaran yang limang milyon na yan kaso baka atakihin na sa konsomisyon si Daddy. Tama na yung nalaman nilang nag trabaho ako sa bar dati at on the spot pa akong nakita ni kumag" palatak nito na ang tinutukoy na kumag ay ang kakambal nito na kasamahan ni Max sa NBI.
“Kelan ka magsisimula?"
“Baka sa makalawa na, uuwi muna ako bukas sa bahay." parang malungkot na sabi ni Lily.
“Iinom nalang natin iyan!" sabi ko at tinaas ang baso.
“Cheers!" sabay sabay namin.
“Ako naman bukas ay aalis ako" sabi ko na ikinalingon nilang lahat sakin.
“Uuwi ka ng probinsiya?" si Akeera.
“Kinuha akong private nurse ni Doc Lance sa kaniyang kaibigang lumpo" sabi ko na ikinatikwas ng mga kilay ng mga kasama ko.
“Si kuya talaga nag rekomenda sayo?" takang tanong ni Max.
“Si Lance ko ba?" kumikislap na mga matang sabi ni Gail. Alam naming lahat kung gaano ito kahibang sa aking boss na kapatid ni Max.
“Oo malaking offer naman kaya grab ko na syempre. Kaya bukas ay magsisimula na ako.
“Anung pangalan ng magiging boss mo Cassey?" tanong ulit ni Max na kinagulat ko. Dahil maski ako ay hindi ko rin alam.
“Hindi ko pa alam. Hindi ko nga alam kung babae o lalaki yun o kung ilang taon na" napangiwi ako sa aking sinabi.
“Kilala ko lahat ng kaibigan ni kuya Lance, kaya nakakapag taka kung sinong lumpo ay wala naman akong kilalang lumpo sa kanila." napapaisip nitong sabi.
“Hayaan nalang natin yan , importante mag inuman na dahil bukas wala na!" malakas na sabi ni Akeera na kinatawa naming lahat .
Masaya kaming nagku-kwentuhan at tawanan. Pagkatapos ng ilang oras ay nagpasiya na kaming magpahinga lalo pa at marami kaming gagawin kinabukasan.