Chapter 4

1475 Words
Imbes na magpahinga ay inayos ko na lamang ang aking mga damit at inilagay sa dressing room. Ang iba ko naman na kagamitan ay pinatong ko sa side table. Hindi ko alam kung magagamit ko ba ang pagiging nurse ko sa pamamahay na ito kung wala naman akong aalagaan. Nakalimutan ko rin itanong kung anong silbi ko dito sa mansyon ni Marcus. Nagbihis na lamang ako at suot ang malaking black t-shirt at jogger na gray. Lumabas ako ng kwarto at ang katahimikan ang bumungad sa akin. Nagdesisyon akong bumaba gamit ang hagdan at hindi ang elavator. Nakakahiya naman kasi. Nang makababa ay nililibot ng aking mga mata ang lawak ng buong kabahayan. Sobra talagang nakakahanga, Pakiramdam ko tuloy ay nasa ibang bansa ako. Sobrang dami ding mga paintings na nakasabit. Hindi ako mahilig sa mga paintings pero ngayon ay parang nagugustuhan ko na. Alam ko din na hindi basta bastang presyo ang bawat isa. Maski ang mga mamahaling mga jar na mga antigo pa, para bang nakakatakot hawakan at baka kulang pa ang buong pagkatao ko sa kabayaran once na may masira. Kaya masaya na lamang ako na tignan ang mga ito. Sa kakalakad ko ay di ko na alam kung saan ako papunta. Maliligaw ata ako sa laki ng bahay ni Marcus. “Cassey, nagugutom kana ba hija?" si nanay Lourdes na biglang sulpot. “Ah nanay mabuti andiyan po kayo diko na kasi alam kung saan ako papunta at naliligaw na po ako" alanganin ko. Tumawa ito sa akin. “Masasanay ka rin hija, halika na sa kusina" hinila ako ni nanay at naglakad papunta sa kusina. Mas lalo ako namangha sa laki at lawak ng buong kusina. “Sobrang laki naman pala dito nanay, parang pwede na dito manirahan" “Palabiro ka rin pala Cassey, oh siya anu gusto mo kainin" “Busog pa naman po ako, iinum na lamang po ako ng juice" “Sige kung iyan ang gusto mo" akmang pupunta ito sa refrigerator nang pigilan ko. “Ako na po nanay, nakakahiya naman po kung kayo pa" hinayaan na lamang ako ni nanay. Lumapit ako sa tatlong malalaking refrigerator at namangha, nakakita na ako nang ganitong itsura sa pinapanood ko na mga Korean drama. Isa ito sa mga pangarap ni Candy na aking nakakabatang kapatid. “Ah nanay san po nakalagay ang juice?" tanong ko nang mapagbuksan ang malaking ref na puro gulay prutas ang laman at ibat ibang klase ng garapon ang nakalagay na puro may mga laman. Sobrang puno at nakasalanlan ng maayos tulad sa napapanood ko na mga viral videos sa t****k. “Nasa pangalawang ref hija, kumuha ka nalang ng gusto mo. Marami kasing stocks ang ref kaya tatlo andito. Ayaw ni Sir nang walang laman gusto lagi ay puno" anito na tumalikod at lumabas. Naiwan naman ako kung kaya binuksan ko ang pangalawang ref, at bumungad sa akin ang puno ng mga ibat ibang klase ng pagkain. Sobrang ayos nang pagkaka display ng bawat juices , merun ding mga softdrinks at marami pang mga matatamis na pagkain. Parang gusto ko maglaway sa nakikita ko. Sa pinapanood ko lamang ito nakikita pero ngayon ay nakaka amazed sa mga mata, Parang gusto ko na tuloy manirahan sa loob refrigerator. Kumuha ako ng pineapple juice at sinarado ko na ang magandang refrigerator. Habang umiinom ay natukso naman ako buksan ang pangatlong ref. Bumungad naman sa akin ang sobrang daming mga laman na puro karne, mga isda at ibat ibang klase ng sea foods. “Wow grabe naman talaga sana all" bulong ko at sinarado na ito. Halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita sa aking likuran habang hawak ang iniinom ko na juice. “Are you hungry what do you like to eat?" si Marcus na seryoso ang mukha. Hindi ko alam kung galit ba ito dahil seryoso ang mukha o dahil tinitigan ko ang laman ng ref nito. “A-ah hindi nauhaw lang ako." sabi ko na biglang nahiya. “No, just wait and I'll call my chef" sabi nito sabay kuha ng cellphone sa kaniyang bulsa. Agad tinawagan ang chef na tinutukoy nito at mabilis na pinatay ang tawag. “Maghintay ka muna sa sala at manood" sabi nito sabay lapit sa akin at agad hinawakan ang aking kaliwang braso. Bago kami makalabas ay nasalubong namin si nanay Lourdes at ang lalaking mukhang nasa 50's na. “Pakitawag nalang kami kapag kakain na" si Marcus na kung makautos ay parang hari. Sabagay siya ang boss kaya feeling hari talaga. “Okay po sir Marcus" magalang na sagot ni nanay Lourdes. Kami naman ay dire-diretso pumunta sa napakalaki nitong sala. Nakakalula talaga ang laki nang bahay na ito. Paano kaya sila maglinis ng ganito kalaki, may nakita akong ilang mga kasambahay na madalas ay nakayuko. Hindi rin sila masyado palakibo at parang mga iwas ito kay Marcus. Siguradong masama ang ugali nito kaya takot sa kaniya. Pinaupo ako nito sa tabi niya ngunit ang ginawa ko ay sa kabilang dulo ako umupo. Ayoko mapalapit dito dahil pakiramdam ko anu mang oras ay lalapain ako nito. Kaya iniinom ko nalang ulit ang hawak ko na juice. Tumingin ito sa akin nang matalim habang nakakunot noo. “Bat ka lumayo?" tanong nito na sumimangot. “Gusto ko dito Sir" sagot ko. Bwisit na ito nagtanong pa. “Tsk!" Kinuha nito ang remote control at binuksan ang malaking TV, para kaming nasa sinehan tuloy. Naghanap ito ng magandang movie. “Gusto mo ba ang mga ganitong scene?" tanong nito sa akin. Pang action thriller kasi ang pinili nito. “Okay na po yan, mahilig naman po ako manood ng mga ganiyan" “Can you drop the word ‘po'? I'm not that old" ito na naman siya umaatake. “Boss po kita natural lang iyon" sagot ko. “No! never use that word again to me" demanding nito. “Okay p--" nabitin ang sasabihin ko nang makita ko na lumukot ang mukha nito. Umiling na lamang ito sa akin. Ako naman ay tinuon na lamang ang pansin sa harap ng TV. Ayoko na magsalita at baka barahin ko na ito. Habang tahimik kaming dalawa na nanood ay biglang may nag vibrate sa aking bulsa. Mabuti na lamang at naka vibrate nakakahiya maingayan sa loob ng bahay nito. Kinuha ko ang cellphone ko at ganun na lamang ang gulat ko nang makitang tumatawag si Candy. Tiyak hindi ang kapatid ko ang tumatawag kundi ang anak ko na si Mickey. Marunong na kasi ito magkalikot ng cellphone kahit isang beses Lang turuan. Ayaw ko sana itong sagutin dahil pakiramdam ko di ako makahinga lalo na sa prisensya ng kasama ko dito. Namatay ang tawag, pero muli ay nag-ring na naman. Nako ang makulit ko na anak ay hindi pa naman titigil sa kakatawag yun hanggat di ko nasasagot. “You can answer your call" si Marcus na kanina pa nakatingin sa kaniya. “A-ah sige po sir" akmang tatayo na ako nang magsalita ulit ito. “You can answer that here, I won't mind" seryoso ang mukha nito. Ako na halos takasan ng kulay sa sinabi nito. “Hindi po Sir" alanganin ko. “Then why? Urgent ba Yan o may tinatago ka lang?" sabi nito na halos magpantay na ang dalawang kilay. Sumeryoso ako, wala itong paki kung sino ang tumatawag sa akin. Lalo na sa personal kong buhay. Ayoko malaman nito ang tungkol sa aking anak. “Its urgent" sabi ko at tumayo na nang tuluyan. Mabilis akong naglakad palayo at sinagot ang tawag. “Mommy!" malambing na boses ng aking anak. “Baby ko, baket ka napatawag? Diba sabi ko sayo ako ang tatawag, busy pa si Mommy" “I call you because I missed you Mommy" ang puso ko naman ay natunaw. “I miss you din baby ko" narinig ko pa itong humagikhik. “Saan na si tita Candy mo?" “She is cooking right now" “Si Lola at Lolo andiyan ba?" “No, alis sila punta farm Mommy" “Okay, nag behave ka ba kay tita?" “Yes po Mommy, behave ako po kasi tita said punta kami koleyah, punta kami Oppa" sabi nito na bulol pa. Mukhang nauto na naman ito nang aking kapatid na adik sa mga K-pop at kdrama. “Very good baby! Oh sige na busy pa si Mommy, I'll call you tonight okay? “Okay Mommy, I love you muwahh muwahh" rinig ko pa ang tunog ng kiss nito na aking kinatawa. “I love you too my Baby, muwahh muwahh!" sagot ko at pinatay na ang tawag. Nang mapaharap ako ay halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko ang bulto ng katawan na walang iba kundi si Marcus. “May baby ka na pala?" tanong nito na seryoso at madilim ang mukha. Ang mga mata nito ay nanlilisik na halos hiwain ang buo kong pagkatao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD