
Alam mo ba? Nais kong muling ika'y
Makasama
Mayakap
Mahagkan at
Mahalikan
Lahat ng bagay na ating nakasanayan
Nais kong muling maranasan..
Kung may gusto man akong ulitin at balikan,
Walang iba kundi ikaw at ako, tayong dalawa.
Kung ikaw ang magiging mali sa buhay ko,
Ikaw ang maling hinding hindi ko pagsisisihan.
Mahal na mahal pa rin kita,
Kahit alam kong hindi tama.
Ang tanging hiling ko,
Ikaw at ako pa rin hanggang dulo.
