Art Apollo's P.O.V
Nakapag-usap naman kami nila James at Roy. At ipaliwanag naman ng dalawa ang dahilan kung bakit sila nainis sakin.
"Fine. I'll apologise to her, soon," ani ko.
"At kailan pa iyang soon na nalalaman mo Art?" tanong ni Roy.
"Next week. Okay na?" napipikon kong tanong.
"Labag ba sa kalooban mo, pre?" tanong ni Roy na nagkamot ng baba.
"Look, hindi lang naman ako ang nakasakit ah," reklamo ko.
"She as well hurt my ego," at doon na humagalpak ng tawa ang dalawa. WTF! Anong nakakatawa sa sinabi ko?
"You admitted. Like f**k did she hurt your ego?" pang-iinis ni Roy. Nakakapikon ang loko pero sige ako na muna magpakumbaba at pag talaga inangasan ako ulit ng babaeng iyon makakatikim talaga siya. Nang matapos ang usapan namin na iyon nila Roy ay agad na nagpunta ng cr si James. Mabuti at ayos na kami ng mga loko.
Okay lang naman na sabihin kay Roy ang nakita ko kanina,eh. Basta pagdating sa ganitong usapan kami ni Roy ang nagkakaintindihan. Si James din naman kaso puro payo pagkatapos ng kwento akala mong nangyari na lahat sa kanya. At masasabi kong pinaka mature sya sa aming tatlo.
"Pre ano kasi..." baling ko sa kanya habang nakasandal kaming pareho malapit sa hagdan, sya nasa kanan at ako sa kabilang hawakan ng hagdan.
"Ano na namang kabaklaan ang chismis mo, pre?" tawa nito. Ganito lang kami tampo ng saglit tapos okay na din. Pero nakakapanibago na tumagal ng halos isa't kalahating araw tampuhan naming tatlo dahil sa transferee na iyon. Enough of her!
"Nak ng binabasag mo ko ehh," asik ko. Agad akong lumapit sa tabi nito.
"I'll tell you mamaya pagkatapos ng klase," dagdag ko. Biglang sumama ang tingin nito sakin.
"Pakinig na pakinig na yung tao ohh..." reklamo nito.
Mabilis na lumipas ang oras at ang huling klase namin ay Filipino. Napakasungit pa naman din ng teacher namin doon na si Ms. Luna. Nang mag ring ang bell agad kaming pumasok na tatlo at ang Zoey prenteng nakaupo sa upuan ko katabi ng transferee. Sarap dukutin ng mata eh laging nakairap!
"Baka pwede na akong maupo?" sarkastiko kong tanong.
"Pss.. may nalalaman ka pang hinahon na tanong. If I know malapit ka ng sumigaw," ani nito at padabog na tumayo. Nakatingin lang sa amin ang transferee. Manhid ba talaga siya? Ni wala atang pakialam sa kaibigan.
"Bye Raven ingat ka dyan, huh..." ani nito sabay tingin sakin. Nagmadali itong pumunta sa upuan niya at tumabi doon kay James. Wow! As in sakin talaga mag-iingat? Baka ako kamo mag-ingat sa kaibigan niya at maraming manghihinayang pag nagkabangas na naman ang gwapo kong mukha. Huh akala niya.
Nang kulbitin ko si Roy ay napadikit ang kamay ko sa braso ng transferee na nakapatong sa mismong armrest nito. Bakit ba naman kasi sa pagitan talaga namin pinaupo ang siraulo. Napatingin ako sa kanya na nagtaas ng kilay sakin dahilan para mabilis kong iangat ang braso ko. Sungit! Akala mo namang... Okay inaamin ko kutis porcelana ang transferee na mayabang. Mahahaba ang mga daliri na namula-mula pa ang balat. Nag-init bigla ang mukha ko. Isinandal nito ang katawan sa upuan at pagkuway nag stretching pa. Gg! Akala mong lalaki kung kumilos. Paglingon ko kay Roy ay tutok ang mga mata nito sa transferee. f**k! May gusto ata si Roy sa kanya? Huwag naman...
At bakit, parang nadismaya ako kung katotohanan man na may gusto ito sa transferee?
Gulat na gulat ako ng pumalakpak sa harapan ko ang transferee. Siraulo ba talaga ito?
"Kanina ka pa tinatawag ni Ms. Luna," nakataas ang kilay na sabi nito. Seriously? Di ko manlang namalayan na dumating na pala si Ms. Luna. Ano ba namang kasing iniisip mo Art?
"Tsk..." dinig kong ani nito. Kasalanan mo ito, hoy! Kung bakit ba naman kasi napaka weird kumilos.?! WTF! Pinilit kong ituon ang atensyon kay Ms. Luna at nagtagumpay naman ako. Ngunit kada mag-recite ito ay napupunta ang tingin ko sa kanya at mabilis ding inaalis iyon.
•••
Dominique Raven Ellsworth's P.O.V
Ang kumag na katabi ko mukhang wala sa sarili. Ni hindi namalayan pagdating ni Ms. Luna at nung tinatawag na ito para sa attendance di man lang naingli na sumagot.
"Kanina ka pa tinatawag ni Ms. Luna," pumalakpak talaga ako sa mismong harap niya. HAHAHA! Agad ko siyang tinaasan ng kilay. At himala di talaga nagsalita o di ako sinigawan.
Sa buong oras namin sa klase ni Ms. eh di ko manlang marinig na magsalita.
Kanina bago mag-umpisa ang klase namin kay Ms. Luna, kinulbit ng siraulo ang tropa niyang si Roy. Napadikit ang braso niya sa kamay ko na nakapatong sa armrest kaya agad akong nagtaas ng kilay. At mukhang gulat na gulat ang siraulo at mabilis iyong inaalis. Tumitingin-tingin pa ang siraulo sakin. Lakas mag imagine. Tsk... ang engot iniisip na naman akong kabit for sure.
•••
Flashback
Pagpasok ni Philip ay gulat na gulat si Zoey na para bang nakakita ito ng patay na bumangon. Lumingon pa talaga sakin ang luka. Nakabati na kaming lahat ni hindi man lamang naisip tumayo. Hindi pa nahiya ang luka at talagang pinuntahan ako sa upuan.
"Bakit di mo sinabi sakin Raven na nandito si Philip?" may paghirit talaga ang luka. Daig pang kinikilig ng Zoey na ito ehh. At mga kaklase namin ayon nakatingin lang naman sa amin. Lakas kasi ng loob ni Zoey na puntahan pa ako eh nasa harap ang teacher na iyon.
"Oh tinitingin niyo dyan? Pss... mga chismosa't chismoso. FYI iba ang sinasabi kong Philip, at mas lalong hindi ang teacher natin," pagtataray niya kina Jade. Talaga itong babae na ito naghahanap talaga ata ng away. Hays... mali na yata talaga ang pag-uwi ko ng Pilipinas at paglipat dito eh.
"Go back to your seat, Zoey," utos ng teacher. Tsk... Sumungit na ata. Pati ba naman teacher na ito eh nakukuha niyang irapan. Siraulo talaga kahit kailan. Naiilang ako kada tingin niya sakin eh.
Ang topic namin is about cells, actually nabasa ko na iyon eh. Pagdating sa Science active naman ang isip ko eh pero madalas puro kalokohan pumapasok sa isip ko lalo pag naiinis na ako.
"Ms. Zoey Grace Martinez give at least three functions of cells," bakit naman si Zoey agad pinag-recite nito eh mukha pa namang na shocked iyan na siya ang teacher?
"Ha Si-Sir?" nauutal pa nitong tanong bago tumayo. Ang ang ugok na Art na ito iniisip yata na di makakasagot si Zoey. Akala mo lang!
"Any ideas about functions of cell? I thought you'd discussed this before," sabi nito agad kay Zoey. Napabulong nalang tuloy ako sa hangin,'don't be little her.'
"Ah-ahm...A living thing must maintain homeostasis, or keep its internal environment the same regardless of outside changes. Then, a living thing must grow and develop across its lifespan. Lastly, a living thing must be able to reproduce, or make copies of itself," sagot niya agad.
"But, we have seven functions of cell in all," dagdag pa nito. Iyan si Zoey kunwari walang alam.
"Who's Mr. Ramos?" tanong nitong nakatingin sa hawak niyang folder. Ang siraulo di ata makapaniwala na di siya kilala ng teacher na iyon.
"Give another two functions of cell," sabi nito.
"Sir ah... A-ano... A living thing must have metabolism and a living thing must be made of cells," nautal pa ito bago sumagot .
"Mr. Bryan Santiago, another two functions of cell," agad din naman 'tong tumayo at may pagtingin pa sa gawi ko.
Tiningnan naman agad ng Art na iyon si Bryan. Tsk... bakla.
"A living thing must respond to changes in its environment and a living thing must pass on traits to its offspring," ang bilis niya sumagot.
"Okay, so now, let's proceed, " ani niya sa amin.
"Ms. Drae Rowans, what are the differences between Prokaryotic and Eukaryotic cells?" hindi agad ako nakapagsalita. Bakit naman kasi Drae pa din ang tawag sakin eh? Naiinis na ako.
"A-a... Ano...ah," nauutal pa akong nagsalita. At bakit naman ako kinakabahan mag recite sa klase niya? Tsk...
"So can you explain it to us?" tanong ulit nito sa akin. Naiilang ako kung paano niya akong tingnan.
"Ay... ahm...of course."
"Prokaryotic cells do not contain a nucleus or any other membrane-bound organelle. Prokaryotes include two groups: bacteria and another group called archaea. An example of prokaryotes are bacteria," sagot ko.
"While, eukaryotic cells contain membrane-bound organelles, including a nucleus. Eukaryotes can be single-celled or multi-celled, such as you, me, plants, fungi, and insects. Our cells are main example of eukaryotic," dagdag ko pa at agad din akong nagpaalam mag-cr.
Pagbalik ko ay tuloy-tuloy pa din ang discussion. Tsk... time na nagkaklase pa din. Bigla namang sumabat si Jade sa gitna ng discussion ni Sir, "Sir time na po."
"Oh, I didn't noticed," sagot nito kay Jade.
"Goodbye, class! I'll see you next week," paalam niya pero natagalan pa ito sa room bago tuluyang lumabas.
"Tara na Raven sasabay sa atin sila Bryan at Janus," inirapan pa ni Zoey si Art saka inangkla ang braso sa akin.
"Pss... ang ingay mo," asik ko sa kanya. Kahit kailan talaga itong babae na ito eh.
Paglabas namin ay inalis ko ang kamay ni Zoey sa braso ko. Nagulat naman ako sa pagtawag ng teacher namin kanina. Kaya agad akong pumihit paharap dito.
"Yes?" kaswal na tanong ko. Hays... kailangan mo ng matutong gumamit ng salitang Sir! Tsk...
"Can we talk?" tanong nito.
"Please Drae," dagdag pa niya. Alam Kong narinig iyon nila Zoey at Bryan.
"Zoey una na kayo sa canteen, sunod nalang ako," baling ko sa kanya.
"Pero..." sabat nito.
"Susunod nalang ako sa canteen," asik ko.
Nang makaalis na sila ay agad na nagsalita ang teacher. Sumabay lang ako sa paglalakd sa kanya hanggang sa makarating kami sa likod ng second building. Doon kami sa mapunong lugar. May mga puno ng macopa at narra sa likod building na iyon.
"Sorry Drae," agad nitong sabi. What? Dito talaga?
"Huh?" tanong ko.
"I thought di na tayo magkikita since umalis ka ng school. And I was so happy the moment I've seen you last day," ewan pero di ako naniniwala. Masyado na akong nakain ng galit.
"Nasa school tayo. Ano ka ba?" kaswal na sabi ko. Igalang mo siya Drae. Tandaan mo teacher mo siya ngayon.
"I know. I just want to apologise sa lahat Drae," tuloy pa nito. Ay naman!
"Ano bang gusto mo? Pwede naman sigurong ipagpaliban iyan?" tanong ko.
Pinagkrus ko ang mga braso ko. Tsk... napipikon ako.
"Drae, just one day please," pakiusap nito. Ano ba namang problema ito?!
"Or 30 minutes of your time. I promise I won't waste it," dagdag pa niya. Tsk... huwag kang marupok ha, drama lang iyan!
"Hmm...."
"I'll think about it," sagot ko.
"Okay thank you. I'll wait for your answer," sagot niya sakin. Pwee akala mo namang sincere eh.
"Umalis ka na," kaswal kong tugon. Ay nasisiraan na ba ako at di ko manlang siya tawagan ng 'Sir?' Ngumiti siya sa akin saka tuluyang umalis.
Paalis na ako ng makarinig ako ng yabag sa tuyong kahoy. Tsk... sabi na ba't may nag eavesdropped eh. Pumihit agad ako kung san ko iyon narinig. Aha! Nasa likod ng puno ng macopa ang siraulo. Ang apo ng may ari ng school iyon at di ako pwedeng magkamali.
"What are you doin' here?" tanong ko. Naestatwa pa ata ang loko sa kinakatayuan niya. Sarap takutin ng takte! HAHAHA.
"Did you liked what you've heard?" dagdag tanong ko.
"Sumagot ka! Gustong-gusto mo akong sinusubaybayan ano?" sarkastiko kong tanong. And boom! HAHAHA. Di na niya napigilan ang sarili at humarap sakin. Bakit naman kaya ito nakikinig sa usapan namin? Chismoso talaga.
"Ang kapal din talaga ng mukha mo," angil niya sakin. At nginisian ko siya.
"Hindi ka kagandahan para sundan ng tulad kong gwapo," kapal talaga ng apog. Buhat lagi ng sariling bangko.
"So, you mean maganda ako?" ngiti ko sa kanya.
"Ah- ano kamo? Wala akong sinabing maganda ka, Hoy!" at nautal pa sakin. Sarap nito inisin.
"Then, why'd you followed us?" ulit kong tanong.
"Eh ikaw siguro kabit ka ni Sir at dito ang tagpuan niyo?" asik nito sakin. Ako talaga ang kabit ha?
Ewan ko napahagalpak na ako ng tawa ng itanong niya iyon. Lakas ng imagination. Kakaiba din talaga takbo ng isip ng chismosong ito.
"HAHAHA. Siguro apply ka nalang as a writer baka may sense pa iyang buhay mo then sisikat ka pa since halata namang gusto mo ang world of fame. And also, napakagaling ng imagination mo nagkaroon na ako ng instant love story. Kaso ang sagwa kasi ginawa mo pa akong kabit kung pwede namang legal wife," ngisi ko sa kanya.
"Pss... dyan ka na nga," sabay talikod ko.
"Wait Dominique!" tawag nito. FC! Dominique talaga? Hindi na ako humarap sa kanya.
"Di ka ba galit sa akin?"
Pumihit ako paharap sa kanya, "of course galit ako. I mean who wouldn't after what you've done?"
"Bye pag-igihan mo ang kaka imagine mo," kaway ko sa kanya patalikod.
"Don't call me Dominique," agad kong dagdag at nagtungo pabalik sa building namin. Bahala siya isipin niya kung anong gusto niyang isipin. Baliw na siya.