Nagulat kaming lahat sa sigaw ni Zoey habang nasa kalagitnaan ito ng discussion. Paano ba naman eh pumunta pa talaga ito sa upuan ng kaibigan niya at dumaldal. Dinig ni dinig ko ultimo mga bulong nito. Sarap kutusan, bumulong pa sayang lang effort!
"Bakit di mo sinabi sakin Raven na nandito si Philip?" palirit nito. Di ko maintindihan kung naiinis ba ito sa kaibigan niya o kinikilig. Pukol ang mga tingin ng kaklase namin sa pwesto nito.
"Oh tinitingin niyo dyan? Pss... mga chismosa't chismoso. FYI iba ang sinasabi kong Philip, at mas lalong hindi ang teacher natin," asik nito kina Jade. Sobrang taray.
"Go back to your seat, Zoey" utos ni Sir. Agad din itong tumalikod sa amin ni walang lingon kay Sir ng naupo. Attitude! At ang katabi kong ito di ko talaga malaan kung tao pa ba ito. Di ko manlang namamalayan kung kumikilos ba o hindi.
Ang topic namin is about cell at mabuti nalang di ako tinatawag ng teacher na ito. Pansin ko lang kay Sir alam niya kung sinong nakikinig o lutang sa klase niya. Well, the good thing is di siya kasing terror ni Sir Cinco. Napamaang ako sa pagtawag nito kay Zoey.
"Ms. Zoey Grace Martinez give at least three functions of cells."
"Ha Si-Sir?" nauutal pa nitong tanong bago tumayo. Wala atang maisasagot ang bungangera na iyon.
"Any ideas about functions of cell? I thought you'd discussed this before," ani ni Sir. Narinig kong bumulong ang katabi ko 'don't be little her.'
"Ah-ahm...A living thing must maintain homeostasis, or keep its internal environment the same regardless of outside changes. Then, a living thing must grow and develop across its lifespan. Lastly, a living thing must be able to reproduce, or make copies of itself," pahayag nito kay Sir.
"But, we have seven functions of cell in all," dagdag pa nito. May nalalaman pang pautal eh alam naman pala kung ilan ang functions of cell.
"Who's Mr. Ramos?" tanong nitong nakatingin sa hawak niyang folder. Marahil master list iyon. Seriously, I'm the Great Art Apollo Ramos! Di mo talaga ako kilala? Halos one year na siyang nagtuturo dito then he does not even know me? Unbelievable!
"Give another two functions of cell," sabi nito. At nak naman di ko naisip na kaya natawag ang surname ko dahil sa recitation na ito. Hindi naman graded recitation ito ang kaso ayokong mapahiya sa harap na mayabang na ito.
"Sir ah... A-ano... A living thing must have metabolism and a living thing must be made of cells," nautal pa ako nung una sa naging sagot ko. Nakasagot ako? Malamang iyon lang naman ang pinagtuunan ko ng pansin basahin last night eh.
"Mr. Bryan Santiago, another two functions of cell," agad din naman 'tong tumayo at ang nakakaloko tumingin muna sa gilid namin at ngumiti sa mayabang na transferee. Okay, mukha siyang tanga! Sapagkat tiningnan lang siya ng transferee. Di manlang makuhang ngumiti pabalik sa kanya.
At malamang makakasagot iyan dahil bukod sa pagiging babaero niyan favorite subject niyan ang field of science.
"A living thing must respond to changes in its environment and a living thing must pass on traits to its offspring,"proud nitong sagot. Hibang na hibang talaga itong si Bryan sa transferee na iyon.
"Okay, so now, let's proceed, " ani ni Sir Philip sa amin.
"Ms. Drae Rowans, what are the differences between Prokaryotic and Eukaryotic cells?" hindi naman agad kumibo ang transferee. Drae talaga tawag nito sa kanya. Hmm... Naramdaman ko ng tumayo siya. Tiningnan ko ang mga kilos niya sa gilid ng aking mata. Eh baka mahalata akong nakatingin sa kanya kaya tamang gawa nalang ng paraan.
"A-a... Ano...ah," nauutal pa ang mayabang na ito. I knew it. Siguro childhood friends sila tas nagkagusto itong transferee kay Sir Philip then nung nalaman ng teacher na ito eh doon na nag-start lumayo sa isa't-isa. Tapos na frustrate sa buhay itong transferee kaya naging ganito nalang katahimik. f**k! Makakabuo na ako ng love story ng babae na ito at ng teacher namin.
"So can you explain it to us?" tanong ulit nito sa kanya. At ngayon ko lang nakita ito na tila lutang.
"Ay... ahm...of course," utal nitong sagot.
"Prokaryotic cells do not contain a nucleus or any other membrane-bound organelle. Prokaryotes include two groups: bacteria and another group called archaea. An example of prokaryotes are bacteria," ano bang klase ng libro ang binabasa nito? Naitanong ko nalang iyon sa sarili.
"While, eukaryotic cells contain membrane-bound organelles, including a nucleus. Eukaryotes can be single-celled or multi-celled, such as you, me, plants, fungi, and insects. Our cells are main example of eukaryotic," patuloy nito. Pagkatapos nitong mag-recite ay agad din itong nagpaalam mag-cr. At mukhang tama nga ang iniisip ko.
Sa paglabas ng transferee na iyon ay para ding doon na nagsimulang magbulungan ang mga kaklase namin. Pakiwari ko'y para ding lutang na nag-discuss si Sir ng paglabas ng transferee. Ni hindi manlang napapansin ang mga bulungan. Dire-diretso na ito at di nagtatawag ng maaring mag recite. Pagbalik ng transferee ay kitang-kita ko ang paglingon dito ni Sir. Dinaanan lamang siya ng transferee at diretsong umupo sa tabi ko. Sa pag-ihip ng hangin ay doon ko pa lang naamoy ito, mabango. Bangong di nakakasakit ng ulo.
"Sir time na po," ani ni Jade. At di niya man lamang talaga napansin iyon ha?
"Oh, I didn't noticed," sagot ni Sir Philip.
"Goodbye, class! I'll see you next week," paalam ni Sir ngunit di ito agad lumabas ng room na tila may hinihintay.
"Tara na Raven sasabay sa atin sila Bryan at Janus," ani ni Zoey ng makalapit ito mula sa upuan namin. Iniirapan pa din talaga ako.
"Pss... ang ingay mo," ani nito sa kaibigan at isinakbit ang backpack. Hindi pa din ako pinapansin ng dalawang kumag kaya nagdesisyon akong puntahan si Jessica para sabay kaming mag-lunch. Nang makarating ako sa ground floor diretso akong naglakad sa daan papuntang third building at di ko inaasahan ang makikita ko sa likod building. Hindi ako maaring magkamali, ang transferee iyon at si Sir Philip. Ano't magkasama sila?
Mabuti nalang din at mapuno sa likod building, agad akong nagtago sa macopa tree.
"Drae, just one day please," ani nito sa transferee ngunit wala akong narinig na sagot nito. Magka krus ang mga braso nito sa dibdib.
"Or 30 minutes of your time. I promise I won't waste it," at may nalalaman pang kadramahan itong ugok na teacher na ito. At may tagpuan pa ata talaga itong dalawa na ito.
"Hmm...." naisa tinig ng transferee.
"I'll think about it," dagdag pa nito. May secret affair yata itong dalawa na ito? Or could she be a mistress?
"Okay thank you. I'll wait for your answer," ani ni Sir Philip.
"Umalis ka na," dinig na dinig ko iyon at di ako maaring magkamali na ang mismong transferee ang nag-utos non kay Sir. Immoral kang babae ka! Nakangiting nagpaalam si Sir Philip sa kanya at tumango lang ito bilang tugon.
Dahan dahan akong naglakad palayo sa gawi nila ng maapakan ko ang tuyong kahoy. f**k! Napamura pa ako sa sarili ko. Siguro naman nakalayo na iyong babae na iyon noh?
"What are you doin' here?" tanong nito. Di ko magawang pumihit paharap sa kanya. Narinig ko ang paglapit nito sa likuran ko.
"Did you liked what you've heard?" tanong nito. Baliw ba siya? Wala naman akong ibang narinig ah...
"Sumagot ka! Gustong-gusto mo akong sinusubaybayan ano?" utos nito at napaka sarkastiko ng paraan ng pagtatanong nito. Doon ko na di napigilan ang di harapin ang babae na iyon.
"Ang kapal din talaga ng mukha mo," sagot ko. Ngumisi lang ang siraulo. Anong nginingisi-ngisi ng baliw na ito??
"Hindi ka kagandahan para sundan ng tulad kong gwapo," asik ko.
"So, you mean maganda ako?" nakangiti niyang tanong. Gg!
"Ah- ano kamo? Wala akong sinabing maganda ka, Hoy!" sigaw ko sa mukha nito.
"Then, why'd you followed us?" ulit nito.
"Eh ikaw siguro kabit ka ni Sir at dito ang tagpuan niyo?" asik ko sa kanya. Imbes na sumigaw o mainis ito eh humagalpak ng tawa. Ngayon ko lang nakita itong tumawa. Ang sagwa potekkk! Napakapangit tingnan.
"HAHAHA. Siguro apply ka nalang as writer baka may sense pa iyang buhay mo then sisikat ka pa since halata namang gusto mo ang world of fame. And also, napakagaling ng imagination mo nagkaroon na ako ng instant love story. Kaso ang sagwa kasi ginawa mo pa akong kabit kung pwede namang legal wife," nakangisi pa ang siraulo. Tsk... di manlang ba ito nagalit sa mga ginawa ko sa kanya? Agad din napawi ang ngiti nito.
"Pss... dyan ka na nga," sabay talikod sa'kin.
"Wait Dominique!" tawag ko. Hindi manlang humarap.
"Di ka ba galit sa akin?" diretso kong tanong.
Pumihit ito paharap sa akin, "of course galit ako. I mean who wouldn't after what you've done?"
"Bye pag-igihan mo ang kaka imagine mo," sabi nito ng agad na pagtalikod sakin.
"Don't call me Dominique," dagdag pa ng siraulo. Natanaw kong naglakad ito pabalik sa building namin.
Fuck! Nakalimutan ko ng sunduin si Jessica. Malamang nasa canteen na din iyon at ilang minuto na din ang lumipas. Patakbo akong bumalik sa building namin at diretso sa canteen. Agad akong pumasok ng canteen at naabutan si Jessica kasama sina James at Roy kasama pa ang ibang kaklase ni Jessica.
"Art san ka galing? Umorder na ako ng para sa'yo," ani nito. Tsk... ano bang isasagot ko dito?
"Ano... I was on my way to your building kaso sumakit tyan ko kaya sa 2nd building na ako naki-cr," at di manlang ako nautal sa alibi ko. Anak ng tupa. Paano pag sumakit talaga tyan mong ugok ka? tanong ko sa sarili.
"Sige kumain ka na, Art para sabay-sabay na tayong makabalik sa mga rooms natin," sabi nito. Si Roy naman ay nailing lang sakin na parang alam niya na nagsisinungaling ako.
Nang matapos akong kumain bumili ako sa counter ng orange juice at caramel cake. Inabot ko iyon kay Jessica paglabas ng canteen.
"Di na kasi tayo nagkakasabay pag recess sa hapon kaya ito para di ka na mahirapan pumunta dito," abot ko sa kanya. Nakangiti namang tinanggap iyon ni Jessica. Kinikilig ako sa mga ngiti niya.
"Ayyiiee" hirit nila Ryssi at dalawa pang kasama nila Jessica.
"Thank you, Art!" baling nito sa akin.
"Huwag kang magpalipas ng gutom para di sumakit tyan mo ha. I'll see you after class," dagdag nito. Nakonsensya naman ako bigla sa dahilan ko. Humalik ito agad sa pisngi ko. Buo na naman araw ko kahit pa kung ano-ano na nangyari ng umaga pa lamang.
Bago pa kami makabalik ng room ay nakasalubong namin ang transferee na may kasamang lalaki. Mas matangkad sa akin iyon. Talaga bang mas may tatangkad pa pala sa akin? Oo nga't napansin ko kanina na di iyon kasabay nila Bryan at ng kaibigan niyang si Zoey.
"Aww may girlfriend na pala eh," dinig Kong sambit ni James.
"Eew baduy and weird ng girlfriend niya ha," ani ni Bianca kay Jade. Naglakad lang ang dalawa na parang walang nakapaligid sa kanila. Nakita kong ginulo pa ng lalaki ang buhok ng transferee. Hanggang sa magsalubong na ang mga tingin namin ng makarating sa hallway tapat ng room namin.
"I'll go ahead. I'll pick you up at 6 sharp," ani ng lalaki sa kanya.
"You don't need to. Drew. Just go," para naman itong nagtataboy ng aso eh. Muli pang lumapit ang lalaki sa kanya at saka bumulong sa tenga at tuluyang umalis. Manghang-mangha ang mga kaklase namin sa lalaking kasama ng transferee. Sus, mas gwapo naman ako dyan!
"Wala manlang ka sweetan sa katawan ang weird na babaeng iyan," dinig kong bulungan nila Jade saka nagtawanan.
Nang makapasok na ito sa room ay agad itong naupo.
"Roy," ani ko.
"What?" asik nito. Galit pa din ang loko.
"Putsa bakit ba galit ka pa din? Para ka namang babae oh," angil ko.
"What? Really, you have no idea kung bakit kami ganito ni James?"
"Honestly, di naman kami galit sa'yo. Sa ginawa mo,oo. Lalo ka yatang naging immature kung kailan graduating na tayo," dagdag pa nito.