After thirty minutes ay dumating ang transferee kasunod si Sir Philip. Ano ba siya alalay? May exam din kasi kami ngayon kay Miss Endrinal. Then, mamaya group activity. Agad na bumati ang transferee. Nakangiti naman ding bumati si Sir Philip, "Good morning Ms. Endrinal! I just escort her here to make sure she's alright," ani nito. Wow ha! Daig pang guardian.
"Good morning, Doc!" bati din ni Miss Endrinal.
"I'll go ahead Ms. and Drae take care," nakangiti pang bumaling sa transferee.
"Thank you," ani ng transferee. Nak ng tupa naghihintay ako makarinig manlang ng po at wala talaga. Ni hindi rin tinawag na 'Sir.' Wow grabe kabastos! Halos lahat ng kaklase namin nakatingin sa pagdating nila. Agad ding nagpasalamat ito kay Ms. Endrinal at tumuloy ito papasok ng room.
"Miss where would I sit? Wala na po kasing bakanteng upuan sa likod" tanong nito. Ang bakanteng upuan lang eh ang nasa pagitan namin ni Roy. Malas talaga oh!
"Everyone stand. I'll give you permanent sitting arrangements." Agad naman kaming nagsitayuan dala ang gamit sa likod. Kinabahan agad ako sa sinabi ni Ms. Endrinal. Agad ding napawi iyon ng mag-umpisa ng magtawag si Ms. hanggang sa matapos sa fourth row. Andito pa din kami nila James, Roy, transferee at ang Zoey na nabanggit ni James. Sina Bryan, Khel, Zyrene at Tyrone.
"Ms. Martinez and Mr. James Andrei Navarro on fifth row. Magtabi kayo," utos nito.
"Zyrene Rubio and Michael Sanchez sa tabi nila James."
"Mr. Louis Van Troy Agaton, Ms. Rowans, and Mr. Art Apollo Ramos on the sixth row. Ms. Rowans in the middle seat," diretsong utos ni Ms. Endrinal. At talaga? Katabi ko ang siraulo? Nasa tabi ko sina Tyrone at Bryan. Talaga bang kailangan nasa pagitan namin ni Roy ang babae na ito?
"Janus Cuerto sit between Tyrone and Bryan Santiago," ang akala ko'y may ililipat pa si Ma'am pero wala dinapuan talaga ako ng malas. Kung kaninang wala pang sitting arrangements eh ang bakanteng upuan ay nasa pagitan namin ni Roy. Kung sakali pa lang inutos ni Ma'am doon maupo eh ganon pa din katabi ko pa din ang mayabang. Walang nabago!
"Prepare one half length wise," anunsyo ni Ms. Endrinal. Lumipad na ata lahat ng binasa ko kagabi. Naman kasi may paglipat pa ng sitting arrangements. At ang Roy na ito animo'y walang papel at humingi pa sa transferee. Inabutan lang ito ng transferee na walang salitang lumabas galing sa bibig nito.
"Ready?" tanong pa ni Ms.
"Number 1. How would you know that a chemical is pure or not?"
Parang wala naman sa handouts iyon. Anak ng tupa!
"Number 2," ani pa Ms. Endrinal .
"Ma'am wait lang," reklamo ng lahat maliban dito sa katabi ko.
"Which material is used in display devices, such as digital watches?"
"Ma'am hirap naman," ani ko.
"Which chemical compound may soon be used as a fuel for driving vehicles?"
"Kung nagre-review ka Mr. Ramos di iyan magiging mahirap. Okay?" Tumango nalang ako sa pagkapahiya.
"Which substance is obtained when magnesium is heated with lead oxide?"
"Which product of living organisms was the first to be made under laboratory conditions?"
"Which substance is produced when nitrogen reacts with hydrogen?"
"Which catalyst used in the manufacture of Sulfuric acid?"
"What kind of thermometer is used to determine the depression of freezing point?"
"The absence of cobalt in minute quantities in human body causes what?"
"What is Isotone?"
"Which is considered to be an anomalous compound?"
"Which is the most stable compound?"
"Which mineral is often used as an abrasive?"
"Okay number 20, Who discovered penicillin?"
Nanlulumo ako sa mga naging sagot ko. Wala alam ko na ang sasapitin ko sa subject na ito. Di ko naman gusto itong Strand na ito. Sumusunod lang ako kay lolo. Pakiramdam ko sobra na ata ang kabobohan ko.
"Okay exchange papers, " utos ni Ms. Endrinal. Ako ang nagcheck ng kay Roy habang ang papel ko ay nasa babaeng ito. Papel niya eh malamang na kay Roy. Hanggang sa matapos na kaming mag-check at binalik na sa kanya-kanya ang papel.
"Who got 20?" tanong ni Ms. Walang nagtataas ng kamay.
"20?" ulit pa ni Ms. Endrinal at doon nagtaas ang katabi ko. Oo ang mayabang na babae. Talaga nakakuha ito ng perfect score?
"Okay pass your paper forward Ms. Rowans."
"19"
"Okay 18," tanong ni Ms. at doon nagpasa ang kaibigan nito na si Zoey, James at Roy. At nagtawag si Ms. hanggang sa, "10. Who got 10?"
Nahihiya akong nagtaas kamay. At buti di pa ako ang pinamababa may nakakuha pa ng 8. Pero legit ang kaba ko ngayon, lalo pag dumating si lolo at puro babagsakin ang score ko. Nalusaw na ata talaga laman ng utak ko.
"Di na natin matutuloy ang group activity. To Ms. Rowans and those who got passing score, keep up the good work. Sa mga di pinalad makapasa review your handouts," ani ni Ms.
"I'll see you next week. Review chapter 2." Iyon lang at lumabas na si Ms. ng room.
Agad kong inayos ang gamit ko sa bag at tumayo.
"Where you goin'?" tanong ni Roy.
"Cr lang pre," at ang babaeng siraulo parang wala manlang pakialam sa paligid niya. Hindi na pala parang kundi wala talagang pakialam.
"Excuse me," asik ko. Nakapandekwatro na nga nakataas pa pareho iyon sa unahang armchair. Tumitig ito saka inalis ang paa. Hmm... walang salamin ang transferee. Nakakakita pa kaya ito ng ayos? Oo nga pala't basag iyon kanina ng makita ko ito sa hallway. As usual naka black iconic t-shirt at naka black jeans. Ganon pa din white converse ang suot.
Nang makadaan na ako ay siya namang sulpot ng kaibigan nito, "Raven!"
Ang ingay ng bibig. Kung ang kaibigan niya ay parang pipe siya namang kabaligtaran nito. Napakatinis ng boses.
"Tara muna sa labas Raven," narinig ko pang ani nito bago ako tuluyang makalabas ng room.
Pagkarating ko sa daanan ng cr ay nakasalubong ko si Sir Philip na lumabas galing Faculty's cr. Marahil di ako nito napansin dahil sa katawagan nito.
"No, what I mean is Drae. She's studying here," dinig kong ani nito sa kausap nito sa cellphone. Drae? Ang transferee na iyon ang tinatawag nitong Drae. Ano childhood friends sila? Does that mean mas matanda ang transferee kesa sa amin? Kaya siguro ganon nalang kapino ito kung kumilos.
Pagkatapos kong mag cr ay bumalik na din agad ako sa room. Doon ay naabutan ko ang aking upuan na occupied na. Prenteng nakaupo ang Zoey na iyon sa upuan ko. Nakahilig ito sa braso ng transferee habang kausap nila sila Roy at James. At ang mga loko-loko makausap lang ang dalawa eh nakaupo na si James sa armrest ng upuan ni Roy. At nagtatawanan ang mga hangal? Talaga marunong pala ngumiti ang mayabang na transferee?
"Ano palang nangyari kanina at nawalan ka ng malay?" tanong ni Roy dito. Nakikita naman ako ni Roy pero di manlang ako nito pinapansin. Sila na ba tropa mo Roy?
"Hilo lang iyon. Gutom," sagot nito. Ni hindi ko mabasa sa mukha nito kung nagsisinungaling o hindi. Napakaswal ng sagot nito.
"Bakit wala bang pagkain sa inyo? Oh baka naman nagda diet ka pa sa lagay ng katawan mong iyan," angil ko. Gulat na nagtaas ng tingin sina Roy at James. At ang Zoey na iyon may pag-irap pa sakin. Potekkk para siyang kinukombulsyon!
Inaasahan kong mainsulto ito at maiinis sakin ngunit parang walang nangyari,diretsong tumingin lang ang transferee na iyon sakin.
"Eh paano nga kung wala? Would you provide for us? Lalo na sa mga kapatid ko?" Nang-iinsulto ba ito? Parang bigla akong nakonsensya. Sige pa Art galingan mo! Leche naman oh ako pa yata maglalagay sa sarili kong hukay.
"Hu-huh kapal mo naman," utal kong sagot. Pinandilatan ako ng kaibigan nito at tumayo sa harapan ko.
"Hoy ikaw na apo na may ari ng school na ito. Hayp ka napakataas ng ere mo eh parang di naman pasok ang scores mo sa standard ng sarili niyong school. Hmm... by the way, wala naman akong pakialam sa'yo kung matalino or hindi," sigaw nito. Ang buong akala ko eh titigil na ito sa pagbubunganga sakin. Hindi nga ako nagkamali sobrang ingay ng bibig. No bunganga na pala. Ako hayop? Tinawag niya talaga akong hayop?
"Ang concern ko dito is ito," turo pa nito sa transferee na iyon. Sinaway niya ito ngunit di paawat ang bungangera and worst nakatingin lang sina Roy at James.
"Bwisit ka babae itong kaibigan ko. Tingnan mo ginawa mo sa ulo niyan. Kalalaki mong tao ito pa talaga ang nakuha mong pag tripan," sigaw nito sakin na parang papatidin na ang litid nito sa leeg.
"Sumbungera pala iyan?" turo ko sa transferee. Tinitigan ako nito na walang mabasang emosyon.
"Hoy para sabihin ko sa'yo..."
"Zoey enough," authorisado nitong sabi. Tumigil din naman ang kaibigan nito ang pumunta na sa upuan nito. Dinaanan lang ako ni James. Sumunod iyon agad sa katabi niyang si Zoey. Talaga di manlang niya ako papakinggan? Para san Art?
Umupo ako sa tabi ng transferee na iyon kahit pa ganon ang naging sagutan namin ng kaibigan nito. Si Roy naman ay nagbaling ng tingin sa unahan. Ito alam ko na ito, naiinis sila pareho sakin. Mabilis na lumipas ang klase namin kay Sir Cinco. Masasabi kong iba ang utak ng transferee na iyon 150 items quiz namin tas siya perfect. Ang kaibigan nito na kaninang umaga lang din pumasok eh nakakuha ng 147 na kahit pa sobrang sungit ni Sir Cinco eh natutuwa sa dalawang mayabang na iyon. Pss... mayabang pareho.
Kasabay kong mag-recess ang dalawa pero di manlang kami nagkikibuan. Habang kumakain kami siya namang pasok nila Bryan at Janus at wala namang bago kasi kasabay nito ang dalawang mayabang na transferee. Sabi ko na nga ba't type ni Bryan ang Dominique na iyan. Sa sobrang babaero niyan eh baka makalipas din ang 3 months di na siya kausapin ng fuckboy na iyon. Ehh paki ko naman ba sa kanya?
Sabay-sabay silang umorder at naupo malapit sa entrance ng canteen.
"Pre mali na," maikling ani ni Roy. Alam ko ang tinutukoy nito.
"Pre di ganon iyon," umpisa ko.
"Maski ako eh nabigla sa ginawa ko."
"Pre naman napakatanga naman ng dahilan na nabigla ka. Baluktot na katwiran," sarkastiko nitong sagot.
"Ano di mo ba alam ang ginagawa mo?" angil na tanong nito. First time in the history na against si Roy sa nagawa ko. Kung dati ay si James lang, ngayon pareho silang contra sakin. Nak naman ng putsa!
"Napikon na ako. Okay? Tao lang ako pre. Sobra na ang pananalita niya. Tas idinamay pa si Jes ," angil ko.
"Ano pa kaya siya pag napikon sa'yo? Hindi ba't mas malala ang pananalita mo? Na halos pagkain nito iniinsulto mo na. Bakit ganon nalang katindi ang pag ganti mo sa kanya? ," bahagya pa itong ngumisi na parang pikon na pikon sakin. Bakit nga ba ganon nalang ang mga ginagawa ko sa kanya? Tumayo ito at agad na nagpaalam, "sige na mauuna na ako sa room. Just do whatever you want, Art. Let's just hope na di mo pagsisihan iyan when time comes."
Kinabahan ako sa binitiwan nitong salita. Although wala namang nakakaba doon ha. Sabay kami ni James na pumunta sa room. Si Bryan at ang mga kasama nito ay nasa canteen pa din ng umalis kami. Nakabalik kami ng room ni James na di nag-uusap. Hindi ako magpapakumbaba ng dahil lang sa babae na iyon. May kasalanan siya kung bakit ko nagawa iyon. Di iyon mangyayari kung nag-ingat siya ng pananalita. Ilang minuto pa ang lumipas at nakabalik na ang aming mga kaklase at ganon din sina Bryan. Pagpasok ng room ay bumati pa ang Zoey na iyon kay Roy saka pumunta sa upuan sa tabi ni James. Inirapan pa ako bago tuluyan iwan ang kaibigan sa upuan nito.
Sa pag bell ng ring siya ring pasok ni Sir Philip.
"Good morning!" mukhang may nakitang kaayaaya ang lecheng teacher na ito at hindi stiff ngayon. Kitang-kita ang mga ngiti nito ng bumati. Agad kaming nagsitayuan ngunit ang Zoey na iyon nagkubli talagang tumayo. Pareho sila ng kaibigan niya bastos. Yung isa sa pananalita ito namang Zoey sa kilos.
"Good morning Sir Philip!" tugon namin. At ang Zoey na kaibigan ng mayabang na ito eh imbis na bumati talagang pumihit ng tingin sa upuan namin. Aatakihin ako sa pagkatitig nito. At mukha akong tangang itinuturo ang sarili. Pahiya talaga ako. Potekkk sa transferee pala nakatingin animo'y nag-uusap ang mga tingin na iyon.
"Zoey you may take your seat," ani ni Sir. Tumalikod si Zoey at agad na naupo.
Biology ang subject namin dito sa teacher na ito. At alam ko na naman mangyayari sakin. Naman oh kung hindi lang talaga ako kukuha ng Architecture baka nag ABM nalang ako.
"Do you have proper sitting arrangements?" tanong nito. Di ka ba magkaklase? Tsk...
"Yes," mariing sagot ng transferee sa tabi ko. Siraulo ba talaga ito at di manlang magawang tawagin ito na Sir?
"Oh... okay," iyon lang ang naging tugon ni Sir. Ano tiklop ka sa estudyante mo?
Nag-umpisa na itong magklase. Napapanganga nalang ako sa kung paanong tumingin ang katabi ko sa teacher na iyon. At si Sir Philip naman lilingon sa kanya na parang ang tagal nitong di siya nakita. Hays... di naman siguro ganon iyon.