Chapter 5

2007 Words
Nang makaalis na si Drew ay doon na ako nagsalita kay Zoey. "Pumasok ka na bukas," asik ko. "Papasok na naman dapat ako eh kaso natagalan ako makalipat dito. Ayaw mo kasi akong kasama sa apartment," pagpapaawa ng boses nito. "Tsk... Zoey look what happened? Kaya ayaw ko ng kasama eh. Pero ano pang magagawa ko alam na niya," ani ko. "Raven naman sorry na," nakanguso itong humawak sakin. "Oo na bitawan mo ako bago pa ako lalong mainis," asik ko. "Hays... sungit talaga," ani nito. Bahagya pang ngumiti. "Eh bakit naman pati sakin galit ka kanina? Yawa," nakanguso nitong sabi. Hays... bakit naman kasi isinama pa dito si Drew? "Ano na namang ginawa sa'yo ng mayabang na apo ng may ari ng school na iyon? Pupusta ako siya ang may kagagawan niyan. Bakit naman kasi hinahayaan mo? Naku Raven sinasabi ko sa'yo malilintikan sakin iyan," inis nitong sabi. "Hayaan mo na ito. Labas ka dito," tingin ko sa kanya bago pumasok sa kwarto. Buntong hininga lang naging sagot nito. Alam kong di matatahimik ito kahit pa sabihin kong ayos lang ako. "Papasok na ako bukas at isa pang makita kong sinasaktan ka ng bwisit na iyon eh ako magre-report sa office ng Dean," matigas nitong sabi. "Mag-review ka ha at may quiz tomorrow," paalala ko sa kanya. "Opo. Raven mag scooter ka bukas?" tanong nito sakin. "Hindi," maikling sagot ko. "Eh paano naman ako eh may dala akong kotse?" tanong nito sakin. Kahit kailan talaga gaga. Hays... baka malaman na kung san ako tumutuloy. "At bakit ka nagdala ng kotse dito? Paano pag napasundan tayo?" tanong ko. "Kay Dad naka-register yung kotse. Okay?" pagtataray nito. "Zoey even it was registered under your father's name pwede pa din tayon ma-trace noh," paliwanag ko. "At mas madali tayong makikilala dahil sa tatay mo iyon," dagdag ko pa. "Fine. Ipa pick up ko kay Dad tomorrow iyan," nahahabag nitong sabi. "Hays andyan na hayaan mo na. Bahala nalang," ani ko. "Matulog ka na after mo mag-review," sabi ko pa. "Good night Raven!" "Good night!" ani ko. Pagpasok sa kwarto ay agad akong kumuha ng towel at diretsong naligo. Kinaumagahan maaga akong nagising. Si Zoey ang nagluto ng agahan namin. Wala naman kasing aasahan sakin pagdating sa pagluluto. Saing ng kanin at tanging prito lang ang maayos kong nagagawa kung minsan sunog pa kahit itlog. Kaya di ako nagatataka na kinakahiya ako ng nanay ko. Kababae kong tao pero palpak ako sa ganyang bagay. "Raven kumain na tayo. Di ko na gagamitin yung kotse," ani nito. "Ayos lang na iyon ang gamitin mo. Tsaka ako nga eh naka-bike. Isa pa di naman agad mahahanap itong apartment na ito," paninigurado ko sa kanya. "Thank you Raven!" masaya nitong tugon. Nang matapos kumain ay agad akong sumakay sa bike ng masiguradong naka-lock na lahat sa bahay. "Ingat ka Raven!" ani ni Zoey sa akin. "Sa parking lot mo na ako hintayin. Mag-ingat ka ha," tugon ko. Para sa akin ay mas nakakahinga ako ng ganito. Walang bigat na alalahin sa sasabihin ng nakapaligid sa'yo. May times na nahihirapan na ako lalo na sa pakikitungo ng mga estudyante sakin lalo pa at kaklase ko iyon. Gustong-gusto ko na siyang patulan. Pero alam kong magsasawa din iyon. Pagkarating ko sa parking lot ay doon naghihintay sakin si Zoey. Maayos kong itinabi ang bike sa tabi ng kotse nito. "Ang cheap naka bike papuntang school," dinig na dinig ang boses ng babae. Hays... puro kabobohan yata ang estudyante dito. Makakita lang ng naka bike cheap na agad? Puro paganda tas walang naipon sa utak. Tsk... "Duh ngayon ka lang ba nakakita ng estudyanteng naka bike? Cheap ka pang nalalaman eh mas cheap ka naka uniform na nga pagkaikli pa ng putol ng palda mo. Sana di ka nalang nag-uniform. It seems useless," pagtataray ni Zoey. "A-anong sabi mo?" "I won't be repeating it, baka ma depressed ka pa," diretsong sabi nito. "Let's get in," baling nito sakin. Pagkagaling sa locker ay nakasalubong namin ang isa sa barkada nung kumag. Nakangiti itong bumati sakin, "Good morning Dominique!" Pilit ang ngiting sinukli ko. Agad din naman siyang nagpaalam na mauuna na. Eh pakialam ko naman kung mauna or mahuli sya ng pasok? Tsk... paalam pang nalalaman. Hahaha weird. Dominique ang ewan. Close tayo? Kinagulat ko ang biglang pagkurot sa tagiliran ko ni Zoey. "What?" Asik ko. "Di mo naman sinabi may boylet ka na dito," pagkurap pa ng mata nito. "Magtigil ka nga Zoey. Kampon iyan ng demonyong iyon. Okay?" bulong ko. "Eyy parang mabait naman Raven," sagot pa nito. "Di ko lang din alam basta kasi gwapo para sa'yo, mabait na," ngisi ko. "Harsh mo na magsalita sakin, Raven" pahabag nitong sabi. "Pss..." tumingin lang ito sakin at inangkla ang kamay niya sa braso ko. Hays... kahit kailan talaga itong babae na ito. "Oo na Raven bibitawan ko na braso mo. If I know gustong-gusto mo na akong itapon dahil sa pagkakadikit ko sa'yo. Para naman kasing may malubha akong sakit o kahit sinong didikit sa'yo," ani nito. Ngumiti nalang ito ng di ako magsalita. Kilala na ako nito kaya alam niyang ayos lang sakin na para siyang tuko kung makadikit. Maaga kaming nakapasok kaya naglibot muna kami sa school at doon ay nakarating kami sa court. Malaki ito compared sa school na pinanggalingan ko. May college din doon sa pinanggalingan ko pero double ang laki nito. Dito kasi ay magkakahiwalay na ang students based sa Strand na gusto nilang kunin na course pagka graduate at hindi base sa average ng students ng may sectioning of highest to lowest. Parang katulad sa ibang bansa ang kaso lang eh di naman K-12 curriculum dito which is an advantage sa aming mga estudyante. May mga estudyanteng nagpa practice. Hmm... napakaaga naman nilang magpractice. Maaga din siguro ang intrams dito? Doon ay napansin ko si Bryan. Maaring isa din sya sa mga basketball players. Patakbo itong lumapit sa amin. Matipuno ang katawan ni Bryan at mas matangkad sakin ng kaunti. At masasabi kong isa ito sa tinitilian ng mga babae. Hindi ko lang alam bakit ganito mag fangirling ang mga estudyante dito animo'y prinsipe ang mga lalaki sa school na ito. "Good morning, Dominique!" Nakangiting bati nito. "Good morning," tipid ang ngiting isinukli ko. "Hi!" bati naman ni Zoey. "Baka gusto mo akong ipakilala noh?" bulong ni Zoey. Bahagya pa ako nitong kinurot sa tagiliran. "By the way Bryan, this is Zoey," pakilala ko sa kanya. Naglahad ng kamay si Bryan at nakangiti itong bumati, "Nice meeting you, Zoey." "You're friend?" tanong pa nito sakin. "Actually, she's our classmate. She's also a transferee, " sagot ko. Nakanguso itong tumingin sakin. Tango ang naging sagot ni Bryan at agad din itong nagpaalam, "magbihis lang ako saglit then aayusin ko lang gamit ko. Pwede bang sabay na tayo papunta sa room?" "Yeah sure," tugon ko. Nang makaalis ito papuntang bench upang kunin ang kanyang gamit ay siya namang reklamo ni Zoey. "Ano ba naman Raven? Di mo ba ako friend?" pagmamaktol na tanong ni Zoey. "Did I say anything like you're not my friend?" balik tanong ko. "Classmate ka din talaga namin diba?" dagdag ko pa. "Tsk... fine," iyon lang ang naging tugon nito. Agad na nagmadali si Bryan sa pagkuha ng gamit nito. "Ah hehe sorry baka natalagan kayo sakin?" ani nito. "No it's okay," kaswal kong sagot. "So," putol nito sa sasabihin niya. "Ah-ahm... can I join you during lunch?" nautal nitong tanong. "Of course," kaswal kong sagot. Bago pa man kami makaakyat ay dinig na dinig ko na ang hiritan at bulungan ng mga estudyante. Oh baka isipin niyo dahil sakin? Hindi! Dahil doon sa preskong kaklase namin. Oo napagchichismisan ako dito ng mga estudyante, like what's new? Pero pag nandyan na yung lalaking iyon at mga barkada nito eh naisasantabi ang ginagawa nilang issues about sakin. Oh diba nga advantage! At f na f naman ng demonyo ang pagtili ng nga babae sa pangalan niya at maski yata mga kabaklaan eh tumitili dito. Sana okay lang sila noh? Like para kayang umahon ang lalaking iyon sa impyerno or para mas maganda basahin, 'sya ang anghel na itinakwil!' Ayoko sa crowded places kaya hangga't maari humahanap ako ng way kung saan mas kaunti ang estudyante. Para akong mauubusan lagi ng hininga pero pinipilit kong kayanin and so far na overcome ko naman. Pero di yata ngayon. Sobrang laki ng density ng estudyante ngayon sa hallway. Ultimo ata freshmen students ay nasa senior building ngayon. Kasunod kaming naglalakad ng tatlong iyon. May mga nagtutulakan pa makita lang sila lalo na ang siraulong iyon. Napahawak na ako sa kamay ni Zoey. Gulat ito sa ginawa ko. Hindi ako humahawak sa kanya unless may sakit siya. "Hey, are you okay?" bulong nito. Tumango lang ako. Nakayuko akong nagpatianod sa hawak ni Zoey. Para na akong nakainom na walang pahinga sa sobrang pag-ikot ng paningin ko. Hinubad ko na ang eyeglass ko upang maibsan ang hilo at sikip sa dibdib na nararamdaman ko. Wala na kusa na atang bibigay ang tuhod ko. ••• Art Apollo's P.O.V Ramdam na ramdam talaga ng aura ko ang magandang araw ngayon para sakin. Pampa good vibes ang kagwapuhan ko. Oo alam ko iyon! Kumpulan ang mga estudyante ngayong araw. Kahit freshmen nasa building namin ngayon. At malaking patunay na ako pa din ang pinakagwapo sa campus na ito. Halos di na kami magkandamayaw paakyat sa third floor. Di rin pala maganda ang epekto ng kagwapuhan ko. Abala sa daanan. May mga nagtutulakan pa. Anak ng tupa, ayoko na yata nitong kagwapuhan ko. Pero hmm... di pa din talaga ako malalaos ng ganon lang. Sinasabi pa nilang may transferee daw na Med student ngayon. Gwapo daw? Daw lang naman pala eh. Ilang room pa ang daraanan bago ang room namin. Ngunit bago pa kami makarating doon ay may biglang sigaw sa likod namin. Oo alam kong gwapo ako matagal na! Ang akala ko'y may hihila sa akin mula sa likod. Ay... wala. Attention seeker na ata ako? Tsk... Sabay kami nila James and Roy pumihit patalikod. At di na kami ang pinagkakaguluhan. Ang transferee nakahandusay sa sahig habang may babaeng umaalalay dito. Ano na namang eksena niya ito? Hinimatay ata ang mayabang na babae. Basag ang eyeglasses na malapit sa kamay nito. Kitang kita ko ang pamumutla ng mukha at labi nito. Napamaang ako. "Raven, do you hear me?" tanong ng babae at marahan pa itong tinatampal. "Excuse me," ani ni Bryan doon sa babaeng nakaalalay sa transferee. "Let's bring her to the clinic," tuloy nito. Marahan itong binuhat ni Bryan sa mga braso niya. Dinala niya ito na animo'y bagong kasal. "Guys, give way. This is emergency!" sigaw ni Roy sa mga nakapaligid na estudyante. Agad din namang humawi sa daanan. Napaisip ako. Sobrang napaisip. Ano kayang dahilan at nawalan ito ng malay? Matalino siya, oo! Pero nasisiguro kong mahina ang katawan nito. Naalala ko pa ang nangyari kahapon. Sariwang-sariwa sa isipan ko na parang tuyong kahoy na naibato ko siya. Pero di naman nila ako masisisi sa nagawa ko nakakapikon na ang kayabangan niya. Lumipas ang mga oras at dumating na si Ms. Endrinal. Ilang minto na din kami nasa discussion ng dating ng babae kanina na nakaalalay doon sa transferee. "Good morning, Ms! Sorry po late ako," sabi nito. Late? Does that mean, she's also our classmate? Transferee din? Baka kaibigan siya nung babae na iyon. Agad din naman siyang ginawaran ng bati ni Ms. Endrinal. "Come in Ms. Martinez. You may take your seat there," turo nito sa likuran namin. Ah edi wala ng upuan ang transferee? Nagpasalamat ito kay Ms. Endrinal at agad na pumasok. Malapit na ito sa upuan na iyon at di ko na napigilan ang sarili. "Ms. where would Dominique... I mean the other transferee sit when she comes?" gulat na napatingin sakin sina Roy at James. Bakit ko ba naman naitanong pa iyon? "We'll add another armchair next day," ani ni Ms. Endrinal. "Ms. she'll be here later. May nangyari lang po kaninang umaga kaya nasa clinic pa siya," sagot nito agad. "Ano ba ang nangyari sa bata na iyon?" makikita ang pag-aalala sa mukha ni Ms. Endrinal. "Ma'am baka po mamaya pa siya makapasok. Hyperventilation po kaya nawalan po ng malay kanina," iyon ang sagot nito at di na muli siyang tinanong ni Ms. Endrinal. Mukha naman kasing ayaw na nito magkwento pa ng tungkol sa transferee na iyon. Hmm... marahil napansin din iyon ni Ma'am. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD