Art Apollo's P.O.V
Pagpasok pa lang ng professor ay agad itong bumati, "Good morning, students!"
Nagsitayuan kami upang bumati pabalik, ngunit bago pa man kami makapagsalita ay may kung anong lumagpak sa likuran ng upuan ko at syang nakakuha ng atensyon ng lahat. Pukol ang tingin ng mga classmates ko sa likuran ng armchair ko. Agad akong pumihit sa likuran at nakitang hirap sa pagtayo ang sabukot. Napasinghap ako ng malalim na paghinga. 'Nalintikan na Art!' Naalala kong iniwan ko na ang pagkakatali sa kanyang paa kanina. Agad na naglakad papunta sa likod ang aming instructor.
"What happened here?" ani niya. Nag-angat ng tingin ang babae at kitang-kita ko ang pamumula ng ilong, tenga, at pisngi nito, marahil na rin sa pagkapahiya. Marahan niyang inalis ang pagkakatali ng sintas sa armchair. Di ko alam ng mga oras na iyon kung attend pa ba ako ng klase. Pakiramdam ko'y alam na nitong babae na ito na ako ang dahilan ng pagkapatid niya.
Bahagyang umupo ang instructor namin at inabot ang kamay niya. Tumutig sya sa aking kabuuan at kaswal na naupo. Umupo sya sa harapan ng sabukot animo'y prinsesang pinagsisilbihan sa pag-ayos ng sintas. Naglakihan ang mga mata ng aking classmates sa ginawa ng ni Sir Philip. Maging siya ang nagulat din sa ikinilos ni Sir Philip. Nasapo ko ang ulo sa biglang pag-init ng mukha ko. 'f**k!'
Maging si James at Roy ay gulat din napatingin sa akin. Agad akong tumalikod at naupo. Si Sir Philip ay halos ilang taon lamang ang edad sa amin. Kung bago pa lamang talaga ang mga estudyante dito ay mapagkamalan talaga na estudyante rin. Dating Med student si Sir Philip dito, ang sabi ay nagma-masteral na ito kaya dito muna nagtuturo. Ang sabi din ni ate Aina tuwing weekends duty naman nito sa hospital.
Hindi malabong magkagusto ito sa sabukot na babae. Hays... di naman maganda ito para maging tipo ni Sir Philip. f**k! Kung ano-ano pumapasok sa isip ko.
"Okay, let's start," ani nito ng makabalik sa harapan.
"Introduce yourself, young lady," baling niya.
"Nak ng putsa!" nagulat nalang ako sa pagpukol ng tingin ni Sir sa akin. Nasabi ko na pala iyon ng wala sa sarili.
"Nothing," iling ko. Naiirita akong tumingin sa labas.
"Good morning! My name is Dominique Raven Ellsworth," napayuko ako ng marinig ko ang boses niya.
"Hmm... that's a beautiful name," puri ng malaswang instructor namin. Napailing ako sa kawalan.
"You may take...!" di na naituloy ang sasabihin dahil sa pagkapahiya sa mabilis na pag-upo ng transferee. Kitang-kita ko ang pagtawa ni Sir sa sarili. Gusto kong tumawa sa kawalan ng oras na iyon. May sa maniac din itong teacher na ito eh. At ngayon ko lang napagtanto iyon. Pero di mawala sa isipan ko kung bakit ganon na lang siyang tingnan ni Sir Philip. Ibang-iba sa pagtingin niya sa mga ibang estudyante.
Agad din kaming na dismissed matapos ang orientation ni Sir Philip. Lumabas na ako ng classroom at inilabas ang phone upang tawagan si Jessica. We'll be having our lunch together. At least makaayos naman na mag process na ang takbo ng isip ko at maalis ang pag-iisip sa babaeng iyon. Ngunit bago pa ako makapag-dial ay narinig ko na ang bulungan ng mga kaklase ko.
"I think Sir Philip like her," ani ng nasa likuran ko habang naglalakad papuntang canteen. Anak ng tupa hanggang dito ba naman sa labas siya pa din?!
"That's impossible! She's just a typical girl. Masyadong walang buhay," sagot pa ng isa sa kasama ni Jade.
"Believe me. Sir Philip liked her as in romantically," Jade assured.
Di ko na napigilan ang sarili at pumihit paharap sa kanila. Nagtaas ng tingin si Jade at bahagyang nahiya sa pagngiti. Tinutop ang kanyang daliri at pagkuway kinukutkot. Tumitig ako sa kanila at tuloy na nagsalita, "Could you stop spreading rumours?"
"Huh? Umm.... okay," sagot ni Jade. Pumasok ako ng canteen at umupo kung saan naghihintay sina Roy and James.
"Where have you been?" Jessica asked.
"Huh? Nag-cr lang saglit," agad kong tugon.
"I'll order for us," nagpresinta na akong pumila. Nang maka-order na ay inilapag ko iyon sa table at tumabi ako malapit kay Jessica.
Habang kumakain ay nag-angat ako ng tingin sa mga bulungan dahilan upang magtama ang paningin namin ni Dominique. 'Dominique?' Nak ng tupa tinatawag ko na siya sa pangalan niya. Di nakawala sa paningin ko ang mga kasama nito. She's with Bryan, Janus, and Daizelle. Hindi na yata ito lulubayan ni Bryan. Kumaway saglit sa amin si Bryan ganon din ang mga kasama ko. Nangunot lang ang ulo ko dahilan para mapuna ni Roy, "Are you okay?"
"Of course!" asik ko. Tiningnan lang ako ni James. Panandaliang nabalot ng katahimikan ang table namin ng makaupo sina Bryan sa tapat ng table namin.
Nakangisi itong tumabi sa babaeng iyon, animo'y mawawala ito sa paningin niya ano mang oras. Hindi ko namalayang nakatingin ako sa kanila hanggang matapos din sa pagkain. Bigla akong napaigtad sa pagsiko ni Roy, "What?!"
"We need to get back in our room," ganon kabilis ang pagbalik ko sa ulirat.
"Art di muna ako sasabay later pauwi. Jennifer and I would go out," baling ni Jessica sa akin habang naglalakad palabas ng canteen.
"Ganon ba sige sige. I'll text you later pag nakauwi na ako," napakamot na lamang ako sa ulo. Sabay kaming pumasok nila James and Roy sa room. Pagkaupo pa lang ay nagtanong na si Roy, "San ka ba galing kanina?"
"Napatagal lang ako kumpulan kasi ang estudyante sa labas ng room kanina," alibi ko.
"Kanina nag-cr ka ngayon naman napatagal ka? Yung totoo ano bang ginawa mo?" pang-iinis nito.
"Pwede ba Roy, not now," tiim bagang kong tugon.
"I was kinda shocked sa ginawa ni Sir Philip. I'm sure kahit ikaw napaisip sa ginawa ni Sir. I mean she's a new student and besides wala namang teacher ang gagawa non para sa student niya. Diba dapat ay inutos niya iyon sa isa kaklase natin?" nagtataka nitong saad. Nagpatuloy siya ng pagkukwento at alam kong di naghihintay ng sagot galing sakin.
"Maging si Dom ay nagulat din sa ginawa ni Sir. Diba?" tuloy nito.
"Dom?" tanong ko.
"Yeah, Dom as in Dominique Raven Ellsworth, you know the transferee," saad nito. Nakangisi pang tumingin sakin. Nak naman saulo na pati pangalan.
Bigla nalang tumawa si James na sadyang kinagulat namin ni Roy, "Ngayon nasisiguro kong gusto mo siya Roy," dagdag nito. Umiling lang si Roy bilang tugon at tuluyan ng umupo. Mabilis na lumipas ang mga oras at maaga kaming pinauwi matapos ang last subject. Dumiretso ako sa locker at kinuha ang art materials.
•_°
Napatalon ako sa gulat ng makitang nakatingin sa akin ang sabukot na babae. Maayos na nakapusod ang buhok niya. Pinasadahan niya lang ako ng tingin at padabog isinara ang locker niya. Napitlag ako sa gulat. Bahagya pa siyang tumawa ng nakakainsulto saka ako tinalikuran. Sa inis ko sa kanya ay agad kong hinablot ang braso niya. Lambot ng balat nitong sabukot. Bahagyang nawala ang inis ko.
"Oh bakit na naman? Wala pa akong ilang minuto nawala sa paningin mo ehh nami-miss mo na agad ako?" sarkastikong tanong niya. Umayos ako ng tindig at nangunot ang noo. Kapal din talaga ng mukha.
"At san ka humuhugot ng ganyan kakapal na mukha?" inis kong sabi.
"Pwede ba bitawan mo ako! Bago pa magdilim paningin ko," her voice was authoritative.
Iwinasinas ang kamay dahilan para mabitawan ko ang kamay niya.
"Tsk... duwag naman," she uttered. Then, she hurriedly went out of the locker room. I didn't notice that James and Roy were still outside the locker room. Roy and James laughed sarcastically, which made me feel so annoyed.
"Art, masugid mong binubully yung transferee ah. Baka sama-sama na naman tayo sa detention at mapatawag na ang parents natin," sabi ni James.
Pagkuway tumawa si Roy at siyang lalo kong kinainis. Humanda lang talaga ang babaeng iyan sakin bukas. Napatambay pa kami sa parking saka tuluyang nagpaalam na pauwi.
"Ingat kayo. Bukas nalang ulit pre," saad ko.
At exactly 6 nakauwi na ako. Si Manang ang nagbukas ng gate.
"Buti maaga uwi niyo ngayon hijo," si Manang.
"Wala pa po kaming klase pinaka-orientation lang po ngayong araw," sagot ko.
"Nasa loob na din ang ate mo hijo."
Nagpauna na akong pumasok sa bahay. Pagpasok ko naabutan ko na si ate sa sala. Mukhang di pumunta ngayon yung boyfriend niya.
"Hey Art, you okay?" baling agad nito sakin. Mukha ba akong di ayos sa lagay na ito?
"Yeah," I uttered. She rose from her seat and looked at me intently.
"Oh c'mon," panunukso pa nito.
"Don't tell me nag-away kayo ni Jes."
"Of course not," nasusuya kong sagot.
"Then, what's bothering you?"
"Nothing. Okay? I'm not just in a mood. I'll head upstairs," sagot ko at diretso papunta ng kwarto.
Nakaligtaan ko ang oras hanggang sa di ko namalayan nakatulog na pala ako. Ala una na din ng madaling araw ng maalimpungatan ako. Kinapa ko agad kung saan ko ipinatong ang phone ko. Pagbukas ko ay kita ko agad ang missed calls and texts ni Jessica. Tsk... oo nga pala't nagsabi akong i-text ko siya when I get home. Hays...
6:30 p.m
From: Love (Jessica)
Are you home?
7:30 p.m
From: Love (Jessica)
We're here in the mall rn. Ringback when you read this.
9:00
From: Love (Jessica)
Hey, why aren't you answering my calls? We're already home.
1:00 a.m
To: Love (Jessica)
Hey, sorry I forgot to texts you. I fell asleep earlier. I'll make it up to you tomorrow. Good night!
Bago pa ako makalabas ay may naririnig na akong tawanan mula sa sala. Alam kong boses ni ate Aina ang isa sa mga iyon. Nagtungo ako sa sala upang tingnan kung sinong mga kasama ni ate. Ang kanyang boyfriend at mga barkada nila. Ano naman kayang ginagawa ng mga iyan dito sa dis oras ng gabi.
"Hi," biglang tayo ng isa sa mga kaklase ni ate.
"Do you have group projects?" tanong ko kay Lalaine tropa ni ate.
"Why don't you join us Art?" ani ni Gab, boyfriend ni ate.
"May pasok din kasi tomorrow kaya pass muna ako," sagot ko.
•••
Paggising ko ay agad akong naligo and had my breakfast. Maaga akong pumunta kina Jessica. Di na ako pumasok sa bahay nila dahil nag-text si Jessica na maaga siyang naligo, kaya hinintay ko nalang siyang makalabas. Afterwards, she went out of their house.
"Good morning Jessica," bati ko agad. Matipid siyang ngumiti. 'Nagtatampo siguro dahil nakalimutan ko siyang i-message last night. That was the first time that I forgot to text her. Inalalayan ko siya sa pagsakay sa kotse. Nang makisakay na siya ay agad din akong sumakay at mahinahong nag-drive.
"Jessica I'm sorry abt' last night," I uttered.
"Don't think about it. It's fine," nakatinging sinabi iyon.
"Ehh... pero why'd you forget to inform me? I mean, that was the first time it happened, " tuloy niya.
"Ahh... ano kasi sumakit lang ulo ko kaya nakatulog agad ako pag uwi," pagpalusot ko. Hays... wala naman akong ginawang masama pero pakiramdam ko mali na di ko talaga naalala na i-text or tawagan manlang siya. Nawala talaga sa isipan ko si Jessica. And I know, it was about her. Tsk.... Sino bang di mabwisit sa tulad non?
"Okay. Please next time inform mo ako. Okay?" panigurado niya.
"I'll do," sagot ko. Nakangisi siyang bumaling ng tingin sakin.
"Are you free on Saturday?" she asked.
"Yeah," agad kong sagot.
"Samahan mo ako ha mamili ng gifts for Mom and Dad. Padating na sila next week," masaya niyang pagbahagi.
"Sure," ngiti ko. Mabuti nalang di humaba yung pagtatanong niya kung bakit di ako naka-text. Mahal ko na talaga si Jessica but I can't tell her. I know she's the one I wanted to be with. Label nalang kulang. Iyon yung matagal ko ng gusto, ang makuha ang matamis niyang 'Oo.'