Art Apollo's P.O.V
Pagpasok namin ng university hinatid ko si Jessica papuntang room.
"Hey there Art," bati ng isa sa classmates ni Jessica. Tinanguan ko siya bilang tugon.
"I'll fetch you here later. Let's have lunch together, " ani ko.
"I'll see you then," she then kissed me on the cheek. Napangiti ako sa ginawa ni Jessica.
Nang makapasok na si Jessica sa room, inilabas ko agad ang phone at tinawagan si Roy.
"San ka na?" sigaw ko.
"Don't tell me kanina ka pa sa school?" tanong ni Roy sa kabilang linya.
"Yeah, I'm on my way to locker area," humalakhak ang loko.
"Bago iyan ah. Baka nilalagnat ka?" tanong niya pa.
"Dalian mo nalang. I'll wait you in the court," reklamo ko.
"Fine," sigaw niya at agad ko ng binaba ang tawag.
Habang abala sa paglalagay ng gamit sa locker ay siya ng dating ni Roy at James. Kaya di ko na din tinatawagan kung minsan si James lalo kung pagpunta sa school ang usapan dahil madalas halos sabay sila ng pasok. Tinapik ako ni Roy sa braso, "Hmm... anong meron at nauna ka pa sa amin pumasok?"
"I knew it. Sinundo mo si Jessica," ani James.
"Nothing's new. Or baka kayo na?" bulalas ni Roy.
Tinawanan lang siya ni James ng di ako sumagot. Pagkatapos namin maglagay ng gamit sa locker ay nagtungo na kami sa room. Maaga pa kami ng 30 minutes. Kaunti pa ang mga estudyanteng naglipana sa corridor.
"Hi there, Art," bati ni Jade. Lumapit pa ito kasama ang mga kaklase namin.
"Ah hi," tipid ang ngiti ko.
Mabilis na lumipas ang oras at dumating na si Ms. Endrinal. Habang nasa kalagitnaan kami ng discussion ng biglang dating ng transferee. Tila hingal pa ito sa pagmamadaling makapasok. Naka white-long sleeves ito at naka brown pencil skirt ito animo'y college student na.
"Good morning, Ms. Endrinal. Sorry I was late to your class," ani nito. Anak ng tupa di ko pa talaga ito marinig na gumamit manlang ng paggalang. Hinayaan siya ni Ms. na makapasok at ng makaupo na ito ay nagsalita ulit si Ms. Endrinal.
"I don't want late comers. So, next time make sure you won't be late again," ani nito. Tumango lang ito bilang sagot. Ni hindi manlang nagtanong si Ms. kung anong dahilan ng pagiging late nito. Nagtuloy na si Ms. sa discussion at ganon nalang ang gulat ko ng tawagin ako nito sa recitation. Naririnig ko naman lahat ng sinabi niya ngunit parang wala akong naiintindihan.
" Are two atoms of the same element identical? Ramos are you listening?" tanong pa ni Ms. Tumango lang ako. Mapapahiya lang ako sa harap ng sabukot.
"Are two atoms of the same element identical?" ulit pa ni Ms. Endrinal ng tanong.
"Ah...I don't...have any idea Ms, " dahan ko pang sagot.
"Tsk..." nadinig ko mula sa likuran ko kaya saglit akong lumingon at nakitang umiling ang siraulong transferee. Tiningnan ko siya ng masama. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh... Kinalabit ako ni James mula sa tagiliran at daling napukol ang tingin ko sa kanya. Bahagya pa siyang ngumuso paharap bilang senyas at doon ko nakita si Ms. Edrinal na taas kilay sa mga kilos ko.
"You may take your sit, Ramos. I gave you handouts to read instead of keeping them in your locker," paalala ni Ms. Edrinal.
"Sorry Ms," paghingi ko ng paumanhin.
"Stand up Ms. Rowans," striktang pagtawag ni Ms. Agad ding tumayo ang transferee. Okay matangkad talaga siya. She's wearing flats pero halos abutin na nito ang height ko. Pinis kung kumilos pero di katulad ng ibang babae. Bakit nga ba ganon nalang kadali para sakin na i-describe itong babae na ito? Hays....
"Can you repeat the question Ms?" tanong niya kay Ms. Edrinal.
"Are two atoms of the same element identical?"
"No Ms." agad nitong sagot.
"Although two such atoms are essentially chemically identical (they will chemically react in the same way), they are not completely identical," akala ko'y doon na natapos ang explanation niya.
"The nucleus of an atom contains neutrons and protons bonded tightly together. Because same chemical element can have a different number of neutrons and still be the same element," pagtatapos ng sagot niya at agad ding naupo. Bastos talaga di manlang naghintay na paupoin siya. Animo'y sigurado sa lahat ng sagot niya. Hmm.... may laman pala ang utak. Nakangiti si Ms. sa sagot niya.
"Be prepared for tomorrow's short quiz. You'll also be having group activity. So, that's it for today. Study for today's lesson. See you tomorrow," diretsong paalam ni Ms. Edrinal. Paglabas ni Ms. ay agad akong pumihit paharap sa upuan ng transferee.
"Hoy ikaw!" sigaw ko.
"Oh ako nga ito," pilosopong sagot nito. Tsk... nakakabwisit talaga ang pagmumukha.
"Hoy huwag mo akong pinipiloso," asik ko.
"Ano bang kailangan mo? Kulang ba sa pansin estudyante dito?" angil nito. Tumayo ito sa harapan ko at salubong ang kilay, diretsong tingin sakin.
"Sabukot na babae, ang kumakausap lang naman sa'yo ay apo ng may-ari ng school na ito," pagmamalaki ko.
"Eh ano namang paki ko kesehodang apo ka pa ng may-ari ng school na ito. Sana nagtanong ka muna kung interesado ba akong malaman iyang sinasabi mo," malumanay nitong sagot. Nanlulumo ako dahil wala manlang akong makapa na natakot ito sakin. Napakacasual niyang kumilos at magsalita. Leche talaga! Hoy! Gwapo itong kaharap mo. Tinitilian ng mga babae. Tsk...
"Kayang-kaya kitang patalsikin sa school na ito," dagdag ko.
"Baka di mo gustuhin pag ako na ang nagpakilala," kaswal nitong sagot.
"Huwag mo akong pagyabangan sa teritoryo ko," pagyayabang ko.
"Kesehodang teritoryo man ito eh wala akong pakialam," ng akma na siya aalis ay agad kong nahila ang kwelyo ng blouse niya at kita ko ang pagtalsik ng isa nitong butones. Natanggal ito sa pagka-tucked in sa skirt niya. Hinila ko siya hanggang nakarating sa pinakalikuran ng room. Nakatingin lang ito sakin. Ni hindi ko makitaan ng kaba sa mata nito. Isiniksik ko sa pader ang katawan niya at doon ay dinig ko ang pagtunog ng bagsak ng katawan niya. Kitang-kita ko ang pagkuyom ng magkabilang kamao nito. Ang kaninang naghaharutan na sina Jade at Mika sa unahan ay pukol ang mga tingin sa amin. Doon ay dumating sina James at Roy galing cr. Hinawi nito ang mga kaklase namin para makadaan papasok. Kung kanina ay mabibilang pa sa daliri ang estudyante sa room ngayon naman kumpulan na kasama ang ibang section.
"Hala ano naman kayang ginawa niya kay Art?" bulong ni Mika kay Jade.
"Nakita mo naman kanina sa Chemistry mayabang kung sumagot. Baka dahil doon iyon," sagot nito na nakatingin pa din sa amin. Gulat akong tinanggal ng babae ang kamay ko sa kwelyo niya. Napaupo ako sa pagdapo ng kamao niya sa mukha ko. May narinig pa akong hiritan bago pa tuluyang lumabas ang transferee sa room.
Agad akong nilapitan nila Roy at James kasunod sina Jade at tropa nito.
"Tara na muna sa clinic," bulalas ni James. Sobrang sakit ng pagkasapok nito.
Pagkagaling as clinic ay agad na kaming dumiretso sa room. Nakatayo si Sir Philip sa unahan. Maaring kakaumpisa lang ng discussion. Tiningnan lang ako nito ng diretso. Bago pa man ako makaupo ay napansin ko na ang kinakabwisitan ko. Nakasuot na siya ng black hoodie and black jeans at naka white na converse. Nakapusod ng ayos ang buhok nito. Nang naramdaman may nakatingin ay agad itong nagtaas ng tingin. Ang nakikita ko lang sa emosyon niya ay puro yabang. Tumikhim ito na siyang nagpadali sa pagupo ko. Ganon nalang ang tawa ng mga kaklase namin sa biro ni Sir Philip habang nagkaklase. Paglingon ko ay seryoso lang sa pakikinig ang transferee. Nahihimigan kong wala itong pakialam ano mang pinagkakatuwaan sa loob ng room. Ako man ay di maka-relate as tinakbo ng tawanan na iyon. Nang matapos ang klase ay nagmadaling lumabas si Dominique. Kitang-kita ko ang paghabol ng lakad ni Sir Philip sa babaeng iyon. Bago ko pa man sila masundan ay may tumapik sa braso ko, "Art where are you goin?" ani ni James.
"Sa canteen," bulalas ko.
"Mapapalayo tayo pag dyan pa dumaan," nakakunot noo nitong sagot.
Pagpasok pa lang ng canteen ay may kung anong commotion na sa loob nito.
"You're a new student but you're acting like a freak," nasisiguro kong boses ni Jessica iyon. Sino naman kayang makakaaway nito? tanong ko sa sarili.
"It's Jes. Let's get inside," pagmamadali ko kay James and Roy.
"Isa lang yata transferee dito," sagot ni Roy. Agad na pumasok sa isip ko ang kaklase namin. Hindi malabong siya nga iyon.
"Excuse me," paghawi ni Roy sa nagkukumpulang estudyante. Doon ay kitang-kita ko ang transferee at Jessica. Hawak ng transferee sa lapag ang tray at doon ay kapansin-pansin ang mga nagtapunang pagkain sa kanya. Basa ang hoodie nito. Tumingin ito ng diretso kay Jessica bago damputin ang tray, utensils. Maayos nitong inilapag iyon sa counter. Diretso akong pumunta sa tabi ni Jessica. Nang akma na itong aalis ay hinila ito ng isa sa kasamahan ni Jessica.
"Kung inaakala mong tapos na ito pwes nagkakamali ka!" singhal nito. Agad itong hinarap ng babae at tahasang sinalubong ang tingin. Sa gulat ni Ryssi ay di nito natagalan ang mga tinging iyon.
"Estudyante bang matatawag ang tulad niyo o sadyang hinuhulma niyo ang sarili tungo sa pagiging criminal?" seryoso nitong tanong.
"Ang kapal ng mukha mo! Ako criminal?" sigaw nito.
"Kung sa tingin mo ganon ang pinupunto ko eh iyon na nga siguro," kaswal nitong sagot. Kita ko ang galit sa mukha ni Jessica at ng mga kasama nito. Ako man naiinis din sa mga sinasabi nito. Gulat ako sa biglang paghila ni Jessica sa buhok nito.
"Jes stop it," usal ko. Napaigtad ang babae sa ginawa nito.
"Di ako marunong makipagsabunutan pero kayang-kaya kong makipagsuntukan," ani nito. Hinawakan nito ang kamay ni Jessica.
"Isa pang dumapo ang kamay mo sa balat ko, hinding-hindi ako magsisisi gamitin ang kamay ko ng maramdaman mo kung ano ang dulot ng ginagawa niyo," malalim nitong tugon.
"At ikaw, be responsible for your relationship with this woman. Masyadong iyang paranoid. Inform mo siya how bully you are," ani nito.
"Ah... ano?" utal kong tanong.
"Be man enough with your relationship. Tsk... stupid."
"Hoy huwag mo akong pinapangaralan at..." di ko na iyon natuloy ng bigla nitong talikod. Ramdam ko ang pagdaloy ng dugo sakin hanggang sa sentido. Kumukulo ang dugo ko sa pang-iinsulto nito. Doon ay nakaramdam ako ng galit sa lahat ng sinabi nito. Criminal mga estudyante dito? At anong ibig niyang sabihin na maging responsible ako sa relasyon? f**k! Di niya ako kilala para ganon nalang kung pagsabihan!
Di na ako nakapag-recess ng oras na iyon. Maging sina James at Roy nagtataka as mga nangyari. Nang makapasok na kami ng room ay prenteng nakaupo ang babaeng iyon na parang walang nangyari. Akma akong susugod ng agad akong pigilan ni Roy.
"Pre tama na muna. Palamig ka muna. We need to know what stems from that fight.... between Jessica and her," pagpapaliwanag nito.
Hinila ako nito papuntang corridor at doon ay kasunod din namin si James.
"Nakakabwisit lahat ng mga salitang binitawan niya. Kung pagsabihan niya ako parang kilala niya ako. Wala siyang alam sa amin ni Jessica," angil ko.
"Hindi kaya ikaw din dahilan ng away sa pagitan niya at ni Jessica?" tanong ni James.
"I also think that way. Na hindi malabong ikaw ang dahilan kung bakit nagalit si Jessica sa transferee," pagsangayon ni Roy.
"Diba, what was her motives para mag-umpisa ng away sa pagitan nila ni Jessica kung di naman niya kilala si Jessica. She's a transferee. Kung papakinggan mo lahat ng sinabi niya akma sa kilos niya. Hindi siya ang nag-uumpisa ng gulo kundi ikaw na siyang galit sa kanya sa napakaliit na dahilan. And think about it, parang nagselos sa kanya si Jessica. And if you're goin' to asks me why, di ko din alam bakit magseselos sa kanya si Jessica," mahabang paliwanag ni Roy.
"At kung iniisip mo na pabor ako sa ginagawa mo ay hindi. Oo Art were bestfriends pero mali na masaktan mo na siya. Gets mo naman ibig kong sabihin diba? Kung ako man kanina ang kwinelyuhan at pabagsak na sinandal sa pader eh magngingitngit talaga ako sa galit. Baka sobra pa yung nagawa ko dyan," turo nito sa pasa sa mukha ko.
"Hindi iba din talaga ugali niyan. Masyadong mayabang," usal ko.
"Wait! Ano namang pinagyabang sa'yo nung tao? Ikaw ang nagyayabang sa kanya na isa ka sa apo ng may-ari ng school na ito. Hindi ba't first day of class pinatid mo na siya at ang malala tinali mo pa sa armchair yung paa niya. Grabe lang pre," ani ni Roy. Tahimik lang si James pero alam kong marami siyang gustong sabihin. Ganyan lagi si James na pag oras na siya ang nagsalita, napakalalim pero mapapaisip ka. Well, may sense din kausap si Roy pero si James kasi masyadong seryoso di tulad ni Roy na may halo pang biro lahat ng paalala.