Chapter 1
Ang Pagsilang sa Dalawang Itinakda ng Propesiya
Millia Literra was divided into six kingdoms.
Millia Athaerean, Millia Crisraelon, Millia Kisovalon, Millia Ceontis, Millia Lucraidian and Millia Syterria.
Each of these kingdoms is ruled by a powerful King and Queen.
Kasaluyang nasa pagpupulong ngayon ang Hari at Reyna ng anim na kaharian. Ipinatawag nila ang babaylan na nakapagsabi na merong anim na maharlikang sanggol ang isisilang sa parehong taon mula sa anim na kaharian.
"Posible ba iyon? Anim na sanggol ang isisilang ng magkasabay sa anim na kaharian sa loob ng isang taon?" tanong ni Reyna Cynera.
"Totoo iyon, Mahal na Reyna Cynera. Anim ang isisilang na sanggol sa loob ng isang taon," sagot ng babaylan na nagmula sa emperyo ng Millia Ceontis.
"Ngunit dalawa lamang sa anim na iyon mag magiging itinakda. Ayon sa propesiya, ang mga sanggol na isisilang ay nabibigyan ng iba't-ibang uri ng kapangyarihan," pagpapatuloy ng babaylan.
"Anong mangyayari sa dalawang sanggol na tinutukoy mo?" tanong ni Haring Theodore.
"Ang dalawang sanggol na isisilang ay magdadala ng kapayapaan sa buong emperyo," sagot nito sa Hari. "Ngunit, kakaibang kapangyarihan ang kanilang matatanggap hindi tulad sa normal na mga nilalang," dagdag nito.
"At anong namang kakaibang kapangyarihan iyon?" tanong ni Reyna Almera na kakadating pa lamang galing sa kanilang kaharian. "Paumanhin kung ako'y nahuli sa ating pagpupulong," dagdag ni Reyna Almera.
"Ang dalawang itinakda ay magkakaroon ng kakayahan na higit pa sa aming mga babaylan. Nakasaad iyon sa propesiya at dapat na mangyari iyon," ani ng babaylan.
"Paano kung wala sa anim na sanggol ang dalawang itinakda?" tanong ni Haring Octavious.
"Kung wala sa anim na sanggol ang dalawang itinakda, magdudulot ito ng patayan. Mawawalan ng balanse ang mundong ito," sagot ng babaylan.
"Maaari po ba naming malaman kung saan sa anim na kaharian isisilang ang dalawang itinakda?" tanong ni Haring Surian
"Paumanhin, Kamahalan ngunit labas na iyon sa aking kakayahan," sagot ng babaylan.
"Paano namin malalaman kung isa sa mga anak namin ang intinakda ng propesiya?" tanong ni Reyna Serene.
"Ang dalawang itinakda ay may palatandaan. Makikita nyo sa kanilang itaas ng dibdib ang marka ng sinaunang kambal na dragon. Ang isang itinakda ay meron sa kanan at ang ikalawang itinakda ay nasa kaliwa," paliwanang ng babaylan.
"Dapat sa kaharian ng Syterria manggagaling ang isang itinakda!" sigaw ni Haring Alistair
"Hindi maari. Walang nakaasad sa propesiya na sa Kaharian ng Syterria manggaling ang mga itinakda! Hindi ka ba nakikinig sa babaylan, Alistair?" sagot ni Haring Surian
"Sa aming kaharian manggagaling ang mga itinakda!" sigaw ni Haring Sullivan.
Maawtoridad na tumikhim si Haring Theodore kung saan natigilan ang Hari ng Syterria at Lucraidian.
"Alistair, narinig mo naman siguro ang paliwanag ng babaylan? Dalawa sa anim na kaharian manggagaling ang mga itinakda. Hindi natin pwedeng ipilit na sa kaharian ninyo manggagaling," panimula nito. "At nandito tayong lahat nagtitipon-tipon para sa kapayaan,"
"Kapayaan?" sarkastikong tanong ni Reyna Clarissa. "Matagal ng walang kapayaan sa emperyong ito," dagdag niya.
"Tapos na ba ang pagpupulong na ito? Dahil kami ay babalik na sa aming kaharian," wika ni Haring Alistair.
Lumabas sa silid pagpupulong sina Haring Alistair at Reyna Clarissa. Matagal na silang may hidwaan sa iba pang kaharian. Hanggang ngayon ay hindi matanggap ng Syterria na ang kaharian ng Athaerean ang tinitingala nga mga nilalang sa mundong ito.
Unti-unting nagsitayuan ang mga natitirang hari at reyna. Ang natira lamang sa lamesa ay ang Hari at Reyna ng Athaerean, Crisraelon at Ceontis.
"Hindi ko gusto ang inasal kanina ni Alistair," panimula ni Haring Surian.
"Kaylan ma'y hindi nawawala ang hidwaan sa pagitan Athaerean at Syterria," wika ni Reyna Serene.
"Hindi na ako magtataka kung sa susunod na pagkikita natin ay magkakampi na ang Kisovalon, Lucraidian at Syterria laban sa ating tatlo," sagot ni Haring Surian.
"Kung ganun ay dapat na rin siguro tayong mag handa. Ayos lang sa amin kung hindi sa kaharian ng Ceontis manggagaling ang mga itinakda basta wag lang sa tatlong kaharian na iyon," paliwanag ni Reyna Serene.
"Theodore, Octavious, dapat sa Athaerean at Crisraelon manggagaling nag dalawang itinakda. At huwag kayong mag-alala nasa inyo ang katapatan ng Ceontis. Magpapadala ako ng hukbo sa kaharian ninyo upang masiguro ko na walang gagawin ang tatlong kaharian na iyon laban sa inyo," wika ni Haring Surian.
"Malugod naming tinatanggap ang katapatan ng Ceontis," sagot ni Reyna Cynera.
Pagkatapos ng kanilang usapan ay bumalik na rin sa kanilang kaharian sina Haring Octavious, Reyna Almera, Reyna Serene at Haring Surian.
Dumating na ang taong pinakahihintay ng lahat. Ang taon kung saan isisilang ang anim na maharlikang sanggol sa anim na kaharian ng Millia.
"Kinakabahan ako Theodore. Wala sa tatlong kaharian ang may isinilang na itinakda. Tayo nalang natitirang kaharian kasama ng Crisraelon at Ceontis," nababahalang paliwanag ni Reyna Cynera.
"Baka iyang pang-limang pinagbubuntis mo ang isa sa mga itinakda ng propesiya, Cyenra" sagot ni Haring Theodore.
"Kung sa atin manggagaling ang isang itinakda, dapat magtaas na tayo ng sekuridad sa ating kaharian. Sa Athaerean, Crisraelon at Ceontis ngayon nakatutok ang mga mata ng tatlong kaharian sa timog at kanluran"
"Wag kang mag-alala aking, Reyna. Hinding hindi kita papabayaan at narito sa palasyo ang mga ipinadalang hukbo ng Ceontis. Hindi tayo pababayaan nila Surian at Serene"
"Ano na ang balita pala sa kaharian ng Crisraelon at Ceontis? Nanganak na ba si Almera sa kanilang pangalawang prinsepe?"
Bago pa man tuluyang makasagot si Theodore ay biglang bumukas ang pintuan at iniluwa doon ang kanilang panganay na anak.
"Anong nangyari sayo, Adam? Bakit ka nagmamadali? tanong ni Reyna Cynera.
"Nilulusob tayo ng Kisovalon, Lucraidian at Syterria!"
"What?! Damn those traitors!"
"Yes, your highness. I sent my brother together with our troops at the other side of the bridge! Natataya kong sa mga susunod na linggo ay nandito na ang mga kalaban!"
"Si Leviticus ba ang nangunguna sa ating hukbo?"
"Oo, ama. Nagpadala na rin ng dagdag na hukbo ang kaharian ng Ceontis," sagot ni Adam.
Magsasalita na sana ulit it Reyna Cynera ng biglang bumukas ulit ang pintuan. Humahangos na tumatakbo papalapit si Leviticus sa kanilang mga magulang.
"Ama, Ina. Nakatanggap ako ng balita. Nanganak na si Reyna Serene! Ngayon hinati hati ng Kisovalon, Lucraidian at Syterria ang kanilang mga hukbo papunta sa atin at sa Crisraelon!" nababahalang paliwanag ni Leviticus.
"Akala ko ba'y ipinadala ka ng iyong kapatid kasama ang hukbo natin, Levi?" tanong ng Hari.
"I was about to leave the palace, father but a messenger from Ceontis told me that Queen Serene gave birth to their second prince. Sinabi rin sa akin ng mensahero na walang marka ng dragon ang ikalawang prinsipe sa kanang balikat nito," sagot ni Leviticus.
"Kung ganoon ay ako at Almera nalang ang hindi pa nanganganak," wika ni Reyna Cynera.
"Adam, ikaw ang manguna sa ating hukbo. Ihanda ang kanyon at kawal sa labas ng palasyo. Mag padala ka rin ng sulat sa Crisraelon at Ceontis na maghanda dahil hindi ito basta basta paglusob lang kundi isa na itong digmaan," ani ng Hari.
"Leviticus, ipunin mo lahat ng mga malalakas na babaylan sa kahariang ito. Kailangan nating magsagawa ng ritwal para sa harang," dagdag ni Theodore.
"Masusunod, ama"
Lahat sila'y napalingon ng may kumatok sa pintuan ng silid aklatan.
Pumasok ang taga silbi ng reyna sa silid aklatan.
"Im sorry for the nuisance, your highness. Nais ko lang sabihin sa inyo na may limang dyosang galing sa Sutton ang bumaba sa lupa. The Goddess of the Wolves, Goddess of the Dreams, Goddess of the Healer, Goddess of the Blue Fire and Goddess of the Tears."
"Limang Dyosang bumaba sa lupa? Is this really a war, Father?" tanong ni Adam.
"If they want to oppose us, this will be the first war between the six kingdoms. Send a letter to the kingdom of Crisraelon and Ceontis. We will fight and face those traitors."
Nagpaalam na kaagad ang unang prinsipe pagkatapos magbigay ng utos si Haring Theodore.
Habang papalapit na ang araw ng pagdating ng mga kalaban, lalong nangamba si Reyna Cynera dahil anumang oras ay isisilang na nya ang kanilang munting prinsesa.
Kasalukuyang pinagmamasdan ngayon ni Reyna Cynera mula sa kanilang silid ang mga kawal na naghahanda sa ibaba.
Mga naglalakihang kanyon, matatalas na espada, at mga kabayong may suot na pang digma ay hinahanda na rin.
Biglang may kumatok sa pintuan at walang sabing napalingon si Reyna Cynera.
Iniluwa doon ang haring kanyang tinitingala simula noong makilala nya ito.
Bumalik ulit sa kanyang alaala ang kanilang unang pagtatagpo sa mundong ito.
Kasalukuyan ako ngayong naglalakad sa gitna ng kagubatan.
Nasaang emperyo na ba ako? Millia Athaerean na ba ito?
Bigla akong napahinto sa paglalakad ng may maramdaman akong presenya.
Palingon lingon ako sa paligid ngunit wala akong makita. Kinakabahan na ako sa mga oras na iyon.
"W-who are you?! Magpakita ka!"
Biglang may tumambad na lalaki sa aking harapan. Natataya kong isa itong maharlika at kakagaling lang ito sa pangangabayo!
He's wearing a white long sleeves with visible traces of his body, tucked in his black pants, matching black boots with a sword on his left waist.
Is he a vampire?
I was dumbfounded by his elegance. His stance shouts authority while his eyes are focused on me.
Nang mapansin niyang nakakunot na ang mga noo ko, agad niyang binawi ang kanyang tingin at tumikhim ito.
"Tila ikaw ay naliligaw, binibini."
At yun ang unang pagkikita namin ni Theodore.
END OF FLASHBACK
"Tila'y nababalisa yata ang aking Reyna?"
"Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Nagagalak ako kasi isisilang ko na ang ating prinsesa ngunit ako'y labis na nangangamba sa mundong sasalubong sa kanya."
"Don't worry, Cynera. It will be fine. Crisraelon and Ceontis is on our side."
Makalipas ng nang isang minuto, dumating sa silid ang apat na Prinsipe ng Athaerean.
"Ina, Ama," panimula ni Hans.
"May mensaherong dumating ulit galing ng Ceontis. May ipinadalang liham si Haring Octavious," pagpapatuloy ni Fred.
Ini-abot ito Adam ang sulat sa kanilang Ama.
"Ano ang laman ng liham ni Octavious?" tanong ni Reyna Cynera.
"Idadala nila sa ating palasyo ni Almera upang mas mabigyan sya ng proteksyon kagaya mo. Papalapit na ang mga kalaban kaya't nasisiguro kong mas uunahin ni Octavious ang kapakanan ng kaniyang mag-ina," sagot ni Haring Theodore.
"Sabihin nyo sa mga babaylan at mga Dyosang narito at gumawa na kaagad ng proteksyon sa buong palasyo. Sisiguruhin nating walang sino mang kalaban ang makakapasok!" dagdag ni Haring Theodore.
"Masusunod, Ama." sabay yumuko ang apat na Prinsipe at nilisan ang silid.
Malapit na lumubog ang araw at papalapit na rin ang mga kalaban.
Dumating na sina Reyna Almera at ang kanyang panganay Prinsipe na si Titus.
"Kamahalan, narito na po sa palasyo si Reyna Almera! Malapit na syang manganak"
"Kamahalan! Nilulusob na tayo ng mga kalaban!"
"Theodore, malapit nang manganak si Cynera!"
Halos mabingi na sa sunod sunod na sigaw si Theodore. Hindi nya alam kung ano ang kanyang gagawin sa mga oras na ito.
"Damn! Protect the Queens! Higpitan nyo ang sekuridad sa silid kung saan sila manganganak. Sabihin sa mga babaylan at dyosang naririto na mas doblehin nila ang kanilang mga mahika!" sigaw ni Haring Theodore.
"Natatakot ako, Theodore. Natatakot akong baka patayin nila si Celes," pagsusumamo ni Reyna Cynera.
"Hindi ko kayo pababayaan. Sisiguraduhin kong walang makakapasok sa silid na ito," hinawakan ni Theodore ang kamay ni Reyna Cyenra. "I'll protect you with all cost," sabay halik sa noo nito.
"Kamusta ang lagay mo, Almera?" tanong ni Haring Theodore dahil nasa kabilang kama ito naka higa.
"Kagaya ni Cynera ay natatakot din ako, Theodore. Hanggang ngayon ay wala parin akong balita sa mga anak ko at kay Octavious."
Magsasalita na sana si Haring Theodore ng biglang bumukas ang pintuan.
"Paumanhin, Kamahalan ngunit nais ko lang sabihin sa iyo na may pinadalang mensahe si Haring Octavious para sa inyo." wika ng kawal nakakapasok pa lang.
"Ano ang sulat ni Octavious, Theodore?" tanong ni Reyna Almera
"Ang sabi sa sulat ay bigla nalang umatras ang mga kalaban na nais sanang lusubin ang palasyo ninyo ngunit..." pagputol nito.
"Ngunit ano?" sabah na tanong ni Reyna Cynera at Reyna Almera.
"Ngunit natunugan ng mga kalaban na wala si Almera sa palasyo kaya't ang lahat ng pwersa nila ngayon ay naka tuon sa atin."
Halos maduwal sila sa sobrang kaba sa sandaling marinig nila ang laman ng sulat galing sa Crisraelon
"At ano pa ang kaniyang ulat?" nababahalang tanong ni Reyna Almera.
"Kasalukuyan sila ngayong papunta sa Athaerean. Kasama ni Octavious ang iba ninyo pang anak at mga natitirang kawal," sagot ni Theodore.
"Wag kang mag-alala, Almera. Alam kong makakarating sila ng maayos dito," pagpapagaan nito sa loob ni Reyna Almera.
"Magbaba ako ng utos sa ating mga kawal. Sasalubungin sila nito sa tulay upang mapanatili nating ligtas sina Octavious." madiing sabi nito.
"Maraming salamat, Theodore. Ikalulugod ko ang pagtanggap ninyo sa amin dito sa palasyo niyo."
"Sino pa ba ang magtutulungan sa mga oras na ito? Kundi tayo lang at ang kaharian ng Ceontis."
Nagsimula nang lumubog ang araw.
Malalakas na yabag ng mga kabayo, ingay ng iba't-ibang uri ng armas galing sa mga kawal, at mga maglalakasang tambol sa magkabilang panig. Isa lang ang ibig sabihin nito. Nagsisimula na ang digmaan. Digmaan para sa mga itinakda ng propesiya.
Halos mabulabog ang lahat sa palasyo. Ang mga babaylan ay kasalukuyang gumagawa ng harang dahil anumang oras ay manganganak na kami ni Almera.
Naputol ang pag-iisip ko nang biglang nakaramdam na ako ng sakit.
"Manganganak na ako!" sigaw ko.
"Sumasakit na rin ang tiyan ko." sunod na sabi ni Almera.
Nagsilapitan ang ibang babaylan at mga taga sunod upang alalayan ako. Ganun din kay Almera dahil alam kong anumang oras ay manganganak din siya.
Ang unang pag hampas ng tambol ay hudyat ng unang pagsalakay.
Ikalawang hampas ng tambol. Sabay kaming napasigaw ni Almera.
Ikatlong hampas ng tambol. Humahalo ang tinig namin sa mga kawal na nakikipaglaban sa labas.
"Kontin ire pa, malapit na! Nakakapa ko na ang ulo ng bata!" sigaw ng babaylan na umaalalay sakin.
Tumango din ang babaylan na umaalalay kay Almera dahil ganun rin ang kanilang sitwasyon.
Nilingon ko si Almera. Nakikita ko ang kaniyang paghihirap. Mga butil ng pawis ay siyang nalalaytay sa kaniyang noo.
"Almera..."
"Cynera..."
"Wag kang mag-alala. Alam kong sa mga oras na ito, kasama na ni Theodore si Octavious at ang iba niyo pang anak."
"Hindi parin ako mapalagay, Cynera..."
Magsasalita pa sana ako ulit ng sabihin ng babaylan na kailangan ko nang umire ng napakalakas.
"Isang malakas na ire na lang kamahalan," wika ng babaylan.
Bago pa man ako umire ay nilingon ko ulit si Almera. Sabay sabing...
"Magtiwala ka lang."
At sa ika-apat na hampas ng tambol. Isang malakas na ire ang ginawa namin ni Almera.
Nabalot ng tinig namin ni Almera ang buong silid kung saan kami naroroon.
At kasabay ng mga putok ng kanyon, mga kawal na nagisisigawan sa labas, ay ang pag-iyak ng dalawang itinakda ng propesiya.
Ang silid na kanina'y nababalot ng sigaw namin ni Almera ay napalitan ng tinig nga dalawang itinakda.
Sabay nilang itinaas ang munting prinsipe at prinsesa bilang pag bibigay pugay sa kanilang pag-silang.
"Bigay pugay sa dalawang itinakda ng propesiya!"
Umalingangaw at nangibabae ang kanilang iyak sa loob ng silid at tuluyan na nga akong nawalan ako ng malay.