Chapter Twelve

1428 Words
Leo POV; Di parin mawala ang badtrip ko don sa dalawang babae kanina, bakit ba may mga taong mapanghusga kung mas babasihan nga lang sa hitsura mas maganda pa nga si Lixien kaysa sa mga pagmumukha nila parang nginudngud sa asin maganda lang sa kanila yung damit nilang suot eh. "Ahm' thank you nga pala kanina Leo" "Wala yon' masayado lang kasi sila papansin" "Oo nga eh ang gwapo mo kasi'" bigla naman akong lumingon sa kanya nakangiti na naman siya "DAW sabi nila" dugtong pa niya sabay tawa "naku Lixien kaylan kaya ako magtitimpi mahahalikan na talaga kita promise" "Hoy tumingin ka nga sa daan pasaway ka" bigla sabi nito at hinawakan pa niya ang pisnge ko "Doon ka tumingin uuwi pa ako sa amin loko" Natawa naman ako sa kanya "Dont worry Lexien safe kang uuwi sa inyo" lumingon ulit ako sa kanya at kumindat pa ako sa kanya, "Tsskk" tanging nasabi na lang nito inayos ang pagkakaupo, "aba' nag seating pretty pa nga sabagay pretty naman talaga siya eh" sa isip ko natawa naman ako "Bakit natawa ka diyan ha?" pinagtaka niya naman "Wala" wika ko at sabay binuksan ko na lang ang audio system para magpatutog, perfect timing naman dahil yong favorate song ko pa ang naka play 'I Lost Myself In Loving You' by 'Jamie Miller' kaya sumabay din ako sa pag kanta. They say Time is always meant to heal the fall Tell me Why it doesn't seem to help at all You're okay I'm here tryna pick the pieces up Of the old me Before you say that I'm not enough I'm tryna find the heart I lost I'm tryna be who I once was Missing parts of me All because, all because Pakiramdam ko nakatingin siya sa akin kaya lumingon ako sa kanya nakatingin nga halatang nagulat ata sa boses kong pang singer. "A-ang ganda pala ng boses mo parang ka boses mo nga si Jamie Miller" "syempre gagandahan ko kasi nagpapa impress nga ako sayo ehh" sa isip ko, huminto muna ako sa tabi na pinagtaka naman niya at tumingin sa paligid saka tumingin sa akin "Bakit ka huminto Leo" "Kapag ba lagi kitang kakantahan maiinlove ka ba sa akin Lexien" tumingin ako sa kanya napakunot noo naman siya halatang naguguluhan sa sinabi ko Bumuntong hininga muna ako at hinawakan ang kamay niya na ikinabigla niya naman "wala na, aminan na talaga ito bahala na" kahit sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko "Aamin na ako sayo Lexien na 'Love At First Sight' ako sayo" "wohh!! nasabi ko din!" pakiramdam ko pinagpapawisan ako ng malamig Nanlakihan naman ang mga mata niya "L-leo ano na naman ba trip mo ha?" natawang sabi niya at binawi ang kamay niya "Totoo nga seryoso ako Lexien, pinapaalam ko na sayo ng maaga para mapaghadaan ko na, ayokong e reject mo ako ngayon hayaan mo munang maging kaibigan mo ako na nanliligaw sayo okay lang naman sa akin kahit walang pag asa dahil ramdam ko naman na may gusto ka kay Marco eh" nakakalungkot man pero nahahalata ko naman agad iyon sa kanya pero syempre try lang baka may pag-asa pang magbago ang ikot ng mundo niya. "Tungkol sa inyo ni Marco alam kong Arrange marriage lang ang ganap niyong dalawa sa mga kinikilos niyo pa lang alam kona, kaya may pag asa pa akong ligawan ka at iparamdam sayo kung gaano kita ka gusto Lexien" "L-leo? a-ano bang-" "Huwag kang mag alala hindi naman kita pipilitin na magustuhan mo din ako eh, hayaan mo lang akong ligawan ka at nakakasama sana wag mokong iwasan ngayon na umamin na ako sayo,' dahil sobrang malulungkot ako kapag maging ganon ka sa akin okay lang naman sa akin kung hangang kaibigan lang ang turing mo sa akin basta ako higit pa sa kaibigan ang turing ko sayo hmm" Natulala lang siya sa mga sinabi ko natahimik lang siya "Ayan ang nagustuhan ko sayo eh ang natutulala sa kagwapuhan ko" sabay pinisil ko ang pisngi niya kanina pa pa pulang pula "Huwag mong masyadong isipin mga sinabi ko ha ako lang dapat ang magiisip, magiisip kong paano kita makukuha kay Marco" Kita ko pa kung paano siya napalunok, kinakabahan na din ata dahil sa mga sinabi ko. "Baliw ka talaga Leo ikaw ba iyan?, kinakabahan ako sa mga pinagsasabi mo eh" "Siguro nga tama ka baliw nga ako, na baliw ako sayo bigla" sabay kindat pa sa kanya na napanganga naman siya "s**t! oa na kung oa pero ngayon lang kasi ako umamin ng ganito" "Lalo ka lang nagiging cute dahil ang pula-pula na ng pisnge mo" natatawa kong sabi agad naman niya tinakpan gamit ng mga kamay niya. "Uwi na nga lang kita sa amin, este sa inyo pala hahah" sabay malakas na tawa "Leo naman eh baliw talaga to!!" at hinampas ako sa balikat Napiling na lang akong en-start ko na ulit ang kotse. Hangang sa makarating na kami sa apartment niya nanatili lang siya walang imik. Halatang ang lalim ng iniisip, kinabahan tuloy ako bigla baka mamaya iwasan niya na ako. Pagkapark po sinadya ko talagang e lock ang pinto para di niya mabuksan agad.At di nga ako nagkamali, ayon nga tinry niya ngang buksan. "Leo? pabukas please" "Pahiram muna ng cellphone mo" "Ba-bakit" Imbes na sumagot ako nilahad ko lang ang kamay ko Bumuntong hiniga na lang siya at kinuha ang phone niya sa bag at nilagay niya sa kamay ko. Agad ko naman tinype ang number ko at si-nave iyon' at kin-contact yong number ko para may number din ako sa kaniya at biglang nag ring na nga ang phone ko, auto save na char.' "Yon' buti may load ka 'Ur Leo' naka save diyan at dito naman sa akin 'My Lhex' diba ang cute" nakangisi ko pang sabi sa kanya naka kunot noo na naman habang pinapanood ang pagkakalikot ko sa phone niya at sa phone ko. "Ibang klase ka talaga eh no" iiling iling pang sabi nito "Syempre kapag hiningi ko tiyak na di mo ibibigay eh" "Ang talino mo talaga eh no' na alam mo ka agad iyon" napangising sabi niya "Syempre ako pa" pagyayabang ko pa at akmang lalabas na sana ngunit pinigilan ko ito. "Hayaan mo akong magbukas ng pinto mo Lex" agad naman ako lumabas para nga pag buksan siya Pagkalabas naman niya "Pagbubuksan ko din ang puso mo para ako ang makapasok diyan" wala na' feeling ko ang corny corny ko na talaga, napatitig na naman siya sa akin at ganon din ako sa kanya sobrang pula na ng magkabilang pisnge niya, ilang sigundo pa biglang umiwas siya ng tingin. "Pasok na nga lang ako kung ano ano na mga pinagsasabi mo diyan eh" Natawa na lang ako "Sige pasok kana baka makidnap pa kita eh" "Baliw!" Napahagalpak na lang ako ng tawa nung makita ko ang reaksyon niya "Ang cute mo talaga" "Che!! ba-bye na thank you nga pala sa pag hatid" at nagpatuloy na siya sa paglalakad "Always welcome Lhex" pahabol ko pang sabi, pinanood ko pa siya hangang sa makarating siya sa apartment niya at lumingon pa ito sa akin kaya kumaway pa ako dito ganon din siya bago pumasok. Napabuntong hininga na lang ako pagkapasok niya at hinimas himas ko pa ang aking dibdib feeling ko parang may Jack Hammer drill sa loob nito sa bilis ng heartbeat ko. "Kinakabahan tuloy ako, sana naman wag niya akong iwasan, talagang bahala na si batman nito" Di pa ako nakakalyo sa Apartment ni Lexien ng mag ring ang phone ko "Namiss niya ba ako agad" napangisi kong sambit at kinuha ang phone, pagkatingin ko si kutong lupa pala "Bakit Aaron?" "Kasama mo pa ba siya?" si Lexien ang tinutukoy niya "Hindi na bakit" "Dude pinapaalala ko lang ulit sayo na hindi basta basta ang babangain mo nang dahil lang kay Lexien" "Huwag kang mag aalala nakatatak naman na iyan sa utak ko, at nakahanda naman na ako sa anumang mangyayari" "Pero Leo- "Pwide Aaron mind your own business na lang! saka na tayo mag usap, nag da drive pa ako bye!" sabay baba ko na ng phone "F**k! " sa inis ko napahampas ako sa manibela "Eh ano naman kung malaman ni Marco na nililigawan ko si Lexien halata naman sa kanya na di niya gusto si Lexien eh!" para akong timang na nagsasalita mag isa, kahit sino pang ponchio pilato ang makakabangga ko di ako magpapatalo para lang maipaglaban ko ang mahal ko oa na kung oa wala eh, sa ganito ako mag mahal may magagawa ba sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD