Chapter ELEVEN

1442 Words
Lexien Pov; "Sir Leo" tawag ko dito, "Nagmamadali ka ba?" tanong nito habang papalapit sa akin, ngunit tumingin ito sa may likuran ko at biglang sumeryoso ito na pinagtaka ko naman "HEY! nerd?!!" tawag sa niya sa akin "kaya pala nasa likuran ko na pala tong dragon na ito" pagkaharap ko sa kanya para na naman nag aapoy ang mga nito sa galit, bigla na naman lumakas ang kabog ng dibdib ko nang lumapit pa ito lalo sa akin "Don't be too excited Nerd' dahil yan ang maghahatid sayo papunta sa empyerno, tandaan mo iyan!!" tingin pa lang niya talagang malalagot ka. Ngumisi pa ito ng nakakaloko bago umalis na ikinalunok ko naman ng laway ko. "Marco?!" tawag pa sana ni sir Leo ngunit nag patuloy na ito sa paglalakad, "Are you okay Lexien" tanong nito habang hinimas ang balikat ko "O-opo S-sir" "Sure?" paninigurado pa nito Ngumiti na lang ako dito, at nagbitaw na lang ito ng buntong hininga "Inantay kita para sana sabay tayong kumain eh." sabi nito napakamot pa sa batok "Libre niyo po ba?" biro ko dito "Oo naman" agad naman niyang sagot "Sige, tara" Dumiretso na nga kami ng cafeteria hangang sa nakarating na nga kami dito sa cafeteria wala pari kapaguran ang panga sa kakadaldal tong isa na'to. Panay tango at ngiti na lang ako sa kaniya, Pero buti na lang di niya tinatanong yong tungkol sa amin ni Sir Marco, sa isip ko "Upo kana, ako na ang mag o-order baka kasi kape at tinapay na naman ang io-order mo eh" natawa pang sabi nito Natawa na lang din ako sa sinabi niya. Kagabi kasi iyon lang yong inorder ko ang mamahal kasi ng mga pagkain nila dito sa cafeteria ng ospital parang, para lang sa mga mayayaman tong ospital na'to eh' silid nga lang ni Ma'am Esme ang gara na. Kaya nagulat na lang din ako kagabi nilapag niya yong pagkain sa harapan ko para daw sa akin, siya din siguro nagbayad non. Habang busy siya sa pagpili ng pagkain kinuha ko muna ang aking cellphone upang tingnan kung may update na sila Carla, ngunit wala parin update. Napabuntong hininga na lang ako at binalik sa bag ang cellphone. Mga Ilang minuto nasa harapan ko na si sir Leo at naglakihan ang mga mata ko nang ilapag na niya mga inorder niyang pagkain. "Sir Leo ang dami naman po nito" "Okay lang iyan di kapag di natin maubos pa take out na lang natin" kinindatan niya pa ako "Let's eat na" at nag umpisa na din mag sandok at akmang ilalagay sa plato ko ngunit pinigilan ko, "A-ako na po sir Leo" sabi ko ngunit nailagay niya parin sa plato ko "Kumain ka ng kumain para tumaba ka naman" "S-salamat" tanging nasabi ko na lamang at nagsimula na din sumubo Naiilang ako sa mga titig niya parang may kung anong gusto sabihin, "Naku baka itatanong niya na yong tungkol sa amin ni Sir Marco" "HHmm.,, about sa inyo ni Marco anong meron sa inyong dalawa?" Biglang tanong naman niya na ikinasamid ko naman "Sinasabi ko na nga ba ehh" "Uyy! dahan dahan lang kasi" natawang sabi nito sabay bahagyang tumapik sa may likod ko "S-sorry po sir" maubo ubo ko pang sabi ngumiti na lang ito "Teka' ilang beses ko na kayang nasabi sayo na tigil tigilan mo ang pagtawag sa akin na Sir' ang kulit kulit mo talaga eh" sabay pitik pa sa noo ko "A--aray naman po nakasanayan ko na po kasi eh" "Isa pa iyan 'PO' na iyan ganun na ba ako katanda sayo hmm?" "Heheh Oo na, hindi na nga 'PO' oo nga pala kunti lang pala ang tanda mo saakin" napangisi pa ako Bumusangot na lang ito' ang cute lang ehh "Iniiba mo naman na ang usapan natin ehh" "Pwede ko bang malaman kong anong meron sa inyo ni Marco?" napatitig naman ako sa kanya "hala seryoso na nga siya" napabuntong hininga na lang "A-ano kasi eh--" paano ko ba papaliwag sa kaniya "Its okay Lexien basta wag ka parin magbabago sa akin kapag mag asawa na kayo ni Marco okay?, Friends parin tayo ha" "O-oo naman" "Gusto ko ganito ka parin sa akin kung paano mo ako tratuhin ngayon' wag kang mailalang sa akin ha ituring mo akong tunay na kaibigan or kapatid dahil ganun din ako sayo, kaya nga ganito ako sayo eh,. Wag kang maiilang na mag open sa akin ng problima, pwede mo akong takbuhan lalo na kapag nag aaway kayo ni Marco" natawa pa ito Natulala naman ako sa kaniya sa mga sinabi niya diko inexpect iyon' "sadyang napakabait niyo naman po Lord hindi niyo parin ako hinayaan na mag isa" sa isip ko "Uyy! natulala kana diyan" sabay pitik pa sa noo ko. "T-thank you Sir- ay' este Leo" habang hinimas ko naman ang noo ko "Ang cute cute mo talaga" sabay pisil ng pisnge ko "Kumain na lang tayo para maasikaso mo na yong pinapagawa sayo ni tita, gusto mo samahan kita?" "Naku wag na Leo makaka istorbo pa ako sayo niyan eh" Kumunot noo ko dahil nakatitig lang ito sa akin habang nakangiti, naiilang tuloy ako "B-bakit?" takang tanong ko sa kanya "Ang cute mo naman tumawag sa name ko, ulit nga" bigla sabi nito Pakiramdam ko biglang pumula ang magkabilang pisngi ko dahil sa hiya, "P-parang timang to" "Grabi ka naman sa akin" "Oo nga eh ang cute ng name mo, kulang na nga lang letter N para LEON eh hahaha ay!, mali LION nga pala iyon sorry" at napahagalpak ako sa tawa na ikinabusangot niya naman ulit. "Sige tawa ka pa diyan huh, ikaw ang magbabayad nitong kinakain natin" "Ito naman di na mabiro lang ehh" biglang sumeryoso ko "Tss! kumain kana nga lang diyan baka mahalikan na kita diyan ehh" "Nandito lang pala kayo! di niyo man lang ako inaya para kumain din" Diko na narinig pa ang huling sinabi ni Leo dahil sa biglang sulpot naman ni Sir Aaron "Tssk! malay ba namin na kakain ka din" pasungit sa sabi ni Leo "Tingnan mo'to" at umupo na din sa tabi ni Leo "Dami nito ah' bakit Leo naramdaman mo na bang kakain rin ako ha?" "Kumain kana nga lang diyan dami mo pang dada!" "Sungit" ngumuso na lang ito at nag simula na ding kumain "Uy! Lexien nakakabigla man pero, congrats parin sa inyo ni Marco ha" bigla sabi ni Sir Aaron na may pagkindat pa. Nginitian ko na lang ito at pagbaling ko ng tingin kay Leo nakasimangot parin "Kain kana din wag mo nang pansinin iyan" pabulong na sabi nito sa akin tumango na lang ako at nagpatuloy na din kumain. "Nga pala Lexien, after this saan ka didiretso Lexien?" "Uuwi muna ako sa apartment para kunin yong mga kakailanganin kong requirements" "Hatid na kita sa inyo" napatingin naman bigla sa kanya si Aaron ng may pagtataka "Naku' wag na Leo" "Please" nag pacute pa nga, napabuntong hininga na lang ako. "Mapilit ka talaga eh no, sige na nga lang" "Yes!" parang batang nabigyan ng candy sa tuwa ehh. Nang matapos na kaming kumain nagpasya na nga kaming umuwi ni Leo si sir Aaron naman na una na dahil may urgent meeting daw kaya ayon nagmamadaling lumabas. "Wait mo na lang ako dito kunin ko lang yong kotse ko sa parking lot" Ngumiti na lang ako dito at tumango Mga ilang minuto lang may biglang humintong Lamborghini sa may harapan ko na ikinamangha ko naman dahil sa ganda nito. At napapanganga pa ako nang biglang lumabas ang prinsipe este si Leo. "Angas ba?" sabi nito "O-oo, nahiya tuloy akong sumakay eh" napakamot pa ako sa batok. Bukod sa ang gara ng kotse niya pinagtitingin pa kami ng mga tao nakapaligid sa amin. tsismosa one"Ang Angas naman ng kotse niya" tsismosa two"Oo nga, ang pogi pa nung guy, swerte naman nung yaya niya pinapasakay niya pa sa magara niyang sasakyan" "Aray naman! yaya daw ako" sa isip ko na lang at napayuko na lang ako dahil sa hiya. "She''s my bestfriend not a YAYA! okay?!" "So-sorry po" Nagulat naman ako sa narinig ko at pag angat ko ng tingin diko namalayan na wala na pala ito sa harapan ko dahil pinuntahan pala yong dalawang tsismosa. Napatitig na lang ako sa kanya habang papalapit na sakin "First time kong makita ang seryoso niyang mukha" "Get in" seryoso niyang sabi sa akin pagkabukas niya ng pinto ng kotse "ang gentleman naman talagang pinagbuksan niya pa ako ng pinto" "Sa-salamat Leo" tanging nasabi ko na lamang at ngumiti ako sa kanya yong seryoso niyang mukha bigla naman sumigla ulit. Tumango na lang ito at pumasok na din ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD