Chapter TEN
Leo PoV:
Kahit nakangiti malungkot na mga mata parin niya ang nangingibabaw "parang mukang may pinagdadaanan ata siya".
Lalo tuloy ako na ku-curious sa kanya., Iwan ko ba't napakagaan niya agad ang loob ko nung unang kita ko pa lang sa kanya sa ospital., hindi naman ako ganito sa mga ibang babaeng nakakasalamuha ko pero pagdating sa kanya iba, palibhasa nasanay kasi ako na puro's malalanding babae ang nakakasama ko tapos yong iba naman halos magpakamatay para maka one night stand ko lang.
Syempre yon na talaga ang hubbies ko ang makipaglandian sa kanila, Pero sa kanya kapag kausap ko na siya may kung anong kakaiba ako nararamdaman para bang ang tagal na namin close sa isa't isa, napakagaan sa pakiramdam, para akong may anghel na kasama kapag kasama ko siya.
Kagabi gusto ko nga sanang ako na ang maghahatid sa kanya kaso naunahan na ako ni Tita na utusan si Marco ihatid siya sa bahay niya.
Kaya nung narinig kong susunduin ulit siya nagmadali akong sumunod kay Marco para sumama para na din malaman bahay nila, at hindi naman ako nabigo.
Napapansin ko dito kay Marco masyadong masungit kay Lexien., Oh baka dahil lang siguro sa broken hearted kaya kahit si Lexien nasusungitan niya.
"Nga pala Lexien sino kasama mo sa apartment napansin ko kasi kanina dalawa kwarto ng apartment mo eh?" binasag ko na ang katahimikan naming tatlo si Marco naman seryosong nag da-drive
"Yong kaibigan ko po' pero ngayon wala na po siya doon, nasa America na po" may halong lunggkot na tunong wika nita.,
"Ohh!' di., ikaw na lang mag isa doon?' paglingon ko sa kanya nakikita ko na naman ang lungkot na mga mata niya
"O-opo" sagot nito at umiwas ng tingin sa akin
"Ahm! pwedi naman ako pumalit' hahah" biglang biro ko
"Po?!" gulat na gulat girl
Bigla din napa preno si Marco na halos mahalik ko na ang dash boared si Lexien naman napayakap naman sa may likuran ng inuupuan ko hindi ko din kasi ugali mag seltbelt kaya parang warning na ito sa para next time na si Marco ang driver "may pagkasaltik talaga tong isa na'to eh.."
"Hey!! dahan dahan bro!" sabi ko aba pinang dilatan niya lang ako ng mata "aba't tong,. ano kayang problima nito". nilingon ko na lang ulit si Lexien saglit akong napatitig sa kanya parang biglang nag slow motion pa siya sa paningin ko, dahil ngaun ko nakita ang kagandahan ng mukha niya dahil walang makapal na salamin. Lumapit pa ito lalo sa akin dahil inaabot yong salamin niyang nalaglag pala sa may banda sa akin, s**t OA na kung OA ako pero
"Ang ganda niya promise" tanging nasa isip ko
"L-Lexin, are you okay?!" napalunok pa ako ng laway ko
"O-opo sir Leo" sagot naman nito habang inaayos ang pagkakasuot ng salamin niya
"Nabasag ba iyang salamin mo?"
"Hindi naman po Sir Leo" ngumiti pa nga sa akin "naku Lexien namumuro kana talaga"
Bigla naman kami napalingon kay Marco ng bigla niya naman pag start ng sasakyan
"Marco ako na lang kaya ang mag da-drive para magpahinga kana muna" ngunit di ako pinansin at tinuloy lang ang pag da-drive "tssk tuyuin talaga tong isa na'to eh"
Lexien PoV:
"Nagsusungit na naman umagang umaga" bulong sa akin ni sir Leo habang naglalakad na kami patungo sa silid ni ma'am Esmeralda nauna kasi kami dahil sa sir Marco naghahanap pa ng pagpaparking'an,
"Shh.., baka po marinig tayo"
"Wag ka ngang matakot diyan sa mokong na iyon" inis na sabi nito
"Sinong mokong tinutukoy mo ako ba Leo?!"
napalingon kami pareho sa may likuran namin, nakasunod na din pala ito sa amin
" Naku patay ayan na nga narinig ata kami" sa isip ko
"Ah- EH sir hindi ho kayo yong tinutukoy ni sir Leo yong isa ko pong kaibigan" sabi ko ngunit napalunok ako ng laway ko nang napatiim bagang siya at matalim akong tinitigan,
"Next time kong maglalandian kayo wag dito sa ospital okay!"
"Ngek anong connect don sa-"
"Thanks for the reminder dude" agad naman sabi ni sir Leo kumindat pa dito with nakakaloko pang ngiti at sabay akbay pa sa akin
Takang taka naman akong tumingin sa kanya nasa mukha parin ang mapang asar diko alam kung sadyang inaasar niya lang talaga si sir Marco,
"naku mapang asar ka talaga sir Leo malalagot na tayo niyan eh" pasimpleng bulong ko dito ngunit kinindatan lang din ako nito.
"Nandito na pala kayong tatlo" sabay sabay din kaming tatlo napalingon sa nagsalita
"Kanina pa nag aantay sa inyo si Tita bilisan niyo"
"Bakit Aaron tapos kana bang sermonan" nakangising sabi ni sir Leo
"Baliw! anong sermon pinagsasabi mo diyan baka si Marco ang hindi pa hahaha" nagtawanan namanang dalawa pa simpleng tingin naman ako sa kanya
"naku lagot na napipikon na parang may lalabas na ng apoy ang mga mata niya"
"Will just shut your F****g mouth both of you!!" bulyaw naman niya sa mga to' na bigla naman huminto sa kakatawa.
"Ayan na naman siya naging dragon na naman siya"
"Laging may regla" rinig ko pang sabi ni sir Leo na biglang hinto naman ni sir Marco na halos umusok na ang ilong sa galit
"Isa pa Leo masusuntok ko na yang nguso mo kapag hindi ka pa tumigil kakaputak diyan"
Bigla naman nag peace sign ito ang lakas kasi mang asar isang to'
Tulad kagabi ako na naman ulit ang unang tinawag ni ma'am Esme kaya dagli akong lumapit dito.,
"Lexien pakiayos lahat na mga papeles mo at sayo din Marco" seryosong wika nito
"Po? bakit po ma'am?" takang tanong ko sa kaniya
"Dahil next week na ang kasal niyong dalawa" determinadong wika naman nito
"A-ano po?!!"
"What?!" bigla din na wika ni Sir Marco
Paglingon ko naman sa kanila kitang kita ko din ang pagka gulat nila sir Aaron lalo na sir Leo na halos malaglag ang panga., Napayuko na lang ako, "ito na nga.,,, ito na nga ang sinasabi ko ehh, itutuloy niya parin talaga ang kasal naming dalawa ni Sir Marco"..
"Bakit Marco antayin mo pang nakaratay na ako bago ka magpakasal"
Rinig ko ang pag buntong hininga niya
"Sige.,, pumapayag na ako sa gusto niyo Mom" may pagkadiin na sabi niya dito kita ko pa ang pagkiyom ng mga kamao niya.
Napatingin ako sa kanya bigla, halu halong emosyon ang nakikita ko sa mukha niya, napalunok na lang ako nang tumingin ito sa akin diko kaya makipag titigan sa kanya kaya biglang lipat ko ng tingin kay Ma'am Esme.
Bigla naman namutawi ang saya sa mukha nito.,
"Buti naman kung ganon Marco, samahan mo din si Lexien para sunduin ang pamilya niya probinsya"
Napayuko ulit ako' "naku po isa pa pala iyon paano ko naman sasabihin kila tatay?"
Parang nag e echo na lang ang mga sinasabi ni Ma'am Esme at Sir Marco dahil sa kakaisip ko kung paano ko sasabihin kila tatay tungkol sa kasal.
"Sana nanaginip lang talaga ako huhuh"
"Kaya pag natapos niyo nang asikasuhin ang mga papeles niyong dalawa Lexien umuwi kayong dalawa ni Marco sa probinsya mo para sunduin ang tatay at kapatid mo" sabi nito
"O-opo ma'am" tanging sagot ko na lang at yumuko ulit ako diko kayang tumingin sa kanila, kahit hindi ito nagpapakita ng galit parang pakiramdam ko may nag alalab na apoy galing kay sir Marco kahit hindi ito nagpapakita ng galit.
"Gawin niyo na pinapagawa ko sa inyo" seryosong wika nito sa amin
Paglingon ko ulit sa kaniya na nakatingin na din pala ito sa akin pakiramdam ko nagtayuan mga balahibo ko bigla.
Nabasa ko na agad yong tingin niya sa akin na nasasaad ng "kumilos ka na" kaya nagmadali akong lumapit kay ma'am Esme para bumeso dito
"Ahhm.,, sige po Ma'am alis na po ako" paalam ko dito, ngitian niya naman ako. At nagmadali na akong lumabas.
Pagkabukas ko ng pinto nasa tapat pa si Sir Leo nakatayo at ngitian niya din ako.