Pagkatapos ng mainit na kompruntasyon na iyon—walang anumang salita na naglakad si Ethan paalis. Hindi na ito nagpaalam pa kay Augustus at maging kay Tasia ay hindi narin niya nagawang magpaalam pa. "Ahm, insan' umuwi na din tayo. Inaantok na na talaga ako, grabe ang mga nangyari!" Untag pa ni Rome sa kanya. "Mabuti pa nga insan, at ng makapagpahinga na din ang katawan ko pati ang isip ko! Diyos ko! Ayaw ko na!" "What is it that you don't want anymore? Are you giving up already when you're still going to love me, and I'm still going to love you? Nanay, please don't." Napahaplos siya ng kanyang batok sa sinabing iyon ni Augustus. "Bakit ba ang kulit ng lalakeng ito? Hindi porke't inanakan niya ako ay may karapatan na siyang angkinin ako na animo'y pag-aari na niya ako?" Saad niya sa kan

